Jonas
"anong nangyari sakanya? "
Bungad na tanong ko kay lucas pagpasok ko sa silid ni Tris, sa pagamutan."hindi ko alam. Nagkukwento ako nang tungkol sa Princesa at nagulat nalang ako.
Nang magsalita siya..."Tumingin saakin ng makabuluhan si Lucas ngunit umiling lang ako..
Raven
"Asan si Ama?" tanong ko sa kawal na nakabantay sa pintuan ng silid nung Beatrice
"Nasa loob po"
Papasok na sana ako ngunit hinarangan niya ako.
"hindi po kayo maaaring pumasok sa loob"
"Gusto mong matusta ngaun na o papapasukin mo ako?"
Pumasok ako sa loob kahit na pinipigilan ako ng mga kawal niya.
Nakita kong seryosong nag uusap sila ni Tiyo Lucas.
"Ama!"
Tawag ko dito. Agad siyang napalingon saakin."Sino ba siya?" turo ko sa Beatrice.
"Paano niya nalaman ang tungkol sa pagkawala nila?"
"Pwede ba Raven. Hindi lang isa ang kapangyarihan mayroon si Tris, baka isa rin siya sa nakakakita ng nakaraan, kasalukuyan at nang hinaharap" sagot nito saakin.
"Ibig sabihin hindi mo pa alam ang tunay niyang pagkatao?"
"Ang alam ko lang ay siya si Beatrive Alonzo"
Gumuhit paarko ang kabila kong labi.
"Ha! Ama! Hindi kaya siya si-----"
"Itigil mo ang kahibangan mo Raven! Hindi siya iyan!"
"Pwes! Kung ganon! Bakit tumigil ka sa paghahanap? Dati rati ay tuwing nagdadala ka ng mga kauri natin ay bumabalik ka sa mundo ng mga tao upang ipagpatuloy ang paghahanap bakit ngaun tumigil ka? Bakit sakanya napunta ang bahay na iyon? Bakit kailangang si Tiyo Lucas pa ang mag asikaso sakanya?"
"Nasundan ako ng Dark Shadow sa mundo ng mga tao, utang ko ang buhay ko kay Tris sapagkat siya ang nagligtas saakin. Hindi ako tumigil sa paghahanap sakanya. Kailangan ko lang magpalamig dahil sigurado akong nagkalat ang mga Dark Shadow sa mundo ng mga tao ngaun."
"Edi dapat mas lalong pag intingin ang paghahanap sakanya."
"Ipnadala ko na si Marcus upang ipagpatuloy ang paghahanap. Ano? Okay naba?"
"Hindi pa sapat ang sagot mo Ama! Nararamdaman ko! Siya iyan." tukoy ko don sa Beatrice
"Nahihibang kana Raven. Malalaman natin iyon dahil sa lakas ng aura niya ngunit wala tayong maramdaman. At alam kong alam mo iyon dahil kayo ang laging magkasama noon."
At tuluyang umalis siya kasama si Tiyo LucasNatahimik ako sa sinabi niya.
Hindi nga siya si Arrietty. Dahil kung siya man si Arrietty ay malalaman ko iyon. Pero magkapareho sila ng pares na mata.... Naguguluhan na ako.
Pinag masdan ko siya.
Ano bang meron sayo? Totoo kaya ang sinabi ni ama?
Pero anong nararamdaman kong kakaiba sakanya?****
TrisDalawang araw na simula nang magising ako, halos dalawang araw din daw akong tulog. Tsssk! Ngayon ko lang naranasang ganon kasakit ang ulo ko.
Ang maingay na Dinning Hall ay biglang natahimik sa pagpasok ko. Matatalim na tingin ang binibigay saakin at yung iba ay nagbubulungan.
Ano na naman bang ginawa ko?
Pero biglang tumayo si Arian at ngumiti ng mala-demonyo.
"Malandi ka!" sigaw niya saakin.
Teka? Ano bang ginawa ko?
Nagulat nalang ako nang bigla akong umangat!
"H-hey! Put me down!"
Sigaw ko sakanila."Hoy! Hindi porket galing kang mundo ng mga tao ay magpapansin kana lang masyado sa mga tao dito!" sigaw nung kasama ni Arian. Siya yung napaangat saakin.
"Pwede ba ibaba mo ako dito!"
I command her. Pero hindi niya pinansin."at F.Y.I ha! Hindi ako nagpapansin sa mga tao dito."' sigaw ko sakanila.
"Aay? Hindi ba? Tigilan mo kami! Bakit ka pinuntahan ni Raven sa Pagamutan? Pwede ba layuan mo siya!"
Ha? Pumunta yung antipatiko na yun doon?
"Malay-----
Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Arian. Na ngaun ay sobrang talim ng tingin saakin.
"Ano?! Dinalaw ka ni Raven?! Malandi ka talaga!"
Tapos bigla niya akong tinira ng kapangyarihan niya.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH~"
Sigaw. Shit! Ansakit! Kidlat ata tong kapangyarihan ng impakta nato!
"Ano! Diba may kapangyarihan ka? Bakit hindi mo gamitin! Wag mong sabihin na wala kang kapangyarihan" pang aasar niya.
Naalala ko yung sinabi ni manong jonas.
Fire Element. Yan kapangyarihan mo.
"Isa kang mahina!" sigaw pa niya at nagtawanan ang mga tao dito.
Ano ba tris? Paano mo gagamitin ang kapangyarihan mo? Kailangan ko magFocus.
Nang biglang may nagsalita na ikinatahimik ng lahat."ANONG KAGULUHAN ITO?!"
Sigaw ng di ko marecognize na boses.
![](https://img.wattpad.com/cover/36316485-288-k24467.jpg)
BINABASA MO ANG
Her True Identity
FantasyMy life is always in danger since I used my powers in lake. I had a weird dreams. Who the fuck I am?