Hinawi ko ang mga taong nakapalibot sa katawan ng kaibigan ko. At nakita ko nga.
Duguan, pero tuyo na.
Naroon sa may tiyan ang hiwang nagsilbing lagusan ng buhay ni Andrew.
Kainuman ko lang ‘to kagabi, kasayahan. Ngayon patay na, sa harapan ko, sa harapan ng bahay ko.
Kagabi pa patay ang kaibigan ko. Sino ang gumawa sa kanya nito? At nasaan ang ibang mga kasama ko?
Ilang sandali pa at dumating na ang mga pulis. Kinuha ang katawan ni Andrew, binigay ko na rin ang lahat ng alam ko tungkol sa mga huling ginawa ni Andrew bago ako bumagsak kagabi sa sobrang kalasingan. Kasabay nun ay ang pagbibigay ko sa address nina Andrew.
Noon ko lang din naisipang gamitin ang cellphone kong pangmusic koi na lang dahil sa kadalangan kong magpaload. Matapos akong magpaload ay unang una kong tinawagan si Joy.
Nagriring, pero walang sumasagot. Inulit ko, wala pa rin.
Ganun din sina Raven at Ching. Walangya ‘tong mga to. Ni walang text o pasabi man lang na aalis na. Tangina pinatuloy sa bahay, pinakain, pinainom, tapos wala man lang ni simpleng kalabit na aalis na. Tapos bigla na lang na patay na pala ang isa at ako lang ang nakakaalam.
Nang paalis na ang mga pulis na naiwan sa eksena ay kinailangan kong sumama para sa sworn statement. Wala pakong ligo, buhok ko aakalain mong nilipad ng Ondoy, ni wala pakong mumog. Amoy alak at suka pako, halos mas masahol pako sa mga taong grasa sa daan.
Pagkauwi ko mag aala una na ng hapon ko lang naalala na buong araw na pala akong hindi pa kumakain. Nilamas ko ang laman ng lata ng San Marino at sinubukang isipin ang mga susunod na gagawin.
Natatakot akong ipaalam sa mga magulang ko ang nangyari. Panigurado mabubunton sa akin ang sisi. Kesyo napakairesponsable ko at mabisyo. Kesyo sinasayang ko na naman daw ang perang pinaghihirapan nila sa abroad. Kesyo kung hindi ako nagyaya walang mangyayaring ganito.
Gagawa na naman ako ng problema tapos sa kanila ko naman ipapaayos. Kailangan kong matutong lutasin ang mga sarili kong problema.
Sinubukan kong kontakin ule ang mga kaibigan ko.
kriing … kriing .. kriing .. the subscriber you are calling is currently unavailable. please try again later.
Hindi pa rin ako sinasagot ng mga mokong.
BINABASA MO ANG
EPIDEMYA
Mystery / ThrillerSamahan si Rico sa paglutas ng misteryo ng biglaang pagkawala ng kanyang mga kaibigan, matapos nilang mag inuman.