Kabanata VII

82 0 0
                                    

Hindi ako torpe. Pero madali akong mapagod, madali akong magsawa. Alam ko kapag may pag - asa ako sa babae sa isang usapan lang. Kapag nararamdaman kong wala, madali akong napanghihinaan ng loob. Ako na siguro ang pinakamalaking ehemplo ng mga lalaking "Magaling lang sa una." Ningas kugon, ika nga. Inaamin ko naman yun. Hindi ako perpektong lalaki. 

Napakalaking pressure para sa mga lalaki ang pakikitungo nila sa mga babae.

Mula sa panliligaw, paghahandle ng relasyon, pagkakaroon ng magandang 'track record' sa mga babae.

Parang paghahanap din kasi ng trabaho ang panliligaw. Kailangan mo ng magandang credentials na nakalagay sa malinis mong resume. Kailangan mo ng pleasing personality at may age qualifications din, depende sa babae/trabahong inaaplayan mo. Maswerte ka kung walang ibang aplikante, mas malaki ang chansa mong ikaw ang sasagutin. Malas mo lang kung kung marami kayo, maghihintay ka na lang ng tawag na hindi mo alam kung kailan mo matatanggap.

Ang pagkakaiba nga lang, sa trabaho, marami kayong aplikante, at pwedeng marami kang kang pag applyan. Sa panliligaw, pwedeng marami kayong aplikante, pero hindi pwedeng marami kang nililigawan.

Mahirap maging lalake sa isang mundong karamihan ay babae. Babaeng bansa, babaeng barko, babaeng simbahan. Sa isang mundo kung saan uso ang konsepto ng Original Sin. Ang pagiging manloloko ni Pedro ay maipapasa kay Juan.

'Pag lalake ba, manloloko na agad? 'Di ba pwedeng pantay-pantay-lang-tayong-lahat-na-pwedeng-magkamali-makasakit-at-masaktan?

Nasanay akong pinapansin. nasanay akong binibigyan ng atensyon.

Hindi isyu sa akin ang pagtatapat. mas madalas akong mabigyan ng "OO" kaysa sa "HINDI."

Pero kakaiba si Joy.

Mas gusto niya nga raw na magkaibigan lang kami.

M.U, malabong usapan. Hindi kami pero bawal nakong manligaw sa iba. Hindi kami pero nagalit si Ching sa aking nang minsang nakita niya akong may ibang kasama sa mall. 

Pero hindi ako kailanman nagpakita ng pagkagalit nang maging si Joy at Andrew. Masakit man, pero hanggang bespren na lang talaga kami. Nasaktan ako, oo. Pero hindi ko kailanman kinayang magalit.

Hiwalay na silang dalawa ngayon. Parehong masyadong pursigido sa pag aaral at walang panahon sa isa't isa.

Patay na rin si Andrew.

Habang ako, nanatiling mag - isa. Hindi ko alam kung napaso lang ba talaga ako ng una kong pagkabasted, o hanggang ngayon ay mahal ko pa rin talaga si Joy.

EPIDEMYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon