Tris
Ang sakit isipin, sarili mong magulang ipamimigay ka. Ay! Oo nga pala! Ampon lang ako. HAHAHA
Nandito kami ngayon, naglalakad sa ginta ng kakahuyan, nandito na kami sa sinasabi ni Manong Jonas na mundo namin ang....
Elemental Kingdom.....Parang katulad lang din siya ng mundo ng mga tao.
Yun nga lang walang sasakyan, sariwang hanggin at payapang kapaligiran.
"malayo paba?" tanong ko kay manong Jonas
"Oo, kaya't bilisan mo ang paglalakad"
Aish! Buti nalang naka sneakers, pantalon at jacket ako sabi kasi ni Manong Jonas na mas okay daw na ito ganito ang suot ko.
Naisip ko parin yung sinsabi ni mommy saakin.
Flashback.
"Tris anak. Mas gugustuhin kong sumama ka kay Jonas. Mas ligtas ka lalo na kami. Ayokong mapahamak ang mga kapatid mo. Tama ng muntikan na akong mawala, utang ko sayo ang buhay ko. Pero hindi ako papayag na mawala ang mga kapatid mo at ang Daddy mo dahil sayo, oo may kapangyarihan ka, ngunit hindi ka nararapat dito tris. Kapag nalaman ng mga tao ito ay baka mapahamak kami dahil sayo. Sana ay maintindihan mo"
Yung sakit grabi. Grabi yung sakit.
I smiled bitterly.
"I'm sorry mommy, kung pati kayo nadamay. Sorry talaga, sige po sasama na ako kay Jonas. Mag iingat po kayo dito tandaan niyo po mahal na mahal ko po kayo, sige po aakyat muna ako ililigpit ko lang mga gamit ko'Paglabas ko ng Opisina ni Dad, hindi ko na napigilang umiyak. Ang sakit.
****
Nakabalik ako sa realidad nang tumama ang mukha ko sa likod ni manong jonas.
"Andito na tayo"
"wow"
As in wow lang ang nasabi ko. Ang ganda! Tapos may mga tindahan din dito, katulad din ng sa mundo ng tao.
"eto ang Plaza De Elemental, dito mo mahahanap lahat ng kailangan mo, pagkain, damit, potion, at kung ano ano pa. At nakikita mo iyon?"
Turo niya sa isang malaking tore.
"iyan ang Elemental Academy, dyan ka mag aaral at sa likod niyan dyan ang tirahan mo"Wow! Para siyang palasyo. Pero mas napansin ko yung mas malaking tore sa kaliwang bahagi nang kinatatayuan ko. Mas malayo siya kesa sa Elemental Academy pero kitang kita parin ang laki nito.
"Elemental Castle.."
Bulong ko.Pero narinig pala ni Manong Jonas.
"Paano mo nalaman?"
"Ah. Hehehe di ko rin alam eh, bigla ko nalang nabanggit yun"
Tumango-tango lang siya.
Lumingon lingon ako sa sinasabing Plaza nila, nang nakakita ako ng tindahan ng Shake. Wow!
Gusto kong bumili kaya lang, wala akong pera, I mean hindi naman talaga pera ng mga tao yung gamit nila dito.Sa hindi inaasahan. Sa pag atras ko kay may naatrasan ako at na-out of balance kami.
Oo kami, dahil tao yung naatrasan ko.
Hala! Patay! Nagkalat yung mga binili niyang gulay at yung kape, nabuhos sa katawan niya.
"Hala! Sorry po. Sorry po talaga. Di ko sinasadya" habang sinasabi ko yun ay ang pagdampot ko ng mga gulay na nagkalat. Huhuhuhu ano ba naman Tris!
Napatingin naman ako sa damit siya. Shit! Ang dumi! Agad kong dinukot yung panyo ko sa bulsa at pinunasan yung basa.
"Sorry ta----"
Nagulat ako sa pagtapik niya ng kamay ko.
Napatingin ako sakanya, nagulat ata siya saakin dahil lumaki ang mata niya.
"Alam mo! Nagsorry na nga yung tao hindi ba? Tapos tatapikin mo pa kamay ko! Nagmamalasakit lang naman ako sayo. Psh!" binato ko sakanya yung panyo ko at bumalik na kay Manong Jonas.
"san kaba nagpupunta?" tanong agad niya saakin.
