Chapter 9

1 0 0
                                        

Elias

"ano pag uusapan natin? "
Tanong ng ama-amahan ni Tris saakin

"alam mo kung bakit ako nandito.... "
Paalala ko sakanya

Bakas sa mukha nito ang takot, takot na mawala sakanila si Tris

Ngunit nabigla ako sa sinabi niya

"hindi mo ba nakikita? Masaya na si Tris dito sa mundo namin, magsi-siyam na taon na siya dito ngunit hindi nanganib ang buhay niya. Ngaun lang nang dumating ka"

"wala kang alam sa nangyayari, hindi niyo siya kayang protektahan ng basta basta, kahit itagao niyo pa siya sa kung saan. Lalabas at lalabas ang tunay niyang pagkatao at wala kayong magagawa doon"

"bilang magulang niya, poprotektaham namin siya kahit na anong mangyari! "pagmamatigas nito

"maari kayong mapahamak pati narin ang mga anak ninyo, yan ba ang gusto mong pagprotekta kay tris? Nanganganib ang buhay niya dito, nakita mo ang pinsala sa tinutuluyan niya hindi ba? Tingin mo pang karaniwang tao lang may gawa non? Hindi. Kauri yun nang muntik naring kumitil ng buhay niya sa paaralan nila. Ang dugo niya. Ang kapangyarihan niya at ang aura niya, parang isang bulaklak na humahalimuyak para sa mga Goblin. Ang gaya ni Tris ay dapat iniingatan dahil ilan nalang ang maharlikang katulad niya... "

"m-muntik nang mapahamak si tris sa paaralan nila? "

"Oo. Buti nalang at dumating ako kung hindi baka napahamak na siya, kaya't sinasabi ko sayo ginoo sobrang napakapanganib ni Tris dito lalo na't walang gagabay sakanya rito."

"ang ibig mong sabihin kayo lang ang may kayang protektahan siya?"

"oo, dahil kauri niya kami"

Sasagot pa sana siya nang sumigas si Tris at pagbasag ng salamin.

*KYAAAAAAAAAAAAAAAH* Tris
*SREEEEEEEEEEEEEEACH*

"Ang Dark Shadows! "

Ginamit ko agad ang kapangyarihan ko sa isang Dark Shadow na nagbasag ng bintana.

"lumabas na kayo dyan! " sigaw ko sakanila.

Gumawa ako ng fire ball para sa limang paparating sa kinaroroonan nina Tris.

Sa hindi inaasahan mayroong umatake na hindi ko napigilan..

"Daddy" yakap ni Tris sa ama amahan niya

Natamaan ang likod ng ina ni tris ng itim na kapangyarihan.

"Honey! " sigaw ng ama niya

Nakita ko ang mukha ni Tris na nag iba, katulad na katulad nang nangyari dati....

"Mommyyyyyy!'
Ang ekspresyon na yon. Ang ekspresyon din na nakita ko halos siyam na taon na ang nakakaraan.

Pipigilan ko sana siya nang may Dark Shadow na sumulpot sa aking harapan.

"Sabi ko na't mahahanap ka namin Elias! " kasabay non ang paglipad ng kamao niya ngunit nailagan ko.

"Nasan ang Princesa?!"

Napangisi ako sa tanong niya. Akala ko pa naman ay nahanap na nila ng Princesa.

"nakita mo bang kasama ko siya? " balik kong tanong sakanya, at kasabay non ang pagsuntok ko sakanya.

Napansin kong lalong dumarami ang mga Dark Shadows kaya tinuluyan ko na siya. Paano ba ako nasundan ng mga ito?
Napasapo ako sa aking noo, hindi ko naisara ang portal na ginamit ko papunta rito.

Ngunit, hindi ko inaasahan ang paglabas ng isa sa mga kapangyarihang taglay ni Tris, lumabas ito kasabay ng kanyang pagsigaw.

"MOMMYYYYYYYYYYY! "

Fire Element bulong ko sa aking sarili.

Sa isang bula lang, naging abo lahat ng Dark Shadow.
Nakita ko kung paano lumabas sa katawan ni Tris ang kapangyarihan niya, tila para lang itong hangin na lumabas sa katawan nito at lahat ng matamaan nito ay nagiging abo, kasabay non ay ang pagGamot niya.

Healing Element paano niya naipagsabay iyon? Wala pa akong nakikitang gumagawa nito....

Agad din kaming umalis dahil nawalan ng malay si tris at baka may dumating pang Dark Shadow.

Nasa kwarto kami ni Tris nag ayain akong kausapin ng ama nito. Dinala ako nito sa kanyang Library room

"Talaga bang nasa panganib ang buhay niya dito sa mundo namin?" agad niyang tanong saakin.

"Oo, ngunit hindi ako sigurado kung siya ang pakay ng mga ito"

Tumango-tango ito bago nagsalita ulit.

"talaga bang iyon na ang kapangyarihan niya?"

Umiling ako bilang sagot.
"wala pa yun sa tunay niyang kapangyarihan, limang pursyento palang ang nailabas niya, ngunit nabigla ang kanyang katawan sa pangyayari dahil sa matinding emosyong naramdaman niya, nangyari na ito sakanya noon at hindi ko lang inaasahan na mangyayari ulit ito sakanya, emosyon ang kanyang kahinaan." paliwanag ko dito.

"siguro naman hindi na ulit mangyayari ito. At nakakasigurado akong ligtas parin siya dito"

Ano bang pinagsasabi nito?

"Wala kang alam! Alam mo bang maaari rin kayong mapahamak dahil sakanya? Hindi niya kayang kontrolin ang kapangyarihan niya. Hindi niyo siyang kayang protektahan. Nakita mo naman ang nangyari kanina hindi ba? Isa kayo sa kahinaan niya, kailangan niya ng gabay sa paggamit ng kapangyarihan niya at kami lang ang may kaya non. Higit sa lahat, hindi lang yun ang maaaring mangyari."

Her True IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon