Sa isang malamig na gabi,
May nakita kang isang binibini,
Nakilala mo sya't ika'y nabighani,
Sa kanyang kagandahang ugali.Nakasama mo sya't mas nakilala pa,
Naging kalaro mo sya't kakwela.
Kahit saan man magpunta,
Parati mo siyang kasama.Tumagal pa ang mga araw na siya'y kasama,
Sa araw-araw na buhay ay nandiyan siya.
May panahon mang hindi kayo magkakaintindihan,
Ngunit ito'y sandali lamang.Pero dumating ang araw nang bigla siyang nagbago,
Unti-unting naging iba ang kanyang anyo.
Nagulat ka at tumakbo,
Dahil hindi na siya ang binibining nakilala mo.Hinihingal ka na sa pagtakbo,
Pero patuloy ka parin at ayaw huminto,
Alam mo kasing nakasunod siya sayo,
Ang binibining tuluyang nagbago.Nadapa ka't napatigil sa pagtakbo,
Napatingin ka naman sa likuran mo,
Malapit na malapit na siya sa'yo,
Kaya dali-dali kang tumayo.Ngunit bigla ka nalang napahinto,
Dahil ang binibining nakasunod sa'yo,
Ngayo'y nakaharang na sa harapan mo,
At wala ng pag-asa pang makatakas ka dito.Ngunit patuloy ka paring lumaban nang bigla ka nalang natauhan,
Ang binibining nakilala mo'y isang masayang kasinungalingan,
Na biglang nagbago at kahit kailan ay hindi mo matatakasan.
Siya ang masakit na katotohanan - ang kamatayan.
BINABASA MO ANG
Mini-Contest Entries Compilation
RandomAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang katha mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa. Ang mga kathang inyong mababasa ay pawang mga interpretasyon ng mga manunulat sa mga temang ibinigay ng grupo.