I
Masasayang araw ay hindi ko malilimutan.
Ito'y aking dadalhin hanggang sa kamatayan.
Pagmamahal niyong bigay ay aking iingatan.
Sana'y muling magkita sa 'king huling hantungan.II
Hindi ko lubos maiisip na ako'y may sakit.
Aking dala sa kanila ay puro pasakit.
Tanging hinihiling ay iyong ipinagkait.
Kailan kaya matatapos buhay kong mapait.III
Ako ngayon ay nakaratay,
Ngunit pakiramdam ko ako ay patay,
Lagi nilang akay-akay,
Kaya buhay ko akin ng inaalay.IV
Oh! Diyos ko bakit mo ito ibingay sa akin,
Ano bang mali kung ako'y makasalanan din?
Tanging hiling ko lang sana'y iyong dinggin.
Paghihirap ko kailan mo tatapusin?V
Saan ba ako nararapat?
Sa impyerno o sa langit na tapat,
Ako iyong dalhin sa karapat-dapat,
Dahil pag-ibig ko sa inyo ay tapat.VI
Sa kamatayan ba matatapos,
Ang buhay kong kapos?
Dahil ako ngayon ay naghihikahos,
Sa gamot na bumubuhay sa akin ng halos.VII
Kamatayan na walang kasiguraduhan,
Hindi mo alam kung si Hudas o si San Pedro ba ang iyong madadatnan.
Sa dagat-dagatang, apoy-apoyan ba ang iyong matitirhan,
O sa masaganang buhay ang iyong mababagsakan.VIII
Akin ng nararamdaman, ito na ang aking katapusan,
Aking sundo ay akin ng nginitian,
Kamay ko ay kanya ng hinagkan,
Sa aking huling hininga paghihinagpis nila ang aking napakinggan.
BINABASA MO ANG
Mini-Contest Entries Compilation
RandomAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang katha mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa. Ang mga kathang inyong mababasa ay pawang mga interpretasyon ng mga manunulat sa mga temang ibinigay ng grupo.