Part 10

1 1 0
                                    


Ugh. Hang-over! Feeling ko umiikot 'yong paningin ko. Ang sakit pa ng ulo ko.

Hindi naman kasi talaga ako nag-iinum. Napilitan lang ako. Pati tuloy si Shiela nadamay.

Teka nasaan nga pala 'yon?

Wala na kasi siya sa kwarto. Magkatabi kasi kami matulog e.

"Oy? Ano kamusta?" Nakangirit na tanong ni Shiela.

"Grabe ang sakit ng ulo ko. Ikaw hindi ba masakit ulo mo?"

"Nah. Hindi naman ako uminom ng marami kagabi. Ikaw lang naman dyan."

"Ugh. Dinaya nila ako e. Porke hindi ako sanay uminom."

Tumawa lang naman siya sa sinabi ko.

"Tara..magliliwaliw sa Mall."

Nakakaloko ba ito o Ano? Masama nga yung pakiramdam ko diba?

"Dali na! May ice cream naman tayo. Sabi mo diba masarap ang ice cream dito? Please.. tara na?"

"Hindi ko ata kayang lumabas. Gusto ko lang humiga buong maghapon"

"No. Bumangon ka na dyan." Hinila naman niya ako kaya napatayo ako. Pero para akong lantang gulay.

"Mag kape ka tapos maligo ka.. tanggal yan."

"Ayoko talaga"

"Minsan na nga lang ako pumunta dito hindi mo pa ba ako pagbibigyan?"

Kailan pa siya natutong magtampo? Ugh.

"Oo na. Nakakaasar ka talaga"

Nagring bigla yung phone ko kaya tiningnan ko Naman kung sino ang tumatawag.

Calling Asungot....

Asungot ang pinangalan ko sa kanya. Teka bakit ko nga ba sinave number niya?

Tumingin ako kay Shie for an advice.

"Sagutin mo na"

So sinagot ko na..

"Hello." Walang umiimik.

"Hoy hello?" Wala pa rin.

"Ugh! Kung ayaw mo magsalita edi wag" then I ended the call.

"Woah? Ang taray."

"Nakakainis kaya. Tatawag tawag tapos hindi naman iimik."

Saglit pa ay nagtext naman ito.

From: Asungot

Ang taray mo ah. Masama siguro ang gising mo. Kamusta pala yung party mo kagabi?
---

To: Asungot

Pakealam mo ba?! Pwede ba? Wag ka na magtext dito!
---

From: Asungot

Aww. Sakit naman nun. </3 Oo nga pala sana magustuhan mo 'yong gift ko sayo. ---

"Gift?! Anong gift pinagsasabi neto?"

"Jea.." tawag sa akin ni Tito Daddy.. asawa ni tita mommy.

"Bakit po?" Bungad ko Pagkatapos kong buksan ang pinto.

"May nag iwan kasi neto sa may gate natin. Si tita mommy mo ang nakakita. Nakapangalan sayo e."

"Ikaw Ha! May manliligaw ka naman pala dito" panunukso pa sakin ni Shiela.

"Bumaba ka na Pati. Hindi ka pa nag aalmusal."

"Sige po tito daddy. Sunod kami ni Shie"

Kanino naman kaya galing itong bulaklak at teddy bear na ito.

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon