Nagising ako sa lakas ng mga sigaw ni Aling Tekla.
"Dong, may package para sa imo dire dong. Gising ka na dong?"
"Opo, Aling Tekla. Saglit lang po."
Nagmadali ako para mapunasan ang mga mujta sa mata ko at humablot ng tinapay mula sa mesa para medjo mawala naman ang morning breath ko. Narealize ko lang kasi na mas epektibo ang pagkain kesa sa pagmumog ng tubig pagdating sa pagbabawas ng kabahuan ng bunganga sa umaga.
Binuksan ko na ang pinto, at andun si Aling Tekla, suot suot ang usual niyang daster, kulay red, pero parehong disenyo. Hawak hawak pa rin ang walis tingting at dustpan. May kasama siyang lalaking nakaputing polo at itim na slacks. May lapis na nakaipit sa tenga.
"Ah, Mr. Seballos?" tanong niya. Umalis na rin si Aling Tekla.
"Opo, ako nga." Tinitipid ko ang sagot ko, syempre hindi pa rin ako sigurado sa hininga ko.
"May sulat ka. Pakipirmahan mo na lang 'to."
Pinirmahan ko, kinuha ang sulat, at umalis na rin ang kartero sakay ng motorsiklo niya.
Sa pabahon kung saan lahat e electronic na, hindi ko lubos maisip kung sino pa ang mag aabalang magpapadala ng sulat lalong lalo na via Snail mail. Inaabot ng apat na araw, minsan linggo o buwan pa bago umabot ang sulat mo sa padadalhan, lalo na kung mula ibang bansa pa.
Lahat instant na, mula sa kape, noodles, mensahe, karelasyon, anak, kasikatan. Wala na yatang tao ngayon na mas pipillin ang mas mabagal, pero kadalasang mas pulidong tradisyonal na paraan.
Walang address sa likod ng puting legal envelope.
Binuksan ko ang sulat.
Nagulat ako, dahil sa pagkabukas ko, sariling penmanship ko ang nababasa ko.
Ito yung pinakauna kong Christmas Card na binigay ko kay Joy dalawang taon na ang nakakaraan. Naaalala ko first and the last na nga pala. Hindi na nasundan. Anakngtokwa. Nakakawindang lang. Bakit nasakin 'to ngayon?
Pagkatapos ng ilang linggong hindi pagpapakita, kahit man lang sa libing ni Andrew, (na ex niya nga pala) ibabalik niya ang huli kong sulat?
Hindi ko mapigilan, binasa ko ule ang sulat na mismong ako rin naman ang gumawa. Nakakatawang nakakainis. Ang jologs jologs ko lang sa sulat na 'yun. Ampanget pa ng handwriting ko. Naaalala ko pa gusto ko sanang ipasulat yun sa kaklase kong maganda ang penmanship. Kaso siyempre mahahalata nga naman niya na hindi ako ang sumulat. Sabi nga nila, hindi naman iniisip ng babae kung gano kaganda o kamahal ang bigay mo, iniisip niya yung effort na binuhos mo.
Binasa ko lahat, parang trip dow to memory lane lang. Halos kabisado ko pa pala ang sulat. Nakakatanga, yung pakiramdam na binalik sa'yo yung binigay mo. Maiintindihan ko pa sana kung dati pa eh. Naaalala ko ulit, nung binigay ko parang wala lang sa kanya eh. Pero tinanggap niya naman at nagpasalamat. Sana kung nun pa hindi niya na tinanggap. Pero pagkatapos ng dalawang taon? Anakngtokwa naman.
Itatago ko na sana, nang may makita akong bago.
Sa sobrang liit ng mga letra hinding hindi mo talaga mapapansin sa unang tingin.
Sa mismong loob ng envelope may nakasulat. Pinunit ko ang envelope para mas mabasa ko ng mabuti.
"Rico, sana mapansin mo 'to. Kapag nabasa mo na, tawagan moko agad sa new number ko. 0932******. 'Wag mong ipagsabi."
Hindi niya lang pala basta binalik ang card. Kung sino o ano man ang dahilan ng pagtatago at pagsisikretong ito ni Joy, kailangan ko na talaga siyang tawagan.
BINABASA MO ANG
EPIDEMYA
Mystery / ThrillerSamahan si Rico sa paglutas ng misteryo ng biglaang pagkawala ng kanyang mga kaibigan, matapos nilang mag inuman.