"Dyan lang, tara na, gusto ko nang magpahinga"
Oo nga! Tama siya! Sa likod ng Academy ay may nga bahay don. Hindi lang bahay ha! Para siyang apartment sa kakahuyan, hahahaha ang ganda promise. Laktaw laktaw siya pero magkakatabi tapos may mga punong matatas na nagsisilbing nagpapalilim dito, kaya madilim siyang tignan. Napatingin saakin yung mga tao dito, yung iba halos kaedad ko lang.
"Maari kanang pumili ng titirahan"
"pumili?" balik na tanong ko
"oo, pipili ka ng titirahan, yung iba dito ay simula noong pitong taon palang sila ay, nakapili na sila at tumira nang mag aral na sila dito"
"aahh. Eh paano ako? Eh ngaun palang naman ako dito, tsaka baka may may-ari na don sa pipiliin ko. ."
"kaya nga dito kita dinala, dahil dito ay may bakante pa. Pumili kana sa apat na yan"
Turo niya sa kanan ko. Habang naglalakad ako ay biglang bumukas yung isang Bahay. Literal na nagbukas lang siya.
Napagasp yung mga tao. Pati ako kinabahan, kasi lahat sila nagbubulungan at nakatingin saakin.
"So may isang hindi maharlika ang nakabukas ng bahay ng Princesa" boses palang nakakapatayo na ng balahibo. Yung boses ni Cherry Gil
"oo. At wala tayong magagawa kundi ang---' hindi na natuloy ni Manong Jonas ang sasabihin niya nang may nagsalita ulit.
"Hindi! Hindi siya maaring tumira dyan! Alam niyo yan! Dahil ang princesa ang nag mamay ari nito! Tandaan niyo yan!" pagpapaalala niya.
Naningkit yung mata ko nang makita ko siya. Siya yung lalaking nabangga ko. Tumingin siya saakin at inirapan ako. Aba't!"Kapag bumalik na ang Princesa ay maari siyang tumira sa loob ng Academy, dahil doon naman talaga siya titira, at hindi mo naba natandaan na nilagyan ng spell ang bahay na iyan. Ang sino mangmakakabukas nito ng hindi ginagamit ang elemental powers ay maaring tumira dyan" sagot ng babae sakanya.
"ikinagagalak kitang makilala binibini, ako si Amalaya at ako ang namumuno sa Academy"
"Ahh.. Hehehe salamat po. Ako naman po si Beatrice Alonzo"
"pumasok kana sa iyong tahanan Beatrice..."
Seryoso? Hala! Pagmamay ari daw to ng Princesa, ang sama ng tingin saakin nung lalaki. Kulang nalang ay patayin ako.
"Eto na ang bahay mo Tris. Ibinaba na niya ang mga gamit ko sa kabayo. Hindi man lang kami nakasakay dito dahil napuno ng gamit ko. Anim na maleta ang nakalagay dito at may dala pa akong Backpack.
Isa isa na namin ni Manong Jonas ipasok yung mga gamit ko sa loob.
Bago siya umalis ay nagbilin siya."kapag nagugutom ka ay nakikita mo yun?"
Turo siya sa isang pinto sa likod ng academy.
Tumago lang ako."iyan ang dinning hall. Ipapasundo nalang kita bukas upang ihatid ka sa classroom mo"
"May tanong ako."
"ano yun?"
"Paano ako magkakapera? Iba kasi yung pera dito sa pera namin"
Iniabot niya saakin ang isang supot.
"Iyan muna ang gagamitin mo, magsabi ka saakin kapag paubos na iyan, at dapat walang makaalam na binigyan kita ng pera."
"Aye. Aye Captain"
Saka umalis na siya.Tutal hapon narin dito nalang muna ako, tsaka may pagkain ako dito na galing sa aamin. Magliligpit nalang muna ako ng mga gamit ko.
Grabe! Ang ganda ng bahay nato. Yung mga designs. Unique ang gaganda ng wood carvings.
Tapos pag akyat ko sa second floor. Bumungad saakin ang isang pinto at mini sala. Binuksan ko yung pinto at isang simpleng kwarto ang nadatnan ko. Para lang siyang kwarto ko sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Her True Identity
FantasíaMy life is always in danger since I used my powers in lake. I had a weird dreams. Who the fuck I am?