TrisIsang malakas na katok ang gumising saakin. Anong oras naba? Alas syete palang.
*Tok.Tok.Tok*
Kumatok na naman ulitAish! Bumaba ako upang buksan kung sino yung bumubulabog saakin.
"Magandang Umaga, binibining Beatrice"
Isang kaedad ni manong Jonas ang bumungad saakin.
"Aaa-yy. Hehehe pasok po kayo"
"Ano po palang ginagawa ninyo dito?"
"Nakalimutan mo naba?"
Lumaki ang mata ko nang maalala ko. Shit!
"Shit! I forgot. Uhmmm. Maliligo na po ako. Sandali lang po ako"
Pagkababa ko ay nakita ko siyang tinitignan yung mga litratong dinisplay ko kagabi.
"Eto ang pamilya doon?"
Tanong niya"Opo" I smiled bitterly.
"Sya nga pala, ako si Lucas, ako ang ipinadala niya upang samahan ka"
Tumango lang ako bilang sagot.
Pero nagulat ako sa isang kahilingan niya.
"Maaari ba kitang yakapin?"
"eeh? S-sige po"
Tapos niyakap niya ako ng mahigpit. Ang weird niya.
"Pasensya kana Beatrice, may naalala lang ako sayo, hehehe."
I smiled, awkwardly. This is insane!
"Siya nga pala, bagay sayo yang suot mo"
"Salamat"
May inabot din siyang supot saakin, una tinanggihan ko ngunit ansabi niya ay para saakin yun dahil sa tingin niya kukulangin ang binigay ni Manong Jonas saakin sa damit ko palang daw ay tiyak na mauubos nadaw iyon. Kaya tinanggap ko na.
Kumain kami sa Dinning Hall, at pinagtitinginan lang naman ako ng mga tao dito at ang ipinagtataka ko ay yung iba ay nagbibigay galang sa kasama ko.
Sumunod naman ay ipinasyal niya ako sa Plaza De Elemental.
Bumili ako nung shake na gusto ko. Pero hindi tinanggap ng babae ang bayad ko dahil daw sa baguhan ako ay ililibre niya muna ako. HahahahaPabalik na kami ng Academy nang may naalala akong itanong
"Manong Lucas paano magkaroon ng pera dito?"
"kailangan mong magtrabaho. Pero wag kanang magtrabaho, ako nang bahala sa mga pangangailangan mo"
"Hindi ko naman po kailangang umasa sainyo Manong Lucas, gusto ko pong magkaroon ng pera nang galing sa pinagpaguran ko"
"sige, kapag naubos na iyang pera mo ay magsabi ka lang at bibigyan kita ng trabaho"
Nasa tapat na pala kami ng isang classroom, dito siguro ay dito yung room ko. Binuksan niya ito at pinapasok ako.
Lahat ng tao dito ay napatahimik may mga death glare akong nakikita at may mga naririnig akong bumubulong.
"Diba siya yung babae na bumangga kay Raven?" G1
"Oo! Tssk! If I know, nagpapansin lang kay Raven"G2
Sino ba yun? Yung Napaka antipatiko? Psh! Sakanila na sya!
"Siya yung babaeng titira sa bahay ni Arrietty" bulong nang isa pang babae.
"Sa dami ng titira sa bahay ni Arrietty bakit ikaw pa?! Na baguhan lang dito! Dapat ako ang nandon! "sigaw ng babae saakin.
"Arian! Manahimik ka!"saway sakanya ni manong Lucas don sa Arian.
"Ako muna ang hahawak sainyo ngaun, dahil nasa misyon pa si Marcus, sige Beatrice magpakilala kana"
"I'm Beatrice Alonzo, you can call me tris or what ever you want. Lumaki ako sa mundo ng mga tao." then tingin ako don sa Arian. Tss! Akala niya hindi ko siya papatulan? I didn't smile all the time while I'm talking.
"By the way. Arian right? You can have my home! Tutal yung katabi naman yung type ko"
Napanganga sila sa sinabi ko. I rolled my eyes! They're all insane!
"No!" tutol ni Manong Lucas
"Hindi maaari ang sinasabi mo. Ikaw na ang nagma-may ari nito. At ikaw ang pinili ng bahay na iyon."
Ibang klase talaga ng mundong ito. Ang weird!
"Maari kanang maupo, doon" turo niya sa tabi ng natutulog.
Nagsimula nanaman ang bulong bulungan. hindi ko nalang pinansin at umupo.
"Okay! Bago ako magsimula ng klase, kung ano ang binabalak ninyo kay Beatrice ay itigil ninyo ha? Nandito siya dahil katulad natin siya at nararapat siya dito. Maliwanag? "
"Opo" sagot nila in chorus.
"Ano naba ang topic ninyo? "
"Sa princesa na po"
Sagot ng lalaki sa harapan.Bigla namang nagising yung katabi ko at umupo ng tuwid.
Bago lumingon saakin.Isang "Tssssss" lang ang natanggap ko. Aba't!
Tinuon ko nalang ang aking isipan sa lesson ni Manong Lucas na History. Parang sa mundo lang ng mga tao.
"Nag iisa lang ang princesa. At naiiba sa lahat. Ang taglay niyang kapangyarihan ay sadyang kakaiba sa lahat. Sakop niya ang Fire, Water, Wind, Earth, Soul, at Light Elemental. At iba pa. Marami siyang kayang gawin."
"Kaya ba nawala siya?" tanong ng katabi ko
"Oo. Mapanganib ang buhay niya. At alam niyo iyan. Maaaring magamit ang kapangyarihan niya Dark Shadows upang buhayin ang Lord Of The Dark Shadows."
Wow! Napakadelikado pala ang buhay niya.
"Ngunit... Isang gabi, sinugod ng Dark Shadows ang Elemental Castle... "
Napansin kong naikuyom ng katabi ko yung kamay niya.
Halata sa mukha niya ang galit at pangungulila..."Nakita ng Princesa ang pagtama ng Dark power sa ina mula sa isa sa mga Dark Shadow... Natigilan lahat ng tao nang nasa loob ng kastilyong iyon. Dahil sa----"
Naputol ang kwento ni sa sinabi ko."Sigaw ng princesa. Unti-unting tumutulo ng mga luha niya habang papalapit sa Inang Reyna. Lalong nagdalam hati ang princesa nang makita niya ang kanyang ama na nakahandusay din sa hindi kalayuan. Isang sigaw na nagpabago nang lahat. Nawala ang Hari, Reyna at ang princesa...."
"B-beatrice... "
Natauhan lang ako sa pagbanggit ni Manong Lucas nang pangalan ko.Ha? Ano bang sinasabi ko?
"Paano mo nalaman?'
"h-hindi ko alam"
Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Hindi siya simpleng sakit. Para itong tinutusok.
"Uuuugh! "
"Teka! Anong nagyayari sayo? "
Tanong ni Manong Lucas."I-I don't know! Ugggggh! My head! It hurts! Uggggggggh!"
"Sir! Namumulta siya! "sigaw ng classmate ko ata.
"If I know! Nagdadrama lang yang babaeng yan! Isa kasi siyang Dark Shadows! ' sabi ni Arian
"Pwede ba! Manahimik ka muna Arian! "saway sakanya ng isa ko pang classmate.
Wala na akong panahanon na alamin kung sino pa siya! Dahil lalong sumasakit ang ulo ko.
Pinilit kong tumayo. Ayoko dito!
Pero bago pa ako makahakbang ay tuluyan na akong nawalan ng malay......

BINABASA MO ANG
Her True Identity
FantasiMy life is always in danger since I used my powers in lake. I had a weird dreams. Who the fuck I am?