Alam nyo na sa mispelled words and wrong grammar ah! Katamad basahin at ikorek eh :3
----
Malapit ng mag midnight pero gising na gising pa din ako, nakailang baling nako sa higaan para maging komportable at dalawin ng antok pero wala pa din.
Hindi naman ako nagkape ngayung araw para maging ganto ka-hyper pero bakit gising na gising pa din ako! Grrrrr
Sinubukan kong dumapa this time at ibaon ang mukha sa malambot kong unan pero paglipas ng ilang segundo agad din akong tumihaya dahil parang nauubusan na ng hangin ang baga ko.
Huminga na lang ako ng malalim at muling ipinkit ang aking mga mata. Pag pikit na pagpikit ko bigla kong nakita ang nakangiting mukha ni Anna na ikinangise ko.
Ayyyyy sheeeet! Kilig.... :3
Bigla ko din ulit naalala yung nangyari kanina nung nakasakay kami sa kotse nya.Gahibla na lang ang pagitan ng mga labi namin sa isa't-isa, ramdam ko ang pagtama ng ilong nya sa ilong ko at ang pagdampi ng hininga nya mukha ko habang ako ay di ko man lang namamalayan na hindi ako humihinga dahil sa antisipayson ng mangyayari.
Ramdam ko na..
Malapit na..
Makakamit ko na ang first kiss ko..
......
...
Nang biglang...
Nagring ang cellphone ni Anna na parehas naming ikinaigtad.
Bigla akong napadilat at parang biglang natauhan..
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko, habang natataranta namang hinanap ni Annastacia yung cellphone nya..
Hindi ko magawang tumingin sya..
"H-hello ma.." Narinig kong sagot nya nung nakuha nya na cellphone nya. Nautal ba sya?
"Y-yeah! No! I mean yes, yes ma!" Parang tila naguguluhan na sagot nito. Epekto kaya yun ng... Di ko na napigilan mapangiti..
BINABASA MO ANG
I Am Like You (GirlxGirl Story)
FantasíaSi Reeze ang cheerleader ng University na pinapasukan nya. Si Annastacia, isang babaeng mahiwaga ang pagkatao. Genius, nerd, outcast and preferred to be alone. Why? Ayaw nyang may makalaam ng tunay nyang pagkatao. Unang taon nya sa university na pin...