Entry No. 15 - Kapalit ay Kamatayan by sightless_love

3 1 0
                                    

 Ako'y isa lamang simpleng binata.
Na nagmahal ng totoo sa isang dalaga.
Ilang mga araw ang lumipas na.
At ako'y nagtapat na rin sa kanya.
.
S'ya ay aking niligawan,
Sa loob ng limang buwan.
Nangakong s'ya ay hindi iiwan.
Kahit matapos pa ang magpakailanman.
.
Di nagtagal, ako'y sinagot nya.
Kami'y naging masaya't palaging magkasama.
Kami'y nagtagal at magtatatlong taon na.
Sa palagay ko'y s'ya na talaga at wala ng iba.
.
Pero ang relasyon nami'y katulad din pala ng iba.
Sa aki'y naging malamig ang pakikitungo n'ya.
At aking nalaman, isang masakit na balita.
Matagal na pala syang may kasintahang iba.
.
Sa kagustuhang s'yay maging akin.
Ako'y gumawa ng paraan kahit na malagim.
Kasintahan n'ya'y inabangan upang ito'y patayin.
At plano ko ring s'ya ay gayumahin.
.
Ako ulit ay naging masaya,
Dahil ang gayuma'y sa kanya gumana.
S'ya ay bumalik nga sa aking mga bisig.
Pero nawala na yung dating saya at kilig.
.
Nagpasya akong sa kanya'y sabihin.
Lahat ng dapat n'yang malaman mula sa akin.
Ako'y umiyak, tumakbo at hindi napansin.
Ang sasakyang parating upang ako ay banggain.
.
Ako'y naghihingalo na nang kanyang lapitan.
At alam kong lahat ng ito'y aking kasalanan.
Sa kanyang pag-ibig, ako'y naging gahaman.
Kaya ang naging kapalit nito'y aking kamatayan.  

Mini-Contest Entries CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon