First

1.4K 34 5
                                    


MAAGA pa lang ay nakahanda na si Jade. Naka-ponytail na ang hanggang baywang niyang buhok, suot niya na ang kanyang paboritong Sunday dress at ready na siya para sa lakad niya ngayong araw.

Pagkababa niya mula sa second floor ng kanilang bahay ay nakita niya si Francisco, o mas kilala bilang Isko sa lugar nila, na nag-aayos na ng almusal nilang mag-ama.

"O, saan ang lakad mo ngayon?" untag nito sa kanya.

"'Tay, may date po kami ni Charles ngayon," sagot naman ni Jade habang pangiti-ngiti.

Dalawang taon na ang relasyon nina Jade at Charles ngayong araw, May 17, 2016. It's their second anniversary kaya naman abot tainga ang ngiti ni Jade habang kumakain ng almusal.

"Mapunit naman ang labi mo sa sobrang lapad ng ngiti mo, 'nak!" pang-aasar sa kanya ng kanyang tatay.

"Tatay naman, basag trip! Minsan na nga lang ako ngumiti nang ganito, pipigilan niyo pa!" Kunwari ay galit na sabi ni Jade.

Pinuno naman ng tunog ng tawa ni Francisco ang buong dining area nila, "Joke lang, 'nak. Alam mo naman na ikaw ang paborito kong anak e," aniya at sumimsim mula sa tasa ng tsaa nito.

Kumunot ang noo ni Jade, "'Tay, ano 'yang iniinom mo?"

"A, wala ito. Bigay ng kapatid ni Charles... si Prince."

Tumango na lang si Jade bilang pagsangayon niya sa kanyang tatay.

Simple ang pamumuhay ng pamilya ni Jade. Wala siyang mga kapatid at patay na ang kanyang nanay kung kaya't dalawa na lang sila ng tatay niya na magkasama sa bahay at magkatuwang sa buhay. In her twenty-three years of existence sa mundo, tatay niya na lagi ang kasama niya. Unang crush, sinabi niya sa tatay niya. Unang heartbreak, alam ng tatay niya. Unang dalaw ng senyales ng pagdadalaga, tatay niya ang kasama niya. So for her, she is a certified daddy's girl. Pero proud siya sa tatay niya. Biruin mo, kahit walang stable na trabaho si Isko ay nakapagtapos niya ang dalaga ng kolehiyo sa Community College sa kanila.

"'Tay, alis na po ako," ani Jade at humalik sa pisngi ng tatay niya.

"Naku, ang baby girl ko... may boyfriend na."

"Ano ka ba, 'tay," naglakad na ang dalaga patungo sa pintuan nila, "Dalawang taon na nga kami ngayon e! Ba-bye po!" kumaway pa siya bago tuluyang iwan ang nakangiting tatay niya sa kanilang bahay.

PAWISAN na ang kamay ni Charles sa kakahintay kay Jade. Alas onse pa ang usapan nila ng girlfriend niya pero mas maaga siya ng thirty minutes dito. Kabado siya. Kanina pa siya nakaupo sa table for two sa isang fine dining restaurant. Hindi naman ito ang unang beses na magde-date sila ni Jade pero every time talaga na lalabas sila together ay kinakabahan si Charles. He doesn't know why... siguro when you're completely smitten over someone ay talagang kakabahan ka when you are going to see them.

And Charles is no exception for that, she never fail to make him feel uncomfortable and giddy. It may sound gay pero mahal na mahal ni Charles si Jade. Their love story was just typical boy meets girl, liligawan tapos sila na. Cliché. Well, that's love. Cliché at gasgas na.

Before he met Jade he was a happy-go-lucky kind of guy. Bar hopping, girl switching, at marami pang kalokohan ang ginagawa niya. Pero when he met Jade he decided na baguhin niya ang image niya para mapansin siya ni Jade.

Jade was snobbish. Hindi ka niya papansinin unless ikaw ang unang pumansin sa kanya. At dahil sa ugaling 'yun ni Jade ay considered as a challenge siya kay Charles.

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon