Talulot ng rosas ay unti-unting nalalagas
Tila nakalimutan ang kagandahang lipas
Ngayon ni kaunting paghanga ay wala na
Pinabayaan na lamang, ni lingunin ay hindi naKagandahan niyang dati ay sinasamba
Ngayong lipas na siya ay binabalewala
Hinahayaan na lamang na sa hangin ay sumalimbay
Tulad ng dahong kanyang nakakasabayTulad din ng munting pipit na dumapo sa sanga
Bigla na lamang nahulog sa kinakapitan niya
Sa ibaba, isang batang may tirador na dala
Siya pala sa bato ang may pakawalaHustisya ang tangis ng munting biktima
Ngunit walang nakakarinig sa daing niya
Nilamon ng malakas na tunog ng kaserola
Hanggang sa nilaman na siya sa kumukulong sikmuraSi kawayan din na minsan ng sumayaw sa tugtugin ni hangin
Ngayon ay takot ng siya ay muli nitong pasayawin
Sapagkat katawan niya ay nalanta na
At sa tutugin ay 'di na kayang sumabay paKatawang dati ay sagana sa angkin lakas
Ngayon ay nabubuway na sa tuwing hangin ay hahampas
Tila isang maling ihip siya ay liliparin
At doon mabibiak saan man abutinTumangis ang langit at lupa ay diniligan
Ngunit wala itong nagawa upang maibsan
Ang dalamhati ng lupa na siyang piping saksi
Sa pagtangis ng iilang may pagsisisiPapalubog na ang araw ng aking matanaw
Kadiliman sa kanya ang pilit umaagaw
Gustuhin ko mang pigilan ay wala akong magawa
Lalo na at ang hari ay bumibigay ng kusa
BINABASA MO ANG
Mini-Contest Entries Compilation
RandomAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang katha mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa. Ang mga kathang inyong mababasa ay pawang mga interpretasyon ng mga manunulat sa mga temang ibinigay ng grupo.