AGAIN WARNING!
Wrong grammar and mispelled words are available lalo pag basta-basta ipinost! Hihi
Sa congress ka magreklamo makisabay ka sa kaguluhan sa senado! Kaloka :3
Enjoy! Libre po lait ha ;)
-----
Annastacia
Nagha-huddle up kami, nagbibigay ng instruction si coach ng bigla akong magtaas ng kamay.
"Yes Annastacia?" Ani coach.
"I want to be the point guard." Determinado ako at nakatitig sa kanya ng seryoso. Iba ang pakiramdam ko, sa buong buhay ko ngayun lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Buhay na buhay ang dugo ko, para akong naliligalig, nae-excite ako parang gusto kong magwala sa loob ng court, parang lalo lang nadagdagan ang energy ko imbes na mabawasan dahil s pagod. Gusto kong manalo, ayokong matalo at gawing dahilan ang dahil sa kakulangan ko o ng team ko sa ekpiryensa. Gusto kong ibigay lahat ng kakayahan ko bilang isang normal na manlalaro.
Napansin marahil ni coach ang kakaibang aura ko, nakita ko ding ngumise si Brenda.
"Okey, Annastacia you're going to be the point guard, Liezl take a break Ellaine you'll be the shooting guard. We are going on 3-2 zone on offense and we will go on man-to-man defense. Anyone wanted to say something before going back to the court?" I looked at my team, Brenda then raised her hand.
"Annastacia it's time for you to show Abi what you have!" Then she smirked. I just nod in understanding.
"Anymore ladies?" Dagdag ni Coach V. I raised my hand too. "Yes Annastacia?"
"I want you.." Tinuro ko ang teammate ko isa-isa "to look at me, never leave your eyes on me" i think i sent the right message to them dahil tumango sipang apat.
"This is it, show them that you ladies are not just the sophomore and rookies of our team. Teach them to respect your ability alright!" Malakas na sabi ni coach sa last part.
"Yes coach!" First time kong nakisabay sa pagsagot.
Naglakad na kami papunta sa court ng senior since sa kanila ang bola.
Walang nabago sa starting line up nila. Si Abigail pa din ang point guard. Pumito si Coach Gilbert signaling na start na ang game.
Game time!
I bend my knees, nasa center ako ng court waiting for my opponent. Nakapwesto na din ang teammates ko guarding their opponent. I focus on Abi's dribbling. Fast pace the slow pace when she switch her dribbling. She is right handed, i kept on observing.
Nang matawid nya na ang half court at nakita nyang ako na ang babantay sa kanya, ngumisi sya ng nakakaloko, inignore ko lang at nagfocus ako sa dribbling nya.
"Do you think you can guard me at makakasabay ka sa bilis ko?" Sabi nito sa nang-aasar na boses. Again, i just ignored her. "Ano, wala kang masabi? Natyambahan mo lang naman si Brenda kanina eh pero sakin.." Hindi nya na natapos yung sasabihin nya dahil sa biglang ikinilos ko.
Hindi nya napansin ang paghakbang ko dahil sa pagdaldal nya, sapat na ang distansyang yun sa haba ng braso ko para tyempuhan ang pagbounce nya ng bola. Bigla ang pagsundot ko at saktong tumama ang kamay sa bola at nawala toh sa kanya, nagroll ang bola at sinabayan ko ng takbo papunta sa direksyon nito hanggang makuha ko.
BINABASA MO ANG
I Am Like You (GirlxGirl Story)
FantasySi Reeze ang cheerleader ng University na pinapasukan nya. Si Annastacia, isang babaeng mahiwaga ang pagkatao. Genius, nerd, outcast and preferred to be alone. Why? Ayaw nyang may makalaam ng tunay nyang pagkatao. Unang taon nya sa university na pin...