Nakakabagabag ang nangyari sa sementeryo. The look in the face of Andrew's mother. Yung hinagpis, depresyon, yung sakit sa mata ng nanay na nawalan ng anak. Dumadagundong sa ulo ko ang mga sinabi niya.
Paulit ulit..
Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng anak niya.
Ako nga ba talaga ang may sala? Nasa kamay ko ba talaga ang buhay ni Andrew ng mga panahong 'yun?
Ako ang nagyayang uminom, ako ang nagyayang maglasing.
Parang winawasak ng dalawang nag uumpugang bato ang ulo ko.
Hindi ko alam kung saan ang punta ko. Gusto kong mapaligiran ng maraming tao. Ayokong umuwi. Walang sasalubong sakin dun. Iba pa rin pala talaga kung may pamilya kang nag aaruga sa iyo.
Sa tinagal tagal kong namumuhay ng mag - isa, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng lungkot.
Yung pakiramdam na wala kang matatakbuhan, wala kang mapupuntahang kahit sinong pwedeng bawas bawasan ang bigat ng ng pakiramdam mo, at mabigyan ka ng payo kung ano ang sunod kong gagawin.
Akala ko nasanay nako, pero may mga tao lang palang pumuno sa puwang na iniwan ng mga magulang ko.
At yun ay sila, ang mga kaibigan ko sa kolehiyo.
Mga kaibigang bigla na lang nawala.
Sumakay ako ng jeep paalis, kahit hindi ko alam kung saan ko talaga gustong pumunta.
Halos mag aalis sais na.
Nakita ko na lang ang sarili kong bumaba sa Crimson Park. Maraming tao, may tugtugang nagaganap. Battle of the Bands ata.
Nandun sila sa mismong gitna ng park. Marami raming tao rin ang nakakumpol, pero kita pa rin ang bandang tumutugtog sa entablado. Maingay ang banda. Hindi maintindihan ang mga liriko, pabulyaw at magaspang. Kung nasa mas magandang mood lang ako baka sumabay pako sa musika at nakiheadbang na rin sa mga lalaking nasa harapan.
Sa labas ng kumpol, naroon din ang mga taong nagliliwaliw sa parke. mga magkapamilya na nagsasalu salo, nagpipicnic, masaya.
May tatay, nanay, mga anak...
Hindi rin mawawala ang mga maggirlfriend at boyfriend. Nakaupo lang sa isang tabi, nag uusap, naghahawakan ng kamay habang naglalakad, kung minsan, kapag walang nakatingin, halikan na.
Meron ding mga kabataang halos ka edad ko lang rin, magkakabarkada. Nagpapalipas ng oras habang wala pang iniintinding klase dahil bakasyon pa.
Nakakakatawang nakakalungkot. Dahil sa sandaling 'yun narealize ko.
Lahat pala sa mga napansin ko, wala ako.
Wala akong pamilyang kasama. Si Ma at Pa nasa states.
Wala akong mga kabarkadang kasama. Hindi ko alam kung nasaan sila. Yung isa pa, patay na.
Wala akong girlfriend, basted ako kay Joy.

BINABASA MO ANG
EPIDEMYA
Gizem / GerilimSamahan si Rico sa paglutas ng misteryo ng biglaang pagkawala ng kanyang mga kaibigan, matapos nilang mag inuman.