Entry No. 8 - Me abortada by Hindikilala

5 1 0
                                    

Ako'y nalingat at nakita ang tala,
Maliban sa dugo ano ang naalala?.
Sa mukha ng aking ina na siyang nagdala sa'kin,
Kung saan ako ngayon at nagbuhat nitong panalangin.

Panalangin kung saan ako ay nagsusumamo,
Nagsusumamo,naghihinagpis,nag simulang mag nganingani.
Sa inyong pagka-balawis lapisak akong nabura,
Kulpit kayo ng awa, pasakit ay may laba.

Inihip ako ng hangin kasabay ng pagpatay niyo sa'kin,
Hindi niyo man lang ba naisip? Na ako man lang ay buhayin.
Ina oh! Ama, dapat bang kilalanin?
Bagamat ako'y tuyo't nabaon na sa buhangin.

Tigang sa pagsinta ng aking tunay na ina,
Aglos ng paghihigahos, iniwan kami ni ama.
Sinubukan kong pigilan ang kanilang pagkakasala,
Gamit ng konsensya,katiting at gutay na habag.

Sinagot ako ng langit sa aking pagkaipit,
Tinanggal ang halibas at nakawala ako sa pihit.
Sinabayan ako ng ulap na muli't muling nagdilim,
Nang mahulog ako sa labang na kanila nalang nilihim.

Minsan ako'y nangarap, kung pa'no niyo ko iugoy,
Minsan nagyupapa, na ako'y makasalagoy.
Minsan ding napaisip,kung wala ako sa hukay,
Bagamat alam ko nang, indeleble na 'king pagkahimlay.

Sinimulan akong madala, kasama ng isang bigkis,
Tungo sa alapaap na aking pinagmulan.
Isa akong sanggol, na sadya ngang nalihis,
Sa talaytay ng pag-ibig, na ubos na at tigang.

Saklolo! Saklolo! nais kong humiyaw,
Nagpumilit na yumakap sa sinapupunan ni inay.
Ngunit ano pa nga ba, ang aking nagawa?.
Sa pagkitil ng aking buhay, ako'y sanggol pa lamang.

Mini-Contest Entries CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon