Kabanata V

87 0 1
                                    

Hindi ko masisisi ang nanay ni Andrew.

Sabi nga nila, wala nang mas sasakit sa mga pagkakataong nauunahan ng mga anak ang kanilang mga ina sa hukay.

Lalo na kung isang Andrew Sebastian Monteverde ang anak mo. Dean’s lister, Vice President ng Collegiate Student Council, mapagmahal at mapagbigay na anak. Si Andrew yung tipo ng tao na sa unang tingin mo pa lang malalaman mo na agad na may mararating sa buhay. Pasensyoso, mabait, magalang.

Kung sino pa yung mga mababait, yung mga tipong mas may pakinabang pa sa mundo at hindi sinasayang ang hanging hinihinga, pagkaing kinakain  at tubig na iniinom, sila pa ang unang kinukuha.

Habang sakay ng jeep pauwi napag isip isip ko kung bakit wala pa rin dun sina Joy. Libing pa ni Andrew ang pinalampas nila. Hindi naman siguro nila talagang intensyon na isnabin ang libing ng kaibigan namin. Wala akong maisip na dahilan. Bukod na lang siguro sa kung hindi nila alam ———— o may pumipigil sa kanila.

Bumalik ang utak ko sa biglaan nilang pagkawala. Matapos ang inuman, matapos kong bumagsak sa kalasingan. Yung paggising ko na wala na akong kasama. Tapos biglang, andun na si Andrew sa labas, permanente nang wala.

EPIDEMYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon