Lumipas ang ilang segundo na walang namutawing salita sa aming dalawa.Hindi ko alam kung paano nangyari, kung paano nagsimula, kung paano natapos. Basta ang malinaw sa utak ko, nakaupo pa din ako sa kotse ni Annastacia, magkadikit pa din ang aming noo, rinig ang lalim ng paghinga ng bawat isa at hindi ko pa rin maimulat ang aking mga mata.
Hindi ako makadilat sa kadahilanang baka nakatitig sya sa akin at hindi ko alam ang irereak ko, oh sa kadahilanang natatakot ako na baka sa pag dilat ng aking mga mata eh panaginip lang pala ang lahat.
Ilang saglit lang at narinig ko ang malambing nyang tinig.
"Wow.." Napadilat ako, bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kanya upang matitigan sya. Nakapikit pa din sya at masisilayan ang ngit sa kanyang mga labi.
At natunghayan ko kung paanong dahan-dahan nyang iminumulat ang kanyang mga mata. Napatitig ako sa mga mata nya. Parang may kakaiba. Alam kong brown ang mata nya pero bakit ganun? Parang may ningning na mababadya? Parang may liwanag na gustong kumawala.
Nakatitig din sya sa akin. Napalunok ako.
"A-Anna.. Ahh, eeh.. Erm!" Hindi ko matutunan anv gusto kong sabihin.
"R-Reeze.." Bago pa ulit kami makapagsalita e biglang tumunog ang cellphone ko.
Natataranta akong hinanap toh sa bag ko. Shit ano bang nangyayari sakin? Pag kakuha ko nakita ko agad na number ni mama yung tumayawag kaya agad-agad kong sinagot.
"Hello Ma.." mataman lang nakatitig sakin si Anna.
"Y-yes ma.. I'll be there in a minute. Andito na ko sa labas ng gate." Hinintay ko yung sagot sa kabilang linya.
"Okey ma, bye!" Yun lang at priness ko na yung end cll button.
Dali-dali ko ng pinasok sa bag yung cellphone ko at nagmamadaling binuksan yung pinto ng kotse. Lalabas na sana ako ng maalala kong may kasama nga pala ako kaya bigla din akong lingon. Nakita ko lang na nakatingin sya sakin.
Dahil sa pagkataranta ko bigla ko na lang syang hinalikan sa pisngi na ikinagulat nya.
"I.. Ah, I'm.." Ugh seriously Reeze? Kastigo ko sa sarili ko. "I h-have to go now. See yah later Anna." Hindi ko na sya hinintay pang makapagsalita, lumabas nako ng tuluyan ng sasakyan at nagmamadaling pumasok ng gate ng bahay namin.
Napasandal na lang ako sa gate namin na tutop ang aking dibdib. Ilang segundo ang hinantay ko at narinig ko na ang muling pagkabuhay ng makina ng sasakyan ni Anna at ang dahan-dahang pag andar nito.
----------
What happened? Nakagarahe na ko sa harap ng bahay namin at iniisip kung ano yung nangyari kanina.
Napahawak na lang ako sa mga labi ko ng maalala yung halik na namagitan samin ni Reeze.
Parang wala sa sariling bumaba ako ng sasakyan at naglakad papasok sa loob ng bahay.
"Babe..." Narinig kong tawag sakin ni mum. Pagkalingon ko sa kanya, nasa tabi sya ni mom at nakahilig sya dito.
Nagdiretso ako sa kinauupuan nila at otomatikong iniyakap ko ang aking mga braso kay mum.
"Hey, what's going on?" May pagaalala sa boses ni mum pero agad din naman nitong ginantihan ang yakap sakin.
Isinubsob ko ang mukha sa leeg ni mum at di pa din ako umiimik. Naramdaman ko ang isang pares pa ng kamay ang yumakap sakin at humagod sa aking likod.
"Baby..?" Tinig ni mom. Napabuntong hininga ako.
"I kissed her.." Hindi ako sigurado kung narinig ba nila yung sinabi ko dahil sa hina ng pagkakasabi ko.
BINABASA MO ANG
I Am Like You (GirlxGirl Story)
FantasySi Reeze ang cheerleader ng University na pinapasukan nya. Si Annastacia, isang babaeng mahiwaga ang pagkatao. Genius, nerd, outcast and preferred to be alone. Why? Ayaw nyang may makalaam ng tunay nyang pagkatao. Unang taon nya sa university na pin...