"Hi."
"H-Hello." Alanganin akong sumagot. Wala naman akong magagawa dahil kinakausap ako at ayaw kong matawag na isnabera.
"I'm Arkee and you are?"pakilala niya saka inilahad ang kanyang kamay.
"M-Maya," maikling pakikilala ko pero hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. He just smiled in return then pulled his hand away.
I don't do shake hands for a reason. Nag-iwas na lang ako ng tingin at ibinalik na ang atensyon ko sa harap.
"Tama si Lira. Mailap ka nga."
Agad akong napalingon sa kanya nang magsalita siya. Hindi siya nakatingin sa akin pero nakangiti siya. This time, I have a better view of him. Simpleng-simple lang ang pananamit niya pero maangas ang dating niya. Hindi naman siya mukhang madungis pero para sa akin, hindi parin siya dapat pagkatiwalaan.
"Hindi siya makakapunta ngayon dahil may biglaan siyang lakad kaya ako ang napakiusapan niyang samahan ka na muna," turan niya.
Yes, it's Lira, my classmate, who invited me here. Narindi lang ako sa pagiging makulit niya kaya pumayag na ako. I don't even know what activity is this.
"Ayos lang."
Then I ignored him once again. Buti na lamang at mukha namang nakuha niya ang gusto kong iparating na ayaw kong makipag-usap.
Few moments more and the program already started.
Nakita kong may lalakeng tumayo sa entablado.
"Hindi maipagkakaila na lahat tayo ay may kinakatukan." Iyon ang panimula niya na agad na kumuha sa buong atensyon ko.
"Some are afraid of rats. May takot sa ipis pero ito ang matindi, karamihan sa mga narito ay takot sa asawa."
Everybody including Arkee laughed with that simple joke, liban lang sa akin.
"Pero kung susuriing maigi, mga simpleng bagay lang 'yan na madalas katakutan. In reality, many are afraid of heights, fear of losing, fear of rejection or even fear of dying."
The topic caught my whole attention. Takot. Yeah, I admit. I am filled with fear that's why I chose to distance myself from the world, the world that caused my everyday pain.
Sa bawat katagang binibitawan ng speaker, unti-unting naglalakbay ang aking diwa pabalik sa nakaraan. Ang nakaraan na pilit kong tinatakasan. Ang nakaraang nagsisilbing bangungot ko.
'H-huwag po. Ma-maawa kayo sa akin.' That was my voice that day. I pleaded, I asked them to spare me. Nagmakaawa ako pero tila ba bingi sila sa bawat pagsamo ko.
'Anak, tandaan mo lagi kang welcome sa pamilyang ito. Safe ka rito.' That was their promise. A promise I thought that is real but they failed. Hindi nila ako naprotektahan laban sa sarili nila.
'Ang seksi mo talaga, Nak. Pakiss nga.' My heart ached and I felt like I was choking with that memory. Akala ko safe na ako, akala ko natagpuan ko na ang pamilyang magpapakita ng pagpapahalaga sa akin but no. They destroyed me.
'Sorry, please kalimutan mo na lang 'yon. Hindi ko lang talaga napigilan sarili ko. Huwag kang magsusumbong kina papa, okay?'
Nabulag ako, nabulag ako sa mabubulaklak nilang salita. Akala ko noon, ayos lang. Unti-unti na palang nasisira buong pagkatao ko.
"Maraming dahilan ang takot pero madalas nagmumula ito sa isang masalimuot na nakaraan."
The speaker is right. My fear was caused by that past. A tragedy, I wished that never happened. What if I grew without those, hindi ba ako magkakaganito? What if hindi ako nakitira sa bahay na 'yon? And daming what if's.
My fear of trusting, the fear of being touched by men, a fear that caused my isolation.
"Are you alright?"
I almost screamed the moment Arkee touched my hand. Nanginginig na inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Mabilis rin naman niyang binitawan ito.
Ilang sandali pa'y tuluyan nang nabasa ang mukha ko dahil sa pag-iyak.
"I'm sorry. I didn't mean it. I was just concern."
Mas umiyak pa ako lalo. Bakit? Bakit hanggang ngayon dinadalaw parin ako ng mga ala-alang 'yon?
Hindi ba pwedeng mawala na lang? Anong ba ang naging kasalanan ko para danasin lahat 'yon? Naging masama ba ako?
Hindi ko alam kung gaano na katagal ang pag-iyak ko pero ang alam ko ay nagsimula na ring mag-iyakan ang mga taong nasa paligid ko. They have their own fear but I knew. Mine was the worst.
Napupuno na ang buong pagkatao ko ng kalungkutan, pagdadalamhati at labis na pagkasuklam. Pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko sasaktan lang ako tulad nila.
I cuddled myself and cried more.
Naramdaman kong may yumakap si Arkee. Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Every single memory started rolling inside my head. Pakiramdam ko bumabaliktad sikmura ko. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako binitawan.
He started whispering near my ear. Ayaw kong makinig dahil abala ako pagkawala sa kanya. But he held me tighter.
"N-no, please. S-Stop! Don't touch me please." Hirap na hirap akong bigkasin ang bawat salita nito pero tila bingi siyang nagpatuloy sa pagbulong, no, he was actually praying.
"I can see it. Takot ka. Takot na takot ka sa tao. But whatever caused that pain, just let it go."
"Hindi 'yon madali!"
"Punong puno ang puso mo ng pagluluksa pero tama na. Itigil mo na ang pagpapasakit mo sa sarili mo. Hindi Niya nanaiising masaktan ka pa lalo. Hindi Siya nagdusa at namatay para sa wala, Roma."
"Pero bakit Niya hinayaang masaktan ako? Ano ba'ng naging kasalanan ko? Bakit ba lahat na lang sinasaktan ako." I cried.
"Walang pagsubok na binibigay sa isang tao na hindi niya nakakayanan. Stop trusting people, trust Him who created the heavens and the earth. Fear Him and you shall fear nothing else."
His words struck me. Now that I remember. Nakalimot ako. I focused on myself, inalagaan ko ang takot na 'yon sa loob ko. Sumandal ako sa tao na alam kong hindi perpekto. Kinalimutan ko ang noon pa'y minahal na ako ng buo.
But is it too late to come back? May karapatan pa ba akong lumapit sa Kanya?
"You can still comeback to Him. His love for you is eternal and pure." That was Arkee's words then finally let me go.
BINABASA MO ANG
Mini-Contest Entries Compilation
RandomAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang katha mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa. Ang mga kathang inyong mababasa ay pawang mga interpretasyon ng mga manunulat sa mga temang ibinigay ng grupo.