Fourth

358 16 2
                                    

NAKAHIGA sila ngayon ni Charles sa damuhan, nakatingin sa mga bituin na galing din sa imahinasyion niya. Nakaunan siya sa braso nito na nakayakap sa kanya. Nakaunan naman si Charles sa isang kamay niya.

"Paano nangyayari ito?" tanong ni Charles sa kanya habang parehas pa rin silang nakatingala sa kalangitan.

"It's because of the necklace you gave me!" excited na sabi niya.

"So totoo ang sabi ng saleslady na may magic ang necklace na 'yun?" parang hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Ano ka ba? 'Di ba..." natigilan siya. Naalala niya na hindi nga pala alam ni Charles ang tungkol sa family background niya at sa abilities ng kuya niya. "Basta, 'di na importante 'yun. Ang importante, magkasama na tayo ngayon," aniya at umunan naman sa kaliwang dibdib nito.

"Sabi mo you have all the control in this place, 'di ba?" tanong nito umupo ito at hinila rin siya paupo.

Tumango lamang siya.

"So... what are we waiting for? Let's do exciting things habang nandito pa tayo!" aniya nang nakangiti. Pero napansin ni Jade na parang may kakaiba sa ngiting 'yun ng binata. Parang may tinatagong lungkot, kumbaga.

Tumayo na silang dalawa. "Ano bang gusto mong gawin?" tanong niya.

Tumigil sa pagsasalita si Charles at kumunot ang noo habang kumakamot-kamot sa baba niya, animo'y nagiisip ng malalim. And Jade find that gesture cute.

"Ikaw bahala," he said after a while, wearing his boyish grin.

JADE concentrated hard. Nakapikit ang mga mata niya habang iniimagine niya kung anong gusto niyang makita. Sinabihan rin niya na pumikit din si Charles at huwag mumulat unless she says so. He obliged.

Jade knew what she wanted. Sobrang fan siya ng mga nakikita niya na underwater romantic stuffs. Wedding ceremonies, wedding proposals and even romantic dates. Basta underwater ang theme, talagang fascinated siya. And that's what she likes to do with Charles today.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Sa imahinasyon niya, bumuo siya ng isang table for two. Walang candle dahil ang setting ay underwater. The table and chair was made up of pearl, sa paligid ay may mga bubbles na pakalat-kalat.

And to make sure na hindi sila mamamatay dahil sa pagkalunod ay sinigurado niyang makakahinga sila.

Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nakasakat na sila sa balsa at may puyo ng tubig sa kanilang harapan.

Siniko niya nang bahagya ang binata, "Open your eyes, Charles."

"Woah," ani Charles nang imulat ang kanyang mga mata. "Anong ginagawa natin sa dagat?"

Noong una ay nagtataka rin ang dalaga kung bakit sila nasa harap ng karagatan. She imagined a romantic table for two under the sea... under the sea!

She giggled when she realized what was happening.

"Naalala mo na sobrang fan ako ng underwater stuffs, 'di ba?" tanong niya rito.

"Uhh... yes," sagot naman ng naguguluhan na binata.

She let out a carefree laugh at hinawakan sa kamay si Charles, "Halika na!"

"To where?"

Instead of answering him ay hinila niya ito nang malakas, causing them to enter the whirlpool.

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon