"Ang panget mo hind ka dapat nakikipaglaro sa amin."
"Wala kang kwentang anak, palamunin ka lang dito sa amin ng iyong Ita'y."
"Ano ba iyan Ate! Tama sila Mama wala kang kwenta simpleng gawain lang hindi mo magawa."
"Balita ko iyang batang 'yan salot daw 'yan sa pamilya nila."
"Pwede bang lumayo ka sa amin?"
Naalala ko na naman ang mga masasakit na salitang kanilang ibinabato sa akin. Para akong hayop na kanilang tratuhin. Lahat ng lalapitan ko natatakot sa akin. Bawat buka ng kanilang bibig ay sobrang talim kung ito'y ibato sa akin.
Ang mga nakaraang lumipas ay akin nang kinalimutan ngunit sa aking pag-iisa, sumasagi pa rin sa aking isipan kung ano ba ako sa mundong ibabaw. Lumayas ako sa puder ng aking mga magulang, hindi ko na kinakaya ang pagmamaltrato na kanilang ginagawa. Parang hindi nila akong tunay na anak. Araw-araw nila akong pinapakain ng kanin baboy, papainumin sa gripo, papaliguan ng kanilang pinanligo, Hahampasin ng walis, sasabunutan, ilalampaso ang mukha sa sahig at bibihasan ng gula-gulanit na damit. Para akong pulubi ng mga araw na iyon.
Kahit ang mga tao sa labas ay kinahihiya at pinandidirian ako. Ano bang mali sa akin? Dahil sa kanilang ginawa, natuto akong bumangon mag-isa. Kung dati takot ako sa tao dahil alam ko ang kanilang intensyon sa akin. Ngunit nagkamali pala ako may mga tao pa ring handang tumaggap sa iyo at itrato ka na parang tao.
"Jen ang lakas ng benta ng libro mo ngayon sa bookstore 'yung 'Tao kami hindi Hayop' nagkakaubusan na nga raw, e." Sabi ng ka co-writer ko.
"Ah ayun ba, ginawa ko lang inspirasyon ang aking buhay roon." Sagot ko at tumingin na uli sa computer at muling nag-type ng bagong kwento na aking ilalathala.
"Grabi Jen, naiyak ako doon sa story mo. Bumili rin kasi ako ng libro. Sulit ang pagbabasa. Sana 'yung mga ginagawa ko ring istorya ay maging katulad ng sa iyo." malungkot nitong pahayag.
"Ano ka ba, She. Lahat tayo magaling magsulat. Marami naman nagugustuhan ang istorya mo ah! 'Wag mong kainggitan ang isang tao, gawin mong inspirasyon ang mga taong nakapaligid sa iyo," tugon ko rito.
"Hahaha thank you, Jen."
Hindi dapat natin ikumpara ang sarili natin sa iba bagkus tayo'y magsumikap para abutin ang ating mga pangarap.
Alas-singko na nang hapon ng ako'y umalis sa office. Sa aking paglalakad, may nakita akong batang musmos at umiiyak ito.
"Bata bakit ka umiiyak?" tanong ko rito.
"Tinakot po kasi ako ng mga kalaro ko."
"Ah, gusto mo ba ng ice cream? Lilibre kita."
"Talaga po? Sige po," masaya nitong tugon. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa ice cream na nagtitinda.
Sana 'yung mga araw na takot din ako, may tao ring tutulong para mawala ang takot ko. Ang hirap kasing mag-isa lalo na't ang lahat ng tao ay tingin sayo ay isang basura. Basurang kayang-kaya nilang tapak-tapakan.
Binilhan ko na siya ng ice cream at umupo na rin kami sa isang bench dito sa park.
"Bata, ano pala ang pangalan mo?"
"Happy po," ngiti nitong tugon
"Bagay sa iyo ang pangalan mo."
"Salamat po."
" Nga pala, bakit ka ba tinatakot ng mga kalaro mo?"
"Kasi po ayaw nila sa akin, eh ayaw ko pong umalis doon at gusto kong makapaglaro kahit konting oras lang pero pinagtatabuyan nila ako. Tinakot po nila ako na magsusumbong daw sila kay Tita. Natatakot po kasi akong gulpihin ulit ng Tiya ko."
"Ayan bang mga kalmot at sugat mo sa katawan, siya ba ang may gawa?" pag-uusisa ko. Makikita ang mukha nito na may sugat gano'n din ang kanyang katawan.
" Ah, oho siya po ang may gawa n'yan pero okay lang po sa akin iyon kahit na pinapakain niya po ako nang tira-tirang pagkain niya, kahit alipustahin niya po ako okoy lang. Siya na lang po ang meron ako at ako na lang din ang meron siya."
"Hahayaan mo na lang bang gawin kang hayop ng iyong tiya?"
" Opo. Takot po kasi akong mawala siya dahil wala na po akong pagsisilbihan at mamahalin. Takot din po akong mamuhay mag-isa. Iniwan na po ako ng aking mga magulang at hindi ko po gagawin ang ginawa nila sa akin kay Tita. Malupit man po sila, may puso rin sila. Hindi lang po nila kayang ipakitang mahal nila tayo." ngiti nitong sabi.
"Bakit kaya mo pang ngumiti kahit alam nating nahihirapan at nasasaktan ka na?"
"Kasi po dapat laging masaya kahit ano mang hirap. Umiiyak man at nasasaktan ako araw-araw, okay lang dahil alam kung narito pa rin si Papa God sa tabi ko. Sige po mauna na po ako, kailangan ko pa pong mag-igib ng tubig para kay Tita. Salamat po pala." Tumakbo na ito paalis.
Nakikita ko ang sarili ko sa kanya pero siya, hindi siya sumuko. Nanatili pa rin siya sa buhay niya na puro parusa at pasakit. Naniniwala pa rin siya sa Panginoon. Muling tumulo ang luha ko, bakit may mga taong mapang-alipin? Hindi ba nila kayang iparamdam ang tunay na pagmamahal?
Saludo ako kay Happy, hindi nya pa rin hinayaang maging malungkot siya. Nanatili ang pagmamahal at kasiyahan sa puso niya. Ang takot niya ay kanyang nilabanan dahil alam niya, maaring mawala ang tanging meron sya.
May bago na naman akong isusulat at ito ay dahil kay Happy.
'Mapangaliping Mundo kailan matatapos.'
BINABASA MO ANG
Mini-Contest Entries Compilation
RandomAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang katha mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa. Ang mga kathang inyong mababasa ay pawang mga interpretasyon ng mga manunulat sa mga temang ibinigay ng grupo.