Chapter Ten

5.7K 163 1
                                    

I decided to make a p.o.v of different character on this chapter..

Hmmm, I am planning to join too. And mess with them. Mwahahahaha

-writer

--------

Annastacia

Once I arrived at home, I run to my room and changed my clothes. I grabbed my favorite Cleveland's basketball jersey that my mom gave me on my 17th birthday. I wear my arm band too, black high socks and added a short black socks and wear my air nike basketball shoes. Then I grab my phone and headed down stair.

"Nanang Melda..?" tawag ko sa mayordoma namin na itinuring ko na ding parang Lola since dito na sya sa amin tumanda. At kung merong ibang tao na nakakakilala sakin bukod sa pamilya ko eh si Nanang Melda yun.

Nakita kong lumabas sya galing sa kitchen

"Yes hija? Nandito ka na pala?" nilapitan ko sya at nagmano. Nakasanayan ko na toh since bata pa ako.

"Opo, Nanang mag jogging lang po ako at maglalaro ng basketball saglit. Iiwan ko po sa inyo tong phone ko, may darating po kasi akong mga classmate baka po malibang ako paki sabi na lang po kay ate Nasing na pakipuntahan sa entrance ng subdivision at sunduin.." inabot ko na sa kanya yung phone ko.

"Apo tama ba ang narinig ko? May papunta kang kaibigan?" gulat na sabi nito. Napapalatak na lang ako.

"Nanang sabi ko po classmate hindi kaibigan. Gagawa lang po kami ng project." depensa ko

"Nako bata ka, ganun na din yun. Oh sya sige na, humayo ka at mag ingat ha.."

"Oho.. Ako pa!" Kinindatan ko pa sya na itinawa nya lang. Nagsimula na akong maglakad papunta sa basketball court bitbit ang bola ko.

------

Ellen

Magkakasama na kaming tatlo sa sasakyan ni Reeze. Hanggang ngayun hindi pa rin kami makapaniwala sa daang binabaybay namin.

Kilalang-kilala ang subdivision na inuuwian ni Annastacia na tirahan ng mga mayayamang tao sa Pilipinas.

Oo, mayaman ang pamilya naming tatlo nila Joey at Reeze pero si Annastacia. I bet wala sa kalahati ng yaman nila ang yaman ng mga magulang namin. Aba naman eh ang mga nakatira kasi dun hindi basta mga milyonaryo kundi bilyonaryo. Sino kaya ang magulang ni Annastacia? Hmmm, Miones ang last name nya.. Miones?

Hindi ko napansing nasa harap na pala kami ng entrance ng subdivision. Ipinarada ni Reeze ang kotse nya sa hindi nakakaistorbong daan. Sabay-sabay kaming lumabas ng sasakyan.

"Reeze tawagan mo na si Anna.." Si Joey ang nagsalita.

"Bakit ako? Sayo nya ibinigay yung cellphone number nya eh." sagot nito. Nakikinig lang ako sa kanila.

"Duh, binigay ko din naman sayo yung number nya ah. Tsaka as if ayaw mo syang tawagan talaga.." pangiirap ni Joey. Hay nako tong baklitang toh gusto talaga yung nasasaktan sya.

At ayun na nga, nakita kong lumipad ang kamay ni Reeze at dumapo sa batok ni Joey. Natawa na lang ako ng malakas.

Hindi naman lingid sa aming kaalaman ni Joey na may katotohanan yung sinabi nya. Simula nung first day pa lang napansin na namin na iba ang ikinikilos ni Reeze pag nanjan si Anna sa paligid. Kung paano nag nagniningning ang mata nya pag nakikita nya si Anna.

Syempre nung una hindi kami sigurado ni Joey since ang pagkaka kilala namin kay Reeze is super straight. As in straight though hindi pa namin sya nakitang nag entertain ng manliligaw. Baka kako pihikan lang.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon