Hindi mo ba alam-
O, sadyang wala ka lang pakialam!
Hindi mo ba kayang pahalagahan,
Biyayang para sa iyo'y inilaan.Hiram na buhay ang mayro'n tayo;
Ngunit ito'y baliwala para s'yo,
Hindi kawalan-
Na ang sarili'y ating alagaan.Kamatayan ba ang kasagutan?
Sa bawat pagsubok na iyong hinaharap
Bakit hindi mo na lamang abutin ang iyong mga pangarap?
Sa pamamagitan ng sakit na iyong nalalasapKamatayan nga ba ang kasagutan?
Kung tayo ay nasasaktan
Diyos ay hindi tayo pababayaan
Siya ang tanging makapangyarihanAng buhay ay may katapusan
Itinakda ang araw para sa ating paglisan
Ngunit kung ikaw mismo ang tatapos sa buhay mo
Ito ang hindi tamang magagawa mo!Kamatayan nga ba ang kasagutan?
Kung may iba pa namang paraan
Para buhay natin ay hindi masayang
Nang dahil sa kaunti nating pagkukulang.Sisikat ang araw
Kasiyahan ay iyong matatanaw
Kaya huwag matakot
Kung kamatayan sa iyo ngayo'y ipinagdadamot.Kamatayan ay darating sa takdang panahon
Ngayon ay hindi mo pa pagkakataon
Kaya kamatayan ay hindi kasagutan
Sa lahat ng hirap na iyong nararanasan.Gawing makulay,
Ang iyong buhay
Kamatayan ay maghihintay
Kung kailan wala kang kamalay-malayHuwag sayangin ang lahat ng iyong masasayang alaala
Kasama ito sa buhay na sa iyo'y mawawala
Kung kamatayan ay kusang darating sa iyo
Para ikaw ay bawiin sa mundo.
BINABASA MO ANG
Mini-Contest Entries Compilation
RandomAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang katha mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa. Ang mga kathang inyong mababasa ay pawang mga interpretasyon ng mga manunulat sa mga temang ibinigay ng grupo.