Part 9

2 1 0
                                    


"Hoy ano ba? Diba ako ang nauna? Manong naman oh.. nagbili lang ako ng palamig tapos pagbalik ko nabili na pala 'yong banana cue ko? Ang unfair naman" reklamo ng isang babae.

"Eh miss, sana kasi binili mo na kanina para Hindi ka na nauhan. Hindi naman ito first come first serve. Manong eto po bayad ko." Sabi naman ng isang lalaki matapos niyang kuhain and isang stick ng banana cue.

"Urghh!! Ang dami talagang gentle man sa mundo. Grabe!" Sarkastiko nitong singhal pagkatapos ay umalis na rin.

Pagkatapos nun ay pumasok na rin naman ako sa loob ng bahay. Busy sila sa pagluluto.

Pero bigla akong natawa. May naalala kasi ako. Ganyan kami nagsimula ni Justin kaso planado naman pala 'yon.kumbaga scripted lahat tapos ako lang 'yong hindi nainform. Daya 'no?

Noong pumasok kami ng second semester, wala na siya sa campus ang sabi ni Shiela nagtransfer na raw pala.

Sobrang depression ang pinagdaanan ko noon, muntik ko ng wakasan ang buhay ko dahil sa nangyari at sa mga nalaman ko. Buti na lang kinaya ko pang mag exam at naiuwi agad ako kina tita Mommy.

I spent my whole semestral break with my relatives. At bago magsimula ang 2nd semester namin ay minabuti kong bisitahin ang puntod ni Miro. At doon lumuhod para humingi ng tawad sa lahat.

Halos araw-araw ko siyang pinagtitirik ng kandila sa simbahan at pinagdarasal na sana'y mapatawad niya ako.

Pero sabi nga nila sakin..wag ko raw hayaang talunin ako ng depression. Kailangan kong maging positibo sa buhay at subukang patawarin ang aking sarili. And luckily I did it.

Tapos.. humingi na rin ako ng tawad sa lahat ng mga lalaking niloko ko lang noon. Buti talaga pinatawad na nila ako.

"Jea?" Tawag sakin ni tita mommy sa kwarto.

"Ano po 'yon?" Bumangon na ako sa higaan at kinuha muna ang tsinelas sa ilalim ng kama ko..

Pag angat ko ng ulo ko nakita kong bumukas nang bahagya ang pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako.

"Knock knock" sabi niya habang ngirit na ngirit na nakasilip sa pintuan.

"Shiela??! Akala ko di ka makakapunta" salubong ko sa kanya.

"Naman ako pa ba? Special day mo 'to e. So why not coconut naman na hindi ako makakarating."

Yeah it's my 19th birthday. At dito siya gaganapin sa may amin. Actually
It's been 2 months. 2 months since he broke me into small pieces, Choss! Akala ko pa naman kasama ko siya sa isa sa mga importanteng araw sa buhay ko. Kaya lang.. WALA. Tama na nga ang emote. Kainis! Harhar. Nandito naman best friend ko.

"Thank you Shie. I love you na talaga!"

"Asus. Pero mas mahal mo pa rin siya. Admit it. Alam ko namang hindi ka pa rin nakakamove on." Sabi niya habang dirediretsong pumasok sa aking kwarto.

"Yeah right whatever Shie. Anyway? Saan ka nga pala magpapasko?"

Maiba lang. 4 days to go na lang kaya Noh. Christmas na.

"Uhmmmmmmm..."

Sabi ko kasi sa kanya dito na lang siya mag spend ng Christmas vacation.

"Here?" Patanong niyang sagot.

"Wahhh! Di nga??"

Seryoso?

"Oo nga! Look ang dami kong dalang gamit. Nagpaalam ako kay lola ang sabi niya okay lang daw naman sa kanya basta daw ba e. Uuwi ako dun before New year."

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon