Kabanata IV

83 0 0
                                    

Dumalo ako sa burol ni Andrew. Marami raming tao rin ang naroon. Bukod sa 3 kapatid at mga magulang, andun din ang Dean, si Sir Pelaez. Mga prof, mga classmates, members ng College of Architecture, marmai pang iba na hindi ko kilala. Pero wala parin ang mga kaibigan namin.

Matatapos na ang seremonya nang linapitan ko ang puntod. Nang mga panahong yun hindi pa rin buo sa loob ko ang ideya na sa ilalim ng bagong bagong hukay na lupang yun ay ang katawan ng kaibigan ko. Ilang araw pa lang ang nakakalipas, masaya pa kaming nag iinuman sa bahay, masaya sa pagsisimula ng bakasyon. Ilang oras ang nakalipas, nakabulagta na sa harap ng bahay ko. 

Sa loob ng dalawang taon naging halos matalik na magkaibigan kami. Siya ang isa sa mga dahilang kung bakit koinaya kong lampasan yung isang buwang wala akong sustentong natatanggap mula sa mga magulang ko. Hindi lang dahil sa moral na suporta, kundi siya rin talagana ng sumagot sa karamihan ng mga gastos ko, kabilang na ang pangtuition ko. 

Lumuhod ako sa mamasa masang lupa. Hinawakan ko ang puntod.

Nanginginig ang kamay ko habang dumadampi ang kamay ko sa bato.

Ang kapal ng pagmumukha mo para magpakita dito.” 

“Angie, walang kasalanan ang bata. Hindi siya ang pumatay sa anak natin.”

“HINDI! Kailangang may managot Rudy, hindi ako papayag na ganun ganun na lang. Ang bata bata pa ng anak natin Rudy……”

Malakas na hagulgol. 

EPIDEMYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon