Halos dalawang oras na rin pala akong nakatunganga sa kinatatayuan ko. Nakakangawit. Kailangan ko ng pahinga, kailangan kong kumalma. Kailangan kong mag - isip....
Naalala ko bigla.
Malapit lang pala sa Crimson Park ang pinapasukan naming University. Katabi naman nun ang Coffee Shop na madalas naming tinatambayan noon. Andun din ang Internet Cafe at Printing Press na madalas din kaming tumao lalo na kapag gumagawa ng mga research projects.
Ang mga mismong lugar na dinadaanan at nilalakad namin noon araw araw.
Kailangan kong kumilos.
Iniwan ko ang ingay ng bandang tumutugtog at linakad ang kabuuan ng park upang lumabas sa kabilang dulo. May kalayuan. Pero di nagtagal, ay nakita ko rin ang pamilyar na tanawin.
Naroon pa rin ang Renaissance Era style na harapan ng Mollini's Coffee Shop. Ang katabi nitong Prequel Internet Cafe na tadtad pa rin ng mga poster ng Cabal, RAN at Dragonica. Ang Terano's Printing Press na kasalukuyang sarado.
Pinasok ko ang Mollini's. Pinasok ko ang dati naming mundo.
Pamilyar ang lahat. Hindi ko mapigilan ang pakiramdam ng nostalgia. Mga alaalang hindi na maibabalik.
"Ui, Ryan! Tagal mo na ding 'di nakakabalik dito ah. Ba't mag - isa ka lang?"
Napalingon ako sa pamilyar na boses.
Si Kath. Working student ng university. Barista ng kape sa gabi, masipag na estudyante sa umaga. Maganda, maputi, balingkinitan. Magaling na barista. Close sila ni Joy. Si Joy nga naman pala ang nagdala samin dito sa shop na 'to.
"Mahabang kwento, Kath. Tsaka magulo." Malamig na sabi ko. Sinusubukan kong magpakanormal, pero mukhang sa mga panahong 'to di ko lang talaga kaya.
"Ilang araw na rin akong lugmok sa shop na 'to. Wala masyadong tumatao, kasi ang init na nga naman, tapos magkakape ka pa. Pwede ako."
"O sige, isang tasa na lang ng Cappucino."
Hindi kalakihan ang buong shop. Ganun pa rin. Apat na bilugang mga mesang balot ng puting mantel na may tig aapat na bakal na upuan. Sahig na balot ng puting tiles.
Maliwanag ang shop dahil sa sinag ng araw na naggagaling sa bintanang nasa harapan ng shop.
Tahimik ang paligid. Walang maririnig bukod sa mekanikal na tunog ng airconditioner at ang malumanay na tunog ng ambience na pinapatugtog nila.
Walang ibang tao maliban sa isang matandang lalake na nakaupo sa mesa pinakamalayong sulok. Taimtim na nagbabasa ng dyaryo. Checkered na polo, black slacks. Around 75 years old siguro. Manipis na puting bukod pero halos kalbo na dahil wala nang buhok sa tuktok. Maliit na lapis na nakaipit sa kanang tenga.
Hindi pala siya nagbabasa lang. Kaya siguro medjo may pagkataimtim ang pagbabasa dahil naghahanap ng sagot sa crossword. Walang pakialam sa kahit anong mang mangyari sa labas ng coffee shop, o maging sa labas ng mesang kinalalagyan ng isang tasang kape at dyaryo niya.
Totoo pala ang sinasabi nilang ang katandaan natin ay ang ating pangalawang kabataan.
Nagsisimula tayo bilang mga batang ang alam lang ay ang umiyak at dumede. Yun lang. Pero siyempre, bukod pa yun sa pagsuka, pag - ihi at pagtae sa mga higaan. Nagkakaroon tayo ng isip, pero nakasentro pa rin sa atin ang mga buhay natin. Nakikita lang natin ang gusto nating laruan, gusto nating pagkain, gusto nating tv show, gusto nating oras ng pagtulog, basta lahat gusto natin.
Tapos tumatanda, nagkakaroon ng anak, lumalawak ang perspektibo, nalalaman na may kinalaman ang lahat ng bagay sa paligid sa ating lahat. Nakaklimutan ang gustong laruan, pagkain, tv show, oras ng pagtulog, lahat ng mga personal na interes. Dahil may mga taong umaasa na sa atin.
Nagkakaedad, lumalaki ang mga anak, naiiwang mag - isa. Kumikitd ang isip, at bumabalik ang panahong ang mga gusto na lang natin ang gusto natin. Walang pakialam sa mundo. Kinakain ang gustong kainin, (pero minsan bawal na), nanonood ng gustong tv show, natutulog kung kelan gusto, at naliligo na lang rin kung kelan gusto.
Pangalawang kabataan.
BINABASA MO ANG
EPIDEMYA
Mystery / ThrillerSamahan si Rico sa paglutas ng misteryo ng biglaang pagkawala ng kanyang mga kaibigan, matapos nilang mag inuman.