Entry No. 3 - Kalye Syete

18 3 0
                                    

 Ako si Clyde Rivera, Isang 3rd Year Highschool Student sa Antipara National Highschool at Ito ang Kwento ko. Isa ako sa mga kung tawagin ay NPA or No Permanent Address kaya lagi akong natutukso ng mga bago kong kaklase nandyan na ang masabihan akong geek at nerd pero aaminin kong geek at nerd nga ako dahil sa makakapal na eyeglasses at baduy na pormahan pero hindi ko alam na itong katangiang to pala ang magliligtas sakin. Isang gabing napakaliwanag ng sikat ng bilog na bilog na buwan bigla nalang kumabog ng malakas ang aking dibdib parang may kung anong nilalang ang gustong makawala sa aking dibdib. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, may isang tao akong nakitang papalapit sakin. Papalapit na sakin ng papalapit hanggang sa maaninag ko ang kanyang mukha, ISANG CLOWN!! Kumaripas ako ng takbo matapos kong Makita ang kanyang nanlilisik na mga mata,duguang costume at ang hawak hawak nyang naliligo na rin sa dugo. Hinabol ako ng bagay na ito hanggang sa hingal na hingal akong makarating sa isang lumang Mansyon na malapit sa Ilog. Itinulak ko agad ang pinto ng Mansyon para makapasok hanggang sa biglang sumarado ang pinto ng kusa. Kinalabog ko ng kinalabog ang pintuan at nagpupumilit na makalabas sa mansion hanggang sa bigla nalang sumindi ang mga kandila na nakapalibot sa akin na korteng bituin at ako ang nasa gitna. Marami akong nakitang nagtatakbuhang mga bubwit at daga at puno na ng sapot ng gagamba ang buong mansion.Pero di pa rin ako lumalabas sa gitna ng bituin dahil parang may kung ano ang ayaw akong palabasin mula rito. Ngunit may bigla nalang lumitaw mula sa madilim na pasilyo ng mansion, Isang umiiyak na dalaga, puting DALAGAng lumuluha ng napakaraming dugo, Pinagsisipa ko ang mga kandilang nasa aking harapan para tuluyan na akong makaalis sa mansion.
Muli kong kinalampag ang malaking pintuan hanggang sa tuluyan na nga itong bumukas ngunit bigla nalang nasa harap ko na ang clown na kaninang humahabol sa kin at ang nasa likod ko naman ay ang White Lady na nasa loob ng mansion humanap ako ng paraan upang makatakas hanggang sa biglang winasiwas ng payaso ang dala nyang palakol pero nakailag ako humagikhik ang payaso sa tuwa habang hinahabol ako. Nakatakbo na ako palayo di ko na sila matanaw sa likuran ko pero bigla na lang nagpakita ulit ang mamamatay tao na clown sa harap ko bumaling ako ng tingin sa kaliwa ko at dun tumakbo halos madapa pa ako sa katatatakbo. Buti nalang may napadaang isang lalaki, Ang aking kapatid! �Cielo!Tulungan moko may humahabol sakin!� May nakita akong nakalagay sa paa ng kapatid ko isang tag!
Tag na nilalagay sa mga patay ng tao dun lang ako nahimasmasan na 3 taon na ang nakalipas nung namatay ang aking kapatid sa sakit na cancer.May nakita akong bisikleta malapit sakin at tumakbo ako papunta dun at yun ang sinakyan. Binilisan ko ang pagpapataakbo sa bisikleta hanggang tumingin ako sa aking orasan 1 oras na lang at sisiskat na ang araw iniwan ko ang bike tumakbo sa dulo ng kalye syete (KALYETE:kung saan kanina pa ako tumatakbo at lugar kung saan hinabol ako ng mga nilalang na di nakikita ng ordinaryong tao) kung saan nandun ang bahay namin. Binuhusan ko ng asin ang paligid sa pabilog na hugis papalibot sa akin isa ito sa mga paraang nabasa ko sa libro sa silid-aklatan.
Pumasok aako sa paaralan kahit pagod na pagod. Wala akong mapagkwentuhan ng mga nangyari, Di ko maaaring sabihin sa iba dahil baka madamay pa sila.
Lumapit sa akin ang isa sa mga kilalang bully ng campus at bigla akong binuhusan ako ng tubig sa ulo �Ligo ka muna,Geek.Amoy basura ka!�. Pinabayaan ko nalang sya at pumunta ako sa guidance office para manghiram ng para magpahangin sa electricfan dun para matuyo na ang damit ko. Bigla na namang nag ring ang bell tapos na ang klase. May nakita akong lalaking nerd din at parang malungkot. �Tara sabay na tayong umuwi� ngumiti ang lalake at tumayo �TARA!�
Naihatid ko naman ang batang lalaki sa kanyang bahay pero ako di pa nakakauwi isa nanamang kakila kilabot na gabi ang mangyayari sa akin. Buti at may dala akong isang plastic ng asin. Naglakad ako ng mabilis. May isang aso akong nakita sa daan. Nilapitan ko ito dahil na ang cute nya pero nung pag hagod ko sa ulo ng asong ito bigla nalang ito nagbago ng anyo!. Ito ang clown na humahabol sa akin. Agad kong kinuha ang asin sa bag ko at dumakot hinagis ko ang asin sa clown at naitaboy ito pero panandalian lang ang epekto na mawawala ang clown kaya binilisan ko na ang pagtakbo papalayo pauwi sa amin takot na takot ako sobra ang takot ko kesa kahapon hindi ko alam kung bakit.
Nagdasal ako nung mga oras na yun kahit may mga gumagapang sa katawan ko na hindi ko alam kung ano ay hindi ako natinag tuloy pa rin ako sa pagdarasal ng sampung ama namin sampung aba ginoong maria. Tumayo ako mula sa aking pagkakaluhod at pagdilat ng aking mga matai sang pulang liwanag ang bumalot sa paligid. Isang di ko maipaliwanag na pangyayari nawala ang mga bagay sa paligid ko. May naririnig akong ingay at pagkatingala ko ay Isang UFO ang nasa taas ko at may mga nilalang na may malalaking ulo malalaking mata at walang ilong ang nakapalibot sa akin.Ang lahat ng nangyari ay ilusyon lang pala ng mga alien na nag abduct sa akin. Mga alien na ako na ang kinikilalang HARI.  

Mini-Contest Entries CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon