Reeze
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto at tumatama sa aking mga mata sa kinahihigaan ko. Napangiti ako ng maalala ko ang nag daang gabi at ang naging pag-uusap namin ni Anna, malaki ang iginaan ng aking pakiramdam at napawi ng kahit papaano ang pagka miss ko sa kanya. Sumagi rin sa aking isipan ang aking kaistupiduhan dahil sa hindi ko agad paniniwala na hindi panaginip ang nagaganap, kaya hindi ko rin tuloy mapigilang hindi mangiwi.
Bumangon na ko sa aking higaan na orihinal na pag mamay-ari ni Anna. Nag diretso ako sa shower room at naligo.
May tatlumpong minuto ko ding ibinabad ang aking sarili sa paliligo dahil tiyak na sobrang init na naman sa labas. Matapos kong maligo at magbihis ay nag diretso na akong lumabas ng kwarto at nag diretso sa sala. Nadatnan ko doon si Joey na prenteng nakahilata sa couch at nanonood ng tv.
"Morning bakla!" Agaw ko ng atensyon nya dahil tutok na tutok ito sa pinapanood na pelikula.
"Morning ka dyan! Mag aala-una na babae, ano ka!" Nakakunot pa yung noo nya na saglit na ibinaling yung atensyon sa akin at muli ding pinag patuloy yung panonood.
"Huh?! Telege be meme?" Pang aasar ko sa kanya pero agad ko ding inilingap ang aking paningin sa wall clock at tama nga sya, mag aala-una na nga.
"Aba, aba, aba! Maganda ata ang tulog mo bruha, good mood ka mang asar ngayun ah." Nangingiseng turan nya sakin. Well, hindi ko naman talaga maitatago na good mood ako dahil sa nag daang gabi. Nag bleh na lang ako sa kanya kahit di naman nya nakikita dahil sa pag kaaligaga sa panonood kaya nag diretso na lang ako sa kusina pero may naalala akong tanungin sa kanya kaya sinigaw ko na lang dahil tinatamad na kong bumalik dun sa sala kahit pa katiting lang yun lalakarin ko.
"Asan nga pala si Ellen?" Sigaw ko sa kanya habang nag bubungkal ako ng ref at nag hahanap ng pwedeng kainin.
"Nag puntang mall, hinahantay nya na nga tayo at dun na lang daw tayo mag lunch dahil tinatamad sya mag luto." Sagot ni Joey.
Napapapalatak na lang ako dahil napag kasunduan naming tatlo na salit-salitan kami ng pag luluto habang dito kami nakatirang tatlo sa bahay bakasyunan ni Anna. At ngayun nga si Ellen ang nakatoka at mukhang tinamad na naman mag luto. Dahil ganto ang gawain nya, ililibre kami kumaen sa resto pag sinusumpong sya ng katam.
May nakita akong mansan kaya kinuha ko na lang yun kahit pamatid gutom habang babyahe kami papunta sa mall at maghahantayan pa kami tsak doon ng ilang minuto at mag tatalo-talo kung san kami kakaen. Kumuha din muna ako ng juice at nagsalin sa baso at agad tinungga yun.
---------
Nasa loob na kami ng Robinson's mall dito sa tabi kami ng entrance malapit sa Shakeys at hinihintay ang pag dating ni Ellen na nasa department store dahil may binili lang daw na damit.
Maya-maya ay sabay namin ni Joey na natanaw sya na naglalakad papunta sa direksyon namin at kumaway pa habang kaming dalawa naman ni bakla ay parehas nakasimangot dahil may kulang-kulang kalahating oras nya ata kami pinag hintay.
"Tapos na semana santa pero bakit parang nag pipinitensya yung mga pag mumukha nyo?" Natatawang turan ni Ellen ng makalapit na sya sakin. Sabay lang namin syang inirapan at di sinagot dahil alam naman naming alam nya na ang kasagutan sa tanong nya.
"Ay grabe sila oh! Lika na, dito na lang tayo sa shakeys dahil baka pag pinag lakad ko pa kayo sa malayo ay bugahan nyo ko ng apoy." Natatawa na naiiling nyang sabi at hinatak na nya kami papasok sa loob ng restaurant.
Pagka-upo naming tatlo ay agad na may lumapit na waiter sa amin at inabutan kami ng menu.
"Good afternoon ma'am and sir." Magaling na bati nito sa amin.
BINABASA MO ANG
I Am Like You (GirlxGirl Story)
FantasySi Reeze ang cheerleader ng University na pinapasukan nya. Si Annastacia, isang babaeng mahiwaga ang pagkatao. Genius, nerd, outcast and preferred to be alone. Why? Ayaw nyang may makalaam ng tunay nyang pagkatao. Unang taon nya sa university na pin...