Naging sunod-sunod ang pagpapalitan ng atake ni Anna at ng kanyang ama. Tila mga kidlat na gumuguhit ang taglay nilang bilis. Batas sa mga mata ng dalawa ang determinasyon na tapusin ang laban sa bawat sandaling nagdadaan, ngunit kung sino ang magwawagi ay walang nakakaalam. Isang pagpapabaya sa depensa ng isa sa kanila ay magiging sanhi ng pagkatalo at dito determinedo ang dalawa.
Mga sugat sa iba't-ibang parte ng kanilang katawan at ang walang humpay na palitan ng tirada ang unti-unting nagpapahina ng kanilang enerhiya na nagiging sanhi ng pagbagal ng kanilang pag galaw. Isang mabilis na atake ang ginawa ng kanyang ama na kanyang nasalag at kanyang sinabayan din ng isang kontra atake, ang paghiwang kanyang ginawa ay nasalag din ng kanyang ama ngunit bahagyang dumaplis ang dulo ng kanyang espada sa kanang tagiliran nya. Agad idinistansya ng ama ni Anna ang kanyang sarili sa anak. Bakas ang pagod sa kanilang mga mukha, ang dalawa ay malalim na ang paghinga. Batid nilang parehas na malapit ng matapos ang laban at parehas nilang alam na malapit na sila sa kanilang hangganan.
"Aking anak, hanggang dyan na lang ba ang kaya mong ibigay?" Nakangising panunutya ng kanyang ama sa kanya.
Alam nya ang giinagawang taktika sa kanya ng kanyang ama, gusto nitong asarin sya para mawala sya sa kanyang konsentrasyon at basta na lang umatake ng walang pagpaplano.
"Alam mong ang bawat katagang sinasabi mo ay wala na sa aking epekto. Alam din nating parehas na malapit ng matapos ang labanang ito at malalaman ng isa sa atin kung sino ang mananalo." Balik kong sagot sa kanya.
"Kung gayon ay wag na nating pagtagalin, tapusin na natin toh. Ayokong pagtagalin pa muli nyong pagkikita ng iyong ina sa kabulang buhay." Nakangise nyang sabi.
Sabay silang sumugod sa isa't-isa. Ibinigay ng lahat ni Anna ang natitira nyang enerhiya sa gagawin nyang pagsugod at ganun din ang kanyang ama. Dalawang espada ang naging opensa ng ama ni Anna, umikot ito sa ere at niredonda ang espada para sa mas malakas na pwersa ng pagtawa ng mga ito, pinilit salagin ni Anna ang atake ngunit malakas ang impact ng tama ng mga espada, napaluhod sya habang nakasanggala sa kanya ang kanyang armor, unti-unti nyang naririnig ang pagkadurog ng kanyang pananggala. Buong pwersa nyang inaangat ang kanyang sarili at sinubukang iwasiwas ang mga espada. Tagumpay nyang napatalsik ang isang espada sa isang kamay ng kanyang ama ngunit ang isang espada ay tumama sa kanyang balikat na nakapagpahiyaw sa kanya. Naging maagap ang kanyang kamay at kanya agad itong inihawak sa espedang nasa kanyang balikat para hindi tuluyang bumaon ito sa kanyang katawan. Nakatukod naman ang kanyang kabilang kamay na may hawak na espada sa lupa para sa pwersa na hindi sya tuluyang mapaluhod.
"Mukhang hanggang dito ka na lang Anna, akala ko pa naman ay mag-eenjoy ako sa ating laban. Ikamusta mo na lang ako sa iyong ina sa kabilang buhay" Napapalatak na sabi ng kanyang ama. Itinaas nito ang kamay na nabakante at muling sumulpot ang kaninang espada nito na tumalsik. Ipinuwesto na nito ang espada sa pagtarak sa kanya at alam nyang sa mga sandaling iyon ay magiging katapusan ng ng kanyang buhay.
"Patawarin mo ko Thiesca, nabigo kita sa kaisa-isang misyon na maipagtanggol ang ating mundo. Patarin mo ko Reeze, sa muli nating pagkikita." Iyon ang huling nsa isip ko habang nakikita ko ang tila dahan-dahan na paglapit ng espada sa aking katawan na alam kong tatapos ng aking hininga.
"Paalam Reeze..."
.....
...
..
.
---
Annastacia Regina
Bigla akong napabangon sa aking pagkakahiga at tutop ang aking dibdib. Habol ko ang aking paghinga at tagaltak ang aking pawis. Tila nararamdaman ko pa ang mga pinagdaanan ko sa aking panaginip, kung panaginip nga bang matatawag yon o isang bangungot.
BINABASA MO ANG
I Am Like You (GirlxGirl Story)
FantasySi Reeze ang cheerleader ng University na pinapasukan nya. Si Annastacia, isang babaeng mahiwaga ang pagkatao. Genius, nerd, outcast and preferred to be alone. Why? Ayaw nyang may makalaam ng tunay nyang pagkatao. Unang taon nya sa university na pin...