Isang buwan na ang nakakalipas simula nung naging kami. Everything is fine and runs smoothly. Masaya kami. So far wala pa namang major away. Away bata lang.And today is our first monthsary.
And I'm telling you guys. Ngayon lang ako nag effort! Ito na talaga 'yon e.
Kinikilig na naman ako. And I just can't help it. Masyado kong mahal ang lalaking 'yon minsan nga iniisip ko baka naman ginayuma ako ni Justin kaya ganito ko siya kamahal. Joke lang. Hahaha!
"Oy Jeannine? Matagal ka pa ba dyan? Baka mahuli tayo ni Tita Mabel." Sabi ni Robert. Ka-boardmate ni Justin.
Nandito kasi ako sa boarding house nila. Sa kwarto ni Justin. At mahigpit na pinagbabawal ang pagpapapasok dito ng babae. Parang samin rin. No boys allowed. Kaso for the sake of my surprise.. Go go! Break the rules.
"Wait lang! Matatapos na 'to."
Naglagay lang naman ako ng mga ballons dito sa kama niya. May laman na messages 'yong mga balloons na 'yon. Binilot ko lang ng maliliit 'yong sticky notes. Basta mga gano'n! Tapos may mga nakadikit sa dingding na pictures namin. I mean it's a collage.. heart shaped. Sana magustuhan niya.First time ko 'to kaya pardon me."Oyyy Jeannine! Bilisan mo. Padating na si tita Mabel."
"Oo na. Eto na! Salamat Robert. You're the best.." sabay apir ko sa kanya tapos dalidali na rin akong umalis.
"Oh Ano? Natapos mo na 'yong surprise mo?" Bungad sakin ni Shiela.
"Uhm yeah. Sana talaga magustuhan niya ano?"
"Oo naman! First time kang nag effort ng ganun e. And he knows that. Anyway nasan ba 'yon?"
"Umalis e. May importante daw siyang aasikasuhin."
"Oh my God. Baka naman may surprise siya sayo?"..
"Nako. Wag mo kong paasahin Shie. Hindi naman ako nag eexpect e. Kung meron edi go. Pero kapag wala okay lang. Sapat na 'yong mahal niya ako."
"Naks! Iba ka na talaga..ibang iba ka na sa dating Jea."
"Naman! Swerte ko rin talaga kasi mahal na mahal ako ng taong mahal na mahal ko rin. Isang buwan pa lang pero feeling ko isang taon na ang nakakalipas."
"Hmm. Hindi sa paninira ng araw mo ha. Pero papaalalahanan lang kita, sa relationship.. hindi lang puro kilig, hindi lang lahat saya. Kasi darating at darating ang problema. And sa inyong dalawa hindi pa 'yon dumarating."
Napaisip naman ako bigla. Dapat ko na bang ihanda 'yong sarili ko? Pakiramdam ko kasi hindi ko kakayanin.
"Oo nga Noh? What if? May babae siya? At 'yon ang pinagkakaabalahan niya ngayon?"
"Huwag ka ngang praning!" Binato niya ako ng takip ng ball pen. Pero nakailag naman ako.
" Pinapaalalahanan lang kita. Pero Hindi ko sinabing mag-isip ka ng ganyan."
"Yeah right. Whatever. Ikaw kasi e"
"Jea tara? Magpapalamig muna? Sumasakit na talaga ulo ko dito sa ginagawa ko e"
"Bakit kasi napaka sipag mo? Next week pa naman ang submission nan ah?"
"How did you know?"
"Duh? Kaklase mo si Justin right? And I'm his girlfriend.. kaya alam ko."
"Ahh okay! Alam mo kasi mas maige na 'yong advance kesa naman rush hour kana.. tipong nag nagka-cramming kana."
"Oh hala na. Tara na sa Mall!"
***
"Ice cream tayo ha?" Banggit niya agad pagkatuntong namin sa Mall.
Kaya dumiretso na kami sa Ice cream parlor.
BINABASA MO ANG
HOW TO LOVE? (Short Story)
Teen FictionMagmahal? Paano nga bang magmahal? May tamang solutions ba para dyan? O kaya naman ay formula? Kasi ako? HINDI KO TALAGA ALAM kung Paano. Turuan mo naman ako oh.