Part 7

2 1 0
                                    


Akala ko magiging okay na ulit lahat. Well, naging okay naman kami. I think 3 days after that tampuhan. Pero dahil nga do'n naisipan namin ni Shie na manmanan si Niccolo.

Dahil nga inaalam namin kung bakla nga ba siya or what.

Nalaman namin na NEVER pa pala siyang nagkaroon ng girlfriend.

Nakakapagtaka lang kasi gwapo naman siya, ma-appeal sa babae 'yon nga lang ang ugali, hindi kapasapasa kumbaga kung sa GMRC nung elementary baka palakol grades niya.

And! Natuklasan namin na kaya siya nagtransfer noong elementary ay binu-bully siya dahil nga lampa siya.

Pero ito 'yong pinakang highlight.

I saw some pictures of him with a guy. I don't know kung sino 'yong guy. Nakatalikod naman kasi ito sa pictures. Magkayakap sila.

Kaso sabi ni Shie, baka tropa lang. Normal lang 'yon.. Baka dinadamayan lang 'yong isa sa problema.

So yun, naghahanap pa rin kami ngayon ng matibay na patunay.

"Jea?"

"Oh?? Nandyan ka na pala, nakabili ka ba nung pinapabili ko?"

Lumabas kasi siya, bumili lang ng makakain sa convenient store.

"Oo. Uhmm Nasaan si Justin?"

Justin? Uhm. Nagpaalam 'yon sakin kanina e.

"May pupuntahan daw siya, alam ko pupuntahan niya 'yong ate niya sa may terminal ng bus, may kukunin daw siya eh. Bakit?"

"Look!"

Inabot niya sa'kin ang cell phone niya.
Kaya kinuha ko naman.

"Si... "

"Si Niccolo kasama niya."

Anak ng pating naman oh! Parang kahapon lang nangako na siya sa'kin na hindi na siya makikipag-usap kay Niccolo tapos ngayon magkasama nanaman sila! Ano bang meron sa kanilang dalawa! Naiinis na talaga ako.

"Hoy? Tulala ka na dyan. Ano? Susugurin na ba natin? Baka mamaya may relasyon na sila ha!"

'Yon! Yon ang hindi ko matatanggap. Ipagpapalit na lang ako sa lalaki pa! Kay Niccolo pa. Pero hindi e. Hindi ko dapat pinag-iisipan si Justin ng ganun.

Kasi alam kong mahal niya ako.
Alam kong hindi niya ako magagawang lokohin at saktan.

Iba si Justin.. Iba siya sa lahat ng naging boyfriend ko noon.

"Dito lang tayo sa boarding house. Kunyari, hindi natin alam ito. Kapag dumating si Justin, dapat kalma lang tayo. Kalimutan na muna natin itong picture na 'to" kalmado kong sagot kay Shie.

May naisip na akong paraan.

"Hindi mo siya aawayin?"

"No"

"Aba? Anong nangyari sayo? At bigla kang naging kalmado?"

"Ayoko na nang away. After nung eksena doon sa Mall palagi na lang kaming may tampuhan, may away. Kahapon na nga lang ulit kami nagkausap ng walang pinag-aawayan e. Tapos ngayon, away nanaman? Nakakaumay"

"Mahal mo talaga ano?" Napabuntong hininga na lang ako.

Sa totoo lang, Sobra. To think na pinilit kong baguhin 'yong sarili ko para sa kanya.

Ibang-iba na ako sa dating ako.

"Anong plano mo?"

"Hulihin sa akto?"

'Yon lang naisip ko e. Kesa naman sugurin siya at sumbatan ng kung ano-ano tapos hindi naman talaga niya ginawa. Ako na naman ang lalabas na masama doon.

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon