Isang malakas na suntok sa sikmura ang tinamo ko sanhi upang mapaluhod ako at masuka ng dugi habang sapo ang aking tiyan na natitiyak kong punong-puno na ng mga pasa. Hindi pa ako nakakabawi sa suntok na yun ng maramdaman ko ang impact ng sipa sa aking mukha na nagpatalsik sa akin ng ilang kilometro, naramdaman ko ang napunit na balat sa aking pisngi na tinamaan ng sipang yun at ang pag agos ng amoy bakal na likido. Pikit na din ang kaliwang mata ko dahil sa cut sa ibabang bahagi ng kilay ko na may umaagos na dugo at nagpapahirap sa akin na makakita ng maayos.Naramdaman ko na ang papalapit na pwersa nya pero dala ng sobrang pagod dahil sa tatlo o apat o limang araw na ata naming patuloy na nagbabakbakan ay hindi ko na magawang ikilos ang aking katawan, gustuhin ko man kahit anong pilit ng utak ko na utusan ang katawan ko ay ayaw na nitong sumunod.
"Shit!" Iyun na lang ang nasabi ko ng bigla syang sumulpot sa harapan ko. Naramdaman ko ang pagkapit na sa balikat ko upang itayo ako. Nakita kong iniakma nya din ang kanang kamay nya na isusuntok sa mukha ko.
Pumikit na lang ako at hinintay ang impact nun na siguradong tuluyang magpapawala ng kamalayan ko.
Ngunit muli akong napadilat ng imbis na suntok ang maramdaman ko ay isang mahinang pitik sa tungki ng aking ilong ang nakamit ko.
Nakangiti itong nakatitig sa akin, hinaplos nya ang aking pisngi at ginawaran ako ng isang halik sa noo na nakapag papikit sa akin dahil ramdam ko ang pagmamahal na hatid nun. Sunod nyang ginawa ay iniyakap ang kanyang mga bisig sa aking pagod na katawan kaya hindi ko na naiwasang ihilig ang aking ulo sa kanyang balikat.
"Magpahinga ka na muna Anna.." Bulong sa akin ng aking ina na si Chiamera. Hindi ko na nagawang tumugon dahil kusa ng pumikit ang aking mga mata at tuluyang nag shut down ang aking utak.
Nang mag mulat ako ng aking mga mata, isang hindi pamilyar na lugar ang aking natunghayan. Agad hinanap ng mga mata ko ang aking ina.
Napansin kong nakahiga pala at nakaunan sa ugat ng isang pagkatayog-tayog na punong wala akong idea kung anong uri. Namangha din ako sa kapaligidar dahil napapaligiran ako ng mga nag gagandahang, makukulay at nakakatuwang itsura ng mga halaman at bulaklak.
Sinubukan kong huminga ng malalim at langhapin ang sariwang hangin. Wala akong hirap na naramdaman sa paghinga kaya nakakasigurado akong nasa ibang planeta kami ni thiesca dahil dun sa planetang pinagsanayan ko ay masyadong napakababa ng oxygen kaya kinailangan kong mag adjust, kung ilang araw ay wala akong idea.
Sinubukan ko ding igalaw ang aking katawan at tumayo na nagawa ko naman ng walang kahirap-hirap. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil parang sobrang gaan ng katawan ko sa hindi ko matyak na kadahilanan. Maaaring dahil mas okey ang gravity sa mundong ito o dahil nasanay ang katawan ko dun sa planetang yun na hindi ko alam ang pangalan na sobrang baba ang gravity na halos higupin ako ng lupa pababa sa kanya. Yun din ang dahilan kung bakit masyadong napinsala ang katawan ko sa bugbog dahil nahirapan talaga akong ilagan ang mga suntok at sipa pati na rin ang mga bolang gawa sa yelo na ibinabato sa akin ng aking ina sa aming pagsasanay.
Sa pagkaalala sa aking pagsasanay bigla kong pinakiramdaman ang sarili ko at kinapa ang mukha ko para tignan kung gaano kalala ang naging bugbog sa akin ngunit ikinagulat ko ng wala akong makapang sugat sa mukha na tandang-tanda ko pa kung paano napunit ang balat ko sa suntok at sinipa na yun. Wala din akong maramdamang sakit sa katawan ko na natitiyak kong dapat ay puno ng pasa ngayun. Agad kong inangat ang damit ko na mejo wasak na din sa aksyong kinamit ko ngunit wala ni maliit na pasang mababakas.
Paanong....
Bigla kong naramdaman na may tumamang kung anong bagay sa ulo ko. Nakita kong may nahulog sa lapag na...
BINABASA MO ANG
I Am Like You (GirlxGirl Story)
FantasiSi Reeze ang cheerleader ng University na pinapasukan nya. Si Annastacia, isang babaeng mahiwaga ang pagkatao. Genius, nerd, outcast and preferred to be alone. Why? Ayaw nyang may makalaam ng tunay nyang pagkatao. Unang taon nya sa university na pin...