Kung pwede lang sanang itigil ang oras.
Alam kong napakagulo pa ng panahon, at sa dinami dami ng mga pangyayari eh hindi ito ang tamang panahon para sa kilig kilig na 'yan. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Dun ko lang narealize na miss na miss ko pala siya. Lahat ng panahong tiniis ko sa pagpaparaya para sa kanilang dalawa ni Andrew. Sumagi sa isipan ko na katrayduran 'to sa kaibigan ko. Pero kahit iyon ay walang bisa sa nararamdaman ko ngayon. Wala na si Andrew. Siguro panahon ko na 'to.
Takot ako para sa kanya, kasi sa ngayon siya lang ang lead sa kung ano ang nangyari nung gabing 'yon. Napakarami kong tanong, mga tanong na siya lang sangayon ang pwedeng sumagot. Pero lahat ng 'yun ay makapaghihintay.
Bukod sa mahinang pag iyak, tahimik lang siya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya upang makawala sa mahigpit niyang pagkakayakap. Siguro hindi niya inaaasahan yun, kaya hindi siya nakapalag. Pero mas hindi niya inasahan ang sunod kong ginawa.
Hinawakan ko ng dalawa kong kamay ang mukha niya. Napakaamo. Basang basa pa ng luha ang mga mata, halos perpektong ilong, nanginginig na mga labi. Tinitigan ko siya ng malalim sa mata, at hinalikan. Napapikit kaming dalawa.
Nanginig siya lalo habang hinahalikan ko siya. At nang naghiwalay ang mga labi namin, pareho kaming halos wala nang hininga.
Hindi ko siya parin siya pinapakawalan sa yakap ko.
Pero biglang bumalik ang pangit na pakiramdam. Ang panganib. Ang kaba. May hindi talaga tama. Hindi ko nga lang matukoy kung ano.
Nakaramdam ako ng presensya ng ibang tao. Malapit lang, nakikinig.
Umiiyak na naman si Joy. Hindi na siya makatingin sakin.
"Joy, bakit?"
"Ryan..."
"JOY, BAKIT?" Lumalakas ang pakiramdam kong may mali. At alam kong meron nga, at may alam si Joy tungkol dito. Kung nakakasunog lang ang mga titig ko, malamang tustado na siya ngayon. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya.
"Ryan, napakalaki ng kasalanan ko."
Parang gumunaw ang mundo ko. Bumigat ata ang ulo ko, bumilis ang tibok ng puso ko habang parang bumabagal ang takbo ng oras. Hindi na niya kinailangan pang ituloy.
"RYAAAAAAN!"
Napakabilis ng pangyayari. Tinulak niya ako. At pinanonood ko siyang matumba sa semento.
Dalawang putok ng baril.
Nabigla ako, kaya hindi ako nakagalaw. Nataranta ako. May dalawang tama siya. Isa sa tiyan, isa sa may hita. Mabilis na tumatagas ang dugo.
Binaling ko ang atensyon ko sa pinanggalingan ng putok. Mga 300 metro mula sa kinalalagyan namin. Sa parteng kakahuyan. Nakaitim na tshirt, pati pantalon. Napakadilim pa ng bandang 'yon, dahil walang ilaw.
Para bang hindi niya ako pansin. Wala siyang pakialam sa akin. Si Joy lang talaga ang pakay niya.
Alam niya ring wala akong magagawa. Wala akong armas. Kanina lang hinahanda ko ang sarili ko. Ano, aatakihin ko siya gamit itong susi ng bahay ko? Mabuti sana kung malapitan..
Nagbabaha na ang dugo ni Joy. Kailangang meron akong gawin. Tiningnan ko uli ang walangyang bumaril, wala na siya doon.
Hindi ko matatanggal ang mga bala, hindi ako doktor. Hinubad ko ang suot suot kong polo, pinunit sa dalawa, at tinali sa may tyan at hita ni Joy. Nakikita kong lumalaban siya, dahil kahit nakapikit ang mata ni Joy, may nakikita akong lakas don.
Maswerte pa rin kami, dahil halos nasa kanto lang ng sementeryo ang ospital. Kayang kaya ko siyang itakbo don. Pero naisip ko ang salarin. Pwedeng nanjan pa rin siya, inaantay lang akong pumunta sa bitag niya.
Tumawag nako ng ambulansya.
BINABASA MO ANG
EPIDEMYA
Mystery / ThrillerSamahan si Rico sa paglutas ng misteryo ng biglaang pagkawala ng kanyang mga kaibigan, matapos nilang mag inuman.