Mainit, may init akong nararamdaman. Init na na nang-gagaling sa palad ko, hatid ng init na nakadampi sa palad ko.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang una kong nasilayan ay ang puting kisame. Nangunot ang noo ko, iginala ko ang paningin ko at inisip kung anong ginagawa ko sa puting kwarto na toh. Unti-unting nagbalik sa aking alaala ang mga nang-yari. Oh, patay ako kay mom and mumsy nito! Napapapalatak na lang ako sa aking sarili.
Biglang dumako ang aking mga mata sa bagay na nagbibigay ng init sa aking palad. Hindi pala bagay kundi kamay, kamay na nakahawak sakin. Bigla na lang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Kahit na hindi ko masilayan ang mukha ng taong ngayun ay nakayuko ang ulo sa kamang hinihigaan ko pero natitiyak kong kilala ko ang taong mukhang mahimbing ang pagkakatulog. Dahil sa pamilyar na pakiramdam na hatid ng kamay nya at sa bulto nya.
Reeze.. Mahinang sambit ko. Unti-unti kong inangat ang thumb ko para himasin ang likod ng palad nya. Wala sa sariling nilaro-laro ng thumb ko ang palad nya habang inisip ang mga nangyari. Gaano na kaya ako katagal tulog? Alam na kaya ng parents ko ang nangyari? Anong nangyari kay Abi at sa dalawang kasama nya? Naputol lang ang pag-iisip ko ng naramdaman ko ang pag-galaw ng palad ni Reeze. Bumalik ulit sa kanya ang tingin ko. Unti-unti syang nag-aangat ng ulo. Napangiti ulit ako dahil sa nakita kong pagpikit pikit nya at pangungunot ng noo, na parang iniisip kung nasaang lugar sya at anong ginagawa nya dito. Nakita ko din kung paanong dahan-dahang bumaba ang tingin nya sa kamay nyang patuloy ko pa ding nilalaro.
Bumaling bigla sakin ang tingin nya na parang natauhang hindi sya nag-iisa sa kwartong iyon. Nagtama ang aming mga mata. Una ay pagkabigla ang nakita kong emosyon sa kanyang mga mata pero agad ding napalitan ng ibanv enosyon. Biglang lumamlam ang mga mata nya at mababakas mo ang pag-aalala.
"Kamusta ka na? Anong pakiramdam mo?" Malambing na tanong nito. In-assess ko ang sarili ko at damage na natanggap ko galing sa mga nam-bully sa akin.
Bigla ko tuloy naramdaman na masakit ang tagiliran ko at ang kirot sa kanang gilid ng labi ko. Hindi ko napigilang damhin ang labi ko na kumikirot gamit ang isa kong kamay na hindi hawak ni Reeze. Medyo nangiwi ako ng bahagya pero bearable naman yung pain. Nginitian ko sya.
"I'm okey. Ikaw?" Ganti kong tanong.
"Why are you asking? Okey naman ako, hindi naman ako yung nagulpi eh." Nakataas na kilay na sagot nito na ikinatawa ko. "Anong nakakatawa Annastacia Regina?" Nakataas kilay nitong tanong na ikinangiwi ko.
"You look exhausted that is why I am asking you. Did you sleep last night? And please stop calling me by my whole name!" Naiiling na sagot ko pero may halo ding pag-aalala sa boses ko. Halata ko ang pagod sa mga mata nya kahit walang mababakas na eyebags.
"I.. Ah, y-yeah!" Biglang parang nautal na sagot nito at nagiwas pa ng tingin sakin. Napabuntong hininga na lang ako.
"Reeze.." Agaw ko ng atensyon nya. Bigla kong naisipang i-intertwined yung mga daliri namin. Biglang napadako dun yung tingin nya na ikinangiti ko. Bakit ba, sa gusto kong hawakan pa yung malambot nyang kamay. Pinilit nyang bawiin toh pero hinigpitan ko lang ang pagkakahawak kaya napadako sakin ulit ang tingin nya na ikinangiti ko. Ano bang nangyayari sakin, pagkatapos nung halik na naganap sa amin at ilang gabinv hindi nya ko pinatulog ay ganto ang inaakto ko sa kanya. Samantalang kanina lang sobrang kaba yung nararamdaman ko papasok ng University.
BINABASA MO ANG
I Am Like You (GirlxGirl Story)
FantasySi Reeze ang cheerleader ng University na pinapasukan nya. Si Annastacia, isang babaeng mahiwaga ang pagkatao. Genius, nerd, outcast and preferred to be alone. Why? Ayaw nyang may makalaam ng tunay nyang pagkatao. Unang taon nya sa university na pin...