"Ano? Nasabi mo na ba?"
Tanong ni Niccolo.Nasabi ang alin??
"Hindi ko kaya." Sagot naman ni Justin.
"Ano?! Ano bang balak mo? Paabutin pa ng isang taon yan? Justin kitang kita ko na mahal na mahal ka na ni Jeannine. Bakit kailangan mo pang patagalin? Go and break her heart! Masyado ka ng nag eenjoy sa mission mo."
Mission?? Ano 'yon?
"Yong pera ba? Naipadala mo na sa Lolo ko?" Tanong pa ni Justin.
Hindi ko na maintindihan.. mission? Tapos pera? Para saan?
"Oo! Pinadala ko na kahapon pa, dahil akala ko nga tatapusin mo na yang pinapagawa ko sayo. Eh kaya lang hibang ka! Ano bang mahirap sa pinapagawa ko? Huwag mong sabihing mahal mo na rin siya? Yan ang isa sa mga kasunduan natin. Dapat siya ang mahuhulog sayo at hindi ikaw! Baka nakakalimutan mong kaya kita pinapunta dito ay para wasakin siya.. para iparamdam sa kanya 'yong sakit na pinaranas niya sa Pinsan ko! Kailangan niyang maramdaman 'yung pakiramdam ng maloko at maiwan. Kulang pa nga yun. Dahil dapat rin siyang mamatay! Ang mga katulad ni Jeannine hindi na dapat binibigyan ng pagkakataon na mabuhay."
Tama na! Tama na! Hindi ko na sila maintindihan. Gusto ko ng umalis.
"Hindi siya ganung tao Niccolo.. nakilala ko na siya.. Hindi mo dapat ginagawa sa kanya ito dahil lang minsan niyang niloko at iniwan ang pinsan mo! Hindi naman niya kasalanang namatay si Miro ah. Aksidente 'yon! Aksidente.."
"Hell yeah! It was a car accident pero hindi 'yon mangyayari kung hindi nakipaghiwalay si Jea! Hindi mo kasi alam kung gaano kamahal ng pinsan ko si Jea! Pero anong ginawa niya? Niloko niya lang si Miro, ni hindi niya nga ata alam na patay na si Miro.. isang taon nang nakakalipas pero hanggang ngayon depress na depress pa rin si Tita sa kagagawan ng babaeng yun! Kaya kung ayaw mong sabihin sa kanya na pinaglaruan mo lang rin siya, na plinano lang natin na magkakilala kayo at mahulog siya sayo..Pwes! Let me do this thing, Ako na ang magsasabi sa kanya na hindi mo naman siya minahal, it was just a game! Hahahaha." Tumawa pa ito na parang witch. He's really a gay.
But I don't care about that.
"Niccolo!! Bumalik ka dito!" Naramdaman kong umalis na sila.. pagkakataon ko na para mailabas ang kanina ko pang pinipigil na iyak.
Tumayo si Shiela sa pagkakaupo at humarap sakin..tsaka ako niyakap.
"Jea..." isang malumanay na tinig. Na parang nagbibigay ng simpatya.
Ang samasama ko pa lang Tao. Hindi lang pala ako manlolokong tao noon, Mamamatay tao rin pala. At yun ang pinakamasakit. Siguro karma na ito.
Pinaglaruan? All this time niloloko lang pala ako ni Justin at kasabwat pa pala niya si Niccolo. Sobrang sakit.. sobra.. Sana pinatay na lang rin niya ako kung gusto niyang makaganti sa pagkamatay ni Miro. Oo alam ko namang nagkamali ako noon. Pero.. hindi ko..hindi ko ginustong mangyari sa kanya 'yon. At hindi ko rin alam na ganun pala ang nangyari.
Hindi ako makaimik at makakibo sa pwesto ko. Pakiramdam ko malulunod na ako sa luha ko. Sobrang sakit lang talaga. Pero hindi ko magawang manumbat dahil alam kong naging masama ako noon at marahil karma ko ito.
SHIELA's POV
Sana hindi ko na lang pinilit si Jea na makinig sa usapan nila. Pero kung hindi naman, hindi niya nalalaman iyon. Siguro 'yon ang dapat sasabihin ni Justin kahapon.
Pag-uwi namin sa boarding house, iyak lang siya ng iyak. Hanggang ngayon umiiyak pa rin siya.
Hindi ako sanay na ganito siya. Hindi ako sanay na nasasaktan at umiiyak siya.
BINABASA MO ANG
HOW TO LOVE? (Short Story)
Teen FictionMagmahal? Paano nga bang magmahal? May tamang solutions ba para dyan? O kaya naman ay formula? Kasi ako? HINDI KO TALAGA ALAM kung Paano. Turuan mo naman ako oh.