Tenth

265 12 0
                                    


Sa buhay ng tao ay palaging may ginagawang choices. 'Yan ang natutunan ni Jade sa lahat ng pinagdaanan niya. Binigyan tayo ng Panginoon ng free will to decide for ourselves. But that doesn't mean that we can just do whatever we like to do.

Lahat ng aksyon ay may kaakibat na reaksyon. Nakikita man o hindi ang epekto nito, may epekto pa rin talaga.

Parang paghagis ng bato sa aquarium na may tubig. Kapag binitawan mo at hinulog ang bato sa tubig, ang makikita mo lang ay paggalaw ng tubig sa ibabaw. Pero kapag titingnan mong mabuti, pati ang ilalim ng tubig ay nagkaroon ng reaskyon.

Alam ni Jade na sa desisyon niya ay may mga nasaktan. Pati siya mismo, sinaktan niya ang sarili niya. Ginawa niya ang bagay na 'yun para sa ikabubuti ng nakararami.

NAKASAKAY si Jade sa isang kotse papunta sa sementeryo. Libing na ngayon ng isa sa pinakamamahal niyang lalaki sa mundo. Ginamit na niya ang pangalawang kristal para madugtungan pa ang buhay ng lalaki.

Alam niya na isa lang ang pwedeng mabuhay. Alam niya na alin man ang piliin niyang gawin at bigyan ng kapangyarihan ng kristal ay masasaktan siya.

Pero alam niyang kailangan niyang pumili. Kaya ginawa na niya.

Pinapanood lang niya sa bintana ng kotse ang pagdaan ng mga puno sa kanyang paningin. Aalis, madadaanan, tapos ay may babalik na bago sa kanyang paningin.

Alam na niya ang lahat ng nangyari kung bakit naging ganoon na lang ang galit ni Prince sa kanya. Pero sinabi niya sa sarili niya na bibigyan muna niya ng oras ang sarili niya para magluksa.

Lahat naman ng tao ay nalulungkot. 'Yun na lang ang tanging nakikita ni Jade na paraan para maibsan ang sakit. Ang isipin na lahat ng tao ay nalulunod, hindi lang siya. Sadyang 'yung iba ay mas malalim ang kinasasadlakan, 'yung iba naman ay mas mababaw.

"Handa ka na ba? Kakayanin mo ba?" tanong ng isang pamilyar na boses pagkababa niya ng sasakyan.

Niyakap niya ang lalaki at umiyak sa dibdib nito.

"Parang hindi ko yata kaya na pumunta sa libing ni Charles, 'tay," sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

Ramdam ni Jade na naaawa na ang tatay niya sa kanya. Hindi na lang sinabi ni Jade ang tungkol sa mga kristal at sa pagkakadugtong ng buhay ng kanyang ama. Ayaw niyang ma-guilty ito.

"Kakayanin mo, anak. Malakas ka," sabi ng tatay niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Naglakad na sila papunta sa mismong paglilibingan sa kanyang nobyo. Iyak nang iyak si Jade pero alam niyang nandyan ang tatay niya para sa kanya.

'Yun ang naging dahilan niya para piliin ang tatay niya. Blood is thicker than water. Walang ibang magmamahal sa 'yo nang lubusan bukod sa pamilya mo.

Hindi ka makakahanap ng pag-aaruga ng isang ama o ina mula sa ibang tao. Tanging sa kanila lamang. There's no place like home and there's no place she'd rather be.

Mahal niya si Charles, sobra. Pero alam niyang kailangan nang magpahinga ni Charles. Habang nasa mundong ginawa niya sila ay naramdaman niya na nagpapaalam na si Charles at 'yun ang tumulak sa kanya para gawin ang desisyong ginawa niya.

ORAS na para ibigay niya ang eulogy niya para sa namayapang nobyo. Masakit man pero hiling ito ng mga naiwang kaanak ni Charles kaya pinagbigyan na lamang niya.

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon