Chapter Eighteen

5.1K 147 3
                                    

Booooooo hoooooo!!!

Surpresaaaaaaaaa! Hihi

Waning: alam nyo na! Sa barangay kayo magreklamo sa mga mispelled words at wrong grammar. Hahaa nakakatamad kayang icheck, ang haba pa nito nu. Basa a lang kayo. Wag na magreklamo kung may plano kayo hihi

--------


Nagsimula na ang 4th quarter, five minutes na lang ang natitira sa oras. Lamang ang senior ng ten points dahil sa biglang pag higpit ng kanilang depensa. Naging mahigpit ang pagbabantay nila sa sentro at point guard ng rookie/sophomore team. Once na mahawakan ng alin sa dalawa ang bola, automatikong dino-double sila ng kabilang team.

Napipilitang ipasa ni Annastacia ang bola sa labas, dahil sa pagod sumasablay na ang tira ng kanyang mga kasama. Pare-parehas na din silang sa bibig humihinga.

Last 10 seconds sa shot clock nila, mahigpit ang depensa sa kanya. Dalawang tao ang nakabantay, kailangan nya ng gumawa ng aksyon.

Tinignan nya ang teammates nya, isa lang ang open pero madali ding madidepensahan pag pinasa nya ang bola.

Bigla syang nagdrive at parehas sumabay ang dalawa nyang bantay, bigla din syang nagpreno sa three point line, lumundag at ishinoot ang bola.

Rinig ang pag swak ng bola sa net. Three points at baba sa pito ang lamang ng kalaban.

"Baba sa depensa!" Sigaw ko sa mga teammate ko, paglapit sakin ni Brenda nag highfive toh na tinanggap ko naman.

"Nice shot!" Tinanguan ko lang sya na ikinailing lang nya at ikinangise.

Palapit sa Abi at nagdidrible, bigla ko syang nilapitan para depensahan na ikinabigla nya. Dahil sa di nya inaasahan ang galaw ko nakita ko syang nataranta, nabasa ko din ang galaw ng kamay nya na magpapasa ng bola sa kakampi nya, nagawa kong tapikin ang bola. Nag-unahan kami sa paghabol at ako ang unang nakakuha ng bola. Dali-dali ko tong idinrible palapit sa side court namin. Nang nasa three point line nako ulit, hindi na ko nag-atubili at naghintay pa ng mga kakampi, itinira ko na.

Same result! Pasok ang tres ko at baba sa apat ang lamang ng senior. Tumawag ng time out ang kabilang team.

"Good job Anna!" Puri ni Coach V sakin ng makalapit na kami.

"Thanks coach!"

"May apat na minuto pang natitira. Dahil sa dalawang tres mo maghihigpit lalo ang depensa sayo at eto na ang chance natin dahil tsak na luluwag na ang depensa sa iba mong kasama. We'll stick to man-to-man defense and we will go to two-three zone sa offense natin. Kaya nyo pa bang tumakbo team?" Tanong ni Coach V.

"Yes Coach!" Sabay-sabay naming sagot.

"Good, we will surprise them with our run and gun, once na makuha natin ang rebound or nasa atin ang ball possession gusto kong tumakbo kayo, no set up of plays pero once na makababa agad ang depensa nila we will go for two-three, am i clear!" Whoah suicidal toh kaya pa kaya ng teammate ko?

"Yes coach!" Sabay nilang sagot.

Nagwhistle na si ref, back on defense kami. Last four minutes, kaya toh!

Gaya nga ng inaasahan, naging mas mainit ang depensa ng kabilang team sakin pero nakakahanap na kami ng butas sa depensa nila kaya ang naging sistema, nagkakapalitan na lang kami ng score. Score ng kabila na babawian din namin ng score.

Last two minutes na lang, apat pa din ang lamang nila. Bola namin at mahigpit ang depensa sakin, nagdrive ako at dalawa ang agad na sumalubong sakin, prinutektahan ko ang bola gamit ang katawan ko hanggang mapunta ako sa ilalim ng net pero walang chance for easy lay up, maganda ang pagkaka seal ng defense sakin kaya napilitan ako idrive ulit palabas ang bola.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon