Kabanata IX

78 0 1
                                    

"Huy, ba't ka nakatunganga diyan?" 

Bumalik ako sa normal na mundo. Napapasobra na ata ako sa pag iisip. 

"Ah, wala naman. Nasan na kape ko?" sambit ko. 

"Oh, eto na. 'Wag mo nang bayaran, treat ko." sabi ni Kath habang inilalagay ang umuusok na mug sa mesa.

Mabango ang kape, namiss ko 'to. 

"So, Ryan, ano na? Kamusta ka naman?"

"Magulo, Kath. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." 

Namuo ang bigat sa dibdib ko. Ilang araw na rin pala akong hindi matahimik. Ilang araw ko na 'tong dinadala. Wala akong makausap, walang mapagsabihan ng mga ikinakatakot ko.

"May problema ba?" Tiningnan ako ni Kathleen sa mata. May ibig sabihin ang mga mata niya. Alam niyang may hindi tama. 

"Kath, patay na si Andrew."

Tumulo ang luha ko, nanginig ang mga labi, halos tumulo na ang sipon ko. Kusang nilabas ng mga mata ko ang mga bagay na ilang araw ko nang kinikimkim. Lumabas sa bibig ko ang hagulgol ng isang batang takot. Isang batang walang malapitan, walang makapitan, walang maasahan - Mag - isa. 

Bakas sa mga mata ni Kath ang pagkagulat, pero nung mga panahong yun hindi niya muna inatupag ang mga katanungan na alam kong parang mga kabuteng nagsusulputan sa kanyang isipan. 

Kumuha siya ng panyo, at kusang pinahid iyon sa luhaan kong mata at mukha. Nagpatuloy lang ako sa pag - iyak, at marahan niyang tinapik ang likod ko. 

"Ryan, kumalma ka, at sabihin mo sakin ang mga nangyari." Bakas sa boses ni kath ang pagtitimpi sa pagkagulat. Pigil, pero marahan. 

Sinabi ko lahat ng alam kong mga nangyari. Mula sa inuman, sa pagbagsak kosa kalasingan, sa paggising ko na wala na sina Joy, sa pagkamatay ni Andrew, at sa burol na pinanggalingan ko pero wala pa rin sila. 

Sa sinabi ko alam kong mas dumami ang katanungan sa isip ni Kathleen. Pero gustuhin ko man, wala na rin akong ibang masabi. 

 "I'm so sorry to hear that Ry. Kung may maitutulong lang sana ako..."

Hinigop ko ang kape. Dahan dahang uminit ang tiyan ko, at kasabay nun ay gumaan na rin ang pakiramdam ko. Wala pa ring pumapasok na kahit anong kataga sa kokote ko na pwede kong sabihin.

"Thank you, Kath. Itong simpleng libreng kape mo lang sobrang nakakatulong 'to." Sabi ko. 

"Ilang araw na rin akong walang kausap, wala akong mapagsabihan ng kahit ano. Wala ang parents ko, sina Raven, sina Joy, wala." 

Tinapik ni Kathleen ang  likod ko. 

"Andito lang ako Ry. Kung kailangan mo ng kausap, o ano man." Pangiti niyang sinabi. 

"Thank you talaga. You don;t know how much this conversation means to me. Ilang araw na rin kasi.." Ngumiti na rin ako. 

Nag usap pa kami ng matagal tagal. Simula nung pumasok ako, wala na masyadong sumunod, maliban sa isa pang matandang lalake na may dala dalang laptop. Techie lolo. Nagtanong pa kung may wifi nga raw ba sa cafe. Magalang naman siyang sinagot ni Kath na wala. Magalang din siyang umalis. Farmville lang ata ang pakay ni lolo. 

Gumagabi na. Bago ako umalis nagpasalamat ako kay Kath, at umalis nako. Hinihintay niya pa raw ang kashift niya. 

"Ry, yun pa rin naman number mo diba?" Pahabol niyang tanong nung palabas nako. 

"Oo, yun pa rin naman siguro. Sana hindi pa expired 'tong sim card ko." Tumango lang siya at tumawa. 

Pagkauwi ko nahiga na agad ako. Pagod ako. Pero hindi ako makatulog. Epekto ng kape. 

Nag ring ang bulok kong cellphone. 

"Sana okay ka lang, kaya mo 'yan!"

Galing kay Kath. Napangiti ako. Pero wala akong load, at masyadong nang gabi. Sarado na ang tindahan ni Aling Tekla. 

EPIDEMYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon