Ang napakalapit na lokasyon ng ospital ang naging susi kung bakit nakaligtas pa rin kahit papaano si Joy. Ang maingay na ambulansya at ang pagdating ng mga pulis ang ginamit ko para hindi na makalapit ang kung sino man ang bumaril kay Joy. Hindi na siya makakalapit dahil sa dami ng nakapalibot.
Ang mga katanungang akala ko ay mabibigyang kasagutan ni Joy ay nadagdagan ng mas marami pang tanong.
Sino ang bumaril kay Joy?
Bakit niya binaril si Joy?
Bakit si Joy lang, at hindi ako?
Anong "malaking kasalanan" ang tinutukoy ni Joy?
Wala akong kilalang may motibo, walang kaaway na kilala na pwedeng may galit sa kanya, o sa amin.
Posible kayang, ang nagtangkang pumatay kay Joy ay ang mismong pumatay din kay Andrew? Sino? Bakit?
Paano kung nasa aming anim lang ang salarin? May hindi ba ako nalalaman na namamagitan sa mga kaibigan ko? Kahit anong tensyon, o hindi pagkakaintindihan? Isang galit na naging mitsa para pumatay? O hindi kaya may serial killer sa aming anim na ngayon lang nagsimulang mambiktima, kung kailan buong buo na ang tiwala namin sa isa't isa?
Napakaimprobable. Para akong nagbabasa ng iskrip ng isang pelikula.
Baka naman kaya nababaliw lang ako o nananaginip? Ang napakatagal pa naman daw sa panaginip eh sandaling sandali lang sa totoong buhay. Gising na ba talaga ako?
Naputol ang walang kwentang train of thought ko ng pinuntahan nako ng Pulis upang mainterbyu.
Sinabi ko ang lahat lahat, pati ang koneksyon nito sa kaso ng pagkamatay ni Andrew. Ang pamamaril, ang pagkawala ng tatlo pa naming kaibigan, at ang hindi ko alam kung sinong gagong bumaril kay Joy.
Maswerte pa rin talaga kami ni Joy. Hindi naman daw tinamaan ang internal organs ni Joy, at nakatulong ang bilis ng pagkakadala sa kanya sa ospital. Hindi naman mahirap hanapin ang blood type ni Joy na O. Walang problema sa dugo.
BINABASA MO ANG
EPIDEMYA
Mystery / ThrillerSamahan si Rico sa paglutas ng misteryo ng biglaang pagkawala ng kanyang mga kaibigan, matapos nilang mag inuman.