"REEZE!"
Bigla ang naging pag dilat ko at pag upo sa kamang kinahihigaan ko dahil sa nakakabinging sigaw ni Anna sa pangalan ko.
Nang makabawi ako sa pagkabigla habang tutop ng aking kanang palad ang aking dibdib ay aad kong inilingap ang aking paningin para hanapin sya. Ngunit na-ilibot ko na ang mga mata ko sa kapaligiran ay walang Anna akong nakita.
Tsk, nananaginip lang talaga ako pero panaginip na parang totoong-totoo.
Mahihiga na muli sana ako ng marinig ko na naman ang tinig nya.
"R-Reeze.." Tila nauutal pa na parang may halong kaba ang boses ni Anna.
"Huh?!" Napakunot ang noo ko. "Nag-hahalusinasyon ba ko?" Tila parang timang na kausapa ko sa aking sarili.
"R-Reeze hi-hindi ka nag-hahalusinasyon. Na-naririinig mo talaga ako." Utal-utal na sabi nito.
Napakunot tuloy ang noo ko. Malala na talaga ata ang sapak ko, sumasagot pa sya sa halusinasyon ko.
Teka! Baka naman nananaginip lang ako sa panaginip ko? Oo nga, nananaginip ako sa panaginip ko kasi kung totoo 'to malabong magkanda-utal-utal si Anna sa walang tamang dahilan. Nako sya pa! Kumbinsido kong kausap ko sa sarili ko. Nangingisi pa ko ng nakakaloko dahil sa pagkakaalam kong panaginip lang ang lahat.
"Haist!" Aba bumubuntong-hininga pa si Anna, ang galing naman. Nangisi na naman ako. "Reeze ano ba! Hindi ka sabi nananaginip eh!" Tila bata naman ngayung nagmamaktol ang boses ni Anna sa panaginip ko.
Ay ang galing namang panaginip 'to hihihi. Masakyan nga tong trip ng panaginip ko tutal pwede ko naman pala sya makausap at mapawi ang pangungulila ko sa kanya kahit papaano, kahit sa panaginip lang. (ang sarap nya pektusan mga reader nu? Mukhang tanga lang! 😂 -writer)
"Reeze, makinig ka sa sasabihin ko ha.." Tila nauubusan na ito ng pasensya at lalabasan na ng usok ang ilong nito sa himig ng boses nya.
Bigla tuloy akong nag imagine ng itsura nya ngayun at pati yun may lumalabas na usok sa ilong nyan inimagine ko din kaya napahagikgik ako sa kakatuwang itsura nyang nabuo sa isip ko.
"Oooookey.." Nakakaloko kong sagot at marinig kong bumuntong hininga ito na ikinangise ko. Sa panaginip ko pala pwede ko syang asarin hanggat gusto ko hahaha.
"Reeze, kurutin mo nga ang sarili mo, yung malakas ha! Yung mapapahiyaw ka sa sakit at mare-realize mong hindi ka nananaginip!" Puno ng pag ka-asar ang tinig nito na ikinatawa ko ng malakas.
"Ano ba yan Anna pati sa panaginip ko ang seryoso mo pa din at bakit mo naman gustong saktan ko ang sarili ko aber!" Ayan nag tataray ako kunyare tutal panaginip nga lang, panaginip lang ang lahat! (Pag ako di nakapag pigil tatampalin ko na tong Reeze na toh eh! Kakaloka masyadong pinapagana ang imahinasyon ko! -writer ulit)
BINABASA MO ANG
I Am Like You (GirlxGirl Story)
FantasySi Reeze ang cheerleader ng University na pinapasukan nya. Si Annastacia, isang babaeng mahiwaga ang pagkatao. Genius, nerd, outcast and preferred to be alone. Why? Ayaw nyang may makalaam ng tunay nyang pagkatao. Unang taon nya sa university na pin...