Chapter 7

30 1 0
                                    

(Cass Pov)

Im packing all my things na dadalhin ko sa Europe nang makarecieve ako ng text from ate.

From: Ate Tris

Sorry Cass. Hindi na tayo matutuloy sa Europe. Im sorry.
Kahit anong mangyari magkapatid tayo ok? Mahal na mahal kita.

Bakit hindi na kami matutuloy? Kanina lang super excited pa siya, at anung ibig niyang sabihin?

Tumakbo ako papunta sa room niya pero wala siya. Saan ka ate?
I tried to call her but hindi ko makontak.
Nakita ko si Mommy,

"Mom where's ate Tris?"
Biglang lumungkot ang mga mata niya

"Mom? "

"wala ba siya sa room niya? "
Umiling ako.

"what? "
gulat na tanong ni mommy

"God! Hon!  Wala daw si Tris sa kwarto niya.... "

Hindi ko napansin si Dad na nandito rin pala
Hindi nagsalita si Dad bagkus ay umalis siya,  at sumunod si Mommy, anu bang nangyayari?
Sakto namang dumaan si ate Nana

"ate nana did you see ate Tris? "

"oo be. Lumabas siya, anu bang nangyari? "

Napakunot ang noo ko. Hindi mahilig umalis si ate Tris ng bahay.

"hindi ko rin po alam ate. ."
Maski ako naguguluhan.

"Nakita ko siyang umiiyak kanina bago siya umalis...."

What?  Si ate Tris umiiyak?
Sumunod ako kila mommy sa labas pero sakto ring paglabas ko ay umalis na ang sasakyan.

Ate Tris... Anu bang nangyayari? Bakit natataranta si Daddy at si Mommy?

(Tris Pov)

"Aaaaaaaaaaaah"
Sigaw ko. 
Wala namang makakarinig saakin dito eh. Iyak lang ako ng iyak dito.

Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dito.
Nandito ako ngayon sa likod ng school.

Bakit? Bakit nangyayari saakin ito? Anu bang ginawa ko? Hindi ko matanggap ampon lang pala ako.

Pero sino naman yung Elias na iyon? Kaya pala... Pero ano? Ako? Isang Elemental User? Hahahaha

Nakarinig ulit ako ng isang kaluskos.

"j-jonas? "

Ngunit walang lumabas.
Tumayo ako,  bakit bigla akong natakot?

"s-sino yan? "
Lumabas sa likod ng puno ang......

Isang nakakatakot na nilalang, siya ang nasa panaginip ko.

Tama panaginip lang ito! Bakit hindi ako makagalaw? Nakakatakot siya! Nanlilisik ang mga mata!

Gumising kana Tris! Kinagat ko ang labi ko pero nasaktan ako so hindi ito panaginip? Papalapit na siya kailangan kong tumakbo.

Unti-unting gumalaw ang katawan ko,  at tumakbo ako, hindi ko alam kung saan itong tinatahak ko basta ang alam ko lang kailangan kong tumakbo.

Shit! Paglingon ko malapit na siya saakin! Bilisan mo Tris!
Naramdaman kong may humila saakin. Akala ko yung halimaw na ngunit si.......

Jonas! Nakahinga ako ng maluwag ngunit papunta na saamin yung halimaw

"tumago ka sa aking likuran"
utos niya kaya sinunod ko naman

Sa isang kumpas lang ng kamay niya ay biglang naglaho yung halimaw.

"ayos ka lang? "baling niya saakin

"mukha ba akong ayos? Ikaw kaya habulin ng kung anong halimaw maging ayos ka pa! "inis kong sagot sakanya

"mag iingat ka, masyadong mapanganib ang mga ganong goblin"

"Goblin? " anu yun?

"oo, ngunit ngayon ay masydo pa silang mapanganib dahil nasa ilalim sila ng itim na kapangyarihan."
Paliwanag niya. Pinagmasdan ko siya ng maigi at tumango.

"you know what? Gwapo ko eh maglinis ka lang.... "
Isang irap ang natanggap ko. Ang mga engkanto pala ay marunong ding umirap?

"taray! "

"gabi na ito beatrice. Ihahatid na kita"
Napatingin ako sa paligid ko. Oo nga!

"wag na po. " pagtatanggi ko.

"ihahatid na kita. Delikado na't kumalat ang amoy mo dito sa gubat"

"anong connect non? " ang weird talaga ng lalaking ito

"masyadong nagustuhan ng goblin ang amoy mo"
Natawa ako sa sinabi niya

"ni wala nga akong pabango eh"

"ang dugo mo ang ibig kong sabihin, masyadong humalimuyak ang dugo mo. "

Ha? Ano ako si Bella? Hahahahaha
Tumango lang ako kahit di ko gets, tinignan ko siya simula ulo hanggang paa.
Napangiti ako sa naisip ko. Ayoko pang umuwi kaya..........

"Nasan tayo Beatrice? "
Argh!
"kuya jonas Tris nalang po ang inawag ninyo saakin! "

Oo kuya! Ang tanda na kaya niya! 45 years old nadaw siya! Tatay nga sana ang itawag ko kaya lang pang60's na un eh HAHAHAHA.

Well ang daming nakatingin saamin, ikaw ba naman makakita ng taong weird ang suot at dalhin sa Mall

Opo sa mall ko siya dinala, ipapamake over ko siya!
Pumasok kami sa isang shop na panglalaki, pumili ako ng 5 polo, 5 pantalon, at 2 pares na pantalon

"Kuya Jonas, suotin ninyo po yan ah? Dali na po"
Aangal pa sana siya pero tinulak ko na siya agad sa fitting room

"Miss babayaran ko lahat ito, pati narin yung damit na pinasuot ko"
Ngumiti lang siya saakin.
Nang lumabas si kuya Jonas ay 'perfect'

"yan nag mukha ka ng tao"
Pang aasar ko. Hahahahaha
At sinamaan lang niya ako ng tingin

Her True IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon