Chapter Twenty-eight

4.4K 113 0
                                    


Pinag masdan ko ng maigi ang mahimbing na pagkakatulog ni Reeze, dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa damit ko ma hindi naging madaling gawin dahil sa takot kong baka magising sya.  Dahan-dahan ko ding iniangat ang hita nyang nakadantay sa akin. Nahigit ko ang akin pag hinga ng bahagyang gumalaw toh na animong magigising pero laking pasalamat ko na lang na hindi ito dumilat. Pinalitan ko ng unan ang dinadantayan nito at niyayakap.

Isang malalim na pag hinga ang ginawa ko at muling tinitigan ang kanyang mukha.

Patawarin mo ako Reeze pero hindi ko kayang mapahamak ka ng dahil sa akin. Balang araw maiintindihan mo din na tama ang gagawin kong desisyon.

Naramdaman ko ang pag sisikip ng pag hinga ko at ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Agad ko iyong pinunasan. Naisipan kong pumunta sa drawer ko at nag hanap ng papel at panulat. Salamat naman at may naiwan akong notebook dito. Agad akong nagsulat ng matapos ko ay iniwan ko yun sa table na agad mapapansin ni Reeze.

Bago tuluyang umalis ng condo unit isang halik ang idinampi ko sa noo ni Reeze. Hindi ito ang hiling halik na igagawad ko sayo, ipinapangako ko yan Reeze.

Nagsimula na akong lumabas ng kwarto at hindi ko napigilang tapunan ng huling sulyap ang babaeng nagparamdam sakin ng kung anu-anong emosyon na hindi ko pa naramdaman kahit kailan.

Tuluyan na akong nakalabas ng kwarto at sinigurado kong nakalock ng maayos ang unit ko at pinakiramdaman kung may masmang banta ang kaaligiran ko, nang matiyak kong normal ang aura sa kapaligiran agad akong nag concentrate sa aking p.atutunguhan. ipinikit ko ang aking mga mata at sa muling pagdilat ko ay nasa ibang lugar na ulit ako.

Lugar na pamilyar sa akin. Lugar na nababalot ng katahimikan at kadiliman. Agad kong tinalaytay ang pintuan na kinalalagyan ng aking mga gamit. Isang malaking bag ang kinuha ko at agad akong nagsilid ng mga gamit na kakailanganin ko. Nang masigurong kumpleto na ako sa gamit ay agad kong sinukbit ang bag sa aking balikat at muling pumikit upang pumunta sa susunod na lugar na pansamantalang pag tataguan ko. Muling inulit ko ang proseso sa kung paano ako nakarating sa kinatatayuan ko ngayun.

Sa muling pag dilat ay tumambad sa akin ang living room ng bahay bakasyunan na nabili ko dito sa Dumaguete City. Walang nakakaalam ng lugar na ito kahit ang mga magulang ko. Nung una hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para bilhin ang property na ito ngunit ngayun ay malinaw na sa akin ang rason. Ang kakailanganin ko pala ito sa mahalagang kadahilanan.

Isang two story house ito na nako-coveran ng mataas na pader, may tatlong kwarto ito sa taas at dalawa sa ibaba. May malawak na livinv room din ito at kumpleto sa mga gamit. May hinired din akong care taker dito na bumibisita isang beses isang linggo upang masigurong malinis ito at nami-maintain ang kaayusan ng kapaligiran. Laking pasasalamat ko na lang talaga at na sa edad 15 ay nagsimula na akong mag trabaho sa kumpanya ng magulang ko at bilang isang web designer din isama pa ang mga allowance na ibinibigay sa akin na hindi ko naman ginagalaw na naipon lang ng naipon kaya nagawa kong makabili at makapag maintained ng ganitong bahay.

Matapos kong makapa ang switch nv ilaw ay agad ko ayong in-on at agad na bumaha ng kaliwanagan sa buong paligid. Laking pasalamat ko ng makita ko ang kalinisan ng kapaligiran pati ang kaayusan nito. Agad kong isinalampak ang aking sarili sa malabot na sofa dahil sa pagod na ginawa kong pagtravel.

I Am Like You (GirlxGirl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon