Third

391 16 3
                                    

            NAGHILAMOS at nagpalit muna si Jade ng damit niya bago sumampa sa kama at humiga. Her hands that was holding the necklace that was intertwined on her neck was trembling. Kabado siya sa gagawin. Naniniwala siya na may kapangyarihan ang kristal, ang ikinatatakot niya ay paano kung mabilis lang ang pagkikita at pag-uusap nila ni Charles sa kabilang realm.

But she have already made a resolve to do this. Kinuha niya na mula sa loob ng maliit na bote ang crystal of phantasm. She heaved a sigh before placing the crystal on her tongue. Pikit mata niyang nilulon ito. May mainit na sensasyon na gumuhit sa kanyang lalamunan nang dumaan dito ang kristal.

Nang mawala ang mainit na sensasyon ay pakiramdam niya'y unti-unting dinuduyan ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay.

PAGMULAT ng mata ni Jade ay nakita niya ang kalangitan na punong-puno ng bituin at may dalawang buwan. Isang kulay puti gaya ng normal na buwan at isang kulay rosas, kakulay ng kristal. 'Yun ang nagkumpirma sa kanya na nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ng crystal of phantasm.

Inilibot niya ang paningin niya sa paligid. She was in a grassfield. Walang ibang naroroon sa lugar kundi puro damo lang. Nagiba rin siya ng damit. Kanina bago siya nang mahiga siya sa kama ay naka-shirt lang siya at pajama. Pero ngayon ay nakasuot siya ng isang plain white dress na below the knee ang haba. Wala rin siyang suot na kahit anong pangyapak, kaya naman ramdam niya ang gaspang ng damo sa kanyang talampakan.

Naglakad-lakad siya para hanapin si Charles, dahil kung tama ang pagkakagawa niya ay dapat nandito na si Charles. Lakad siya nang lakad hanggang makaramdam siya ng pagod. Naisipin niyang magpahinga muna dahil baka sa pagod niya sa realm na ito ay mapabalik siya sa totoong mundo nang wala sa oras.

"Paano 'to? Puro damo lang naman ang nandito. Walang kahit ano," sabi ni Jade sa hangin.

Napahilamos na lang siya ng mukha nang unti-unting makaramdam ng frustration. Bahagyang napatigil si Jade nang may maisip.

"Teka, mundo ko ito. Ako ang may kontrol," ani Jade at pumikit.

Nag-visualize siya sa kanyang imagination ng isang lake. Bawat detalye ay malinaw na sa kanyang isip. Malinaw na tubig, mapayapang agos. napaliligiran ng puno at may mga swans na lumalangoy...

Naramdaman niya na nag-iba ang ihip ng hangin. It seems like it became fresher. Pagmulat niya ay ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang lake na nasa imagination niya. Naroroon siya ngayon. Kung paano niya p-in-icture out sa isip niya ay ganoon na ganoon nga.

Nakasakay siya ngayon sa balsa na gawa sa kawayan. Nasa gitna siya ng lawa. Tanaw niya mula sa kinalalagyan niya ang pampang. Inisip niya na unti-unting lumalapit ang balsa. And just like she expected she felt that she was moving. Gumagalaw na ang balsa papunta sa pampang.

Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kwintas. Pero nanlaki ang mata niya nang hindi mahawakan ang kwintas. Agad siyang tumingin sa tubig and there she saw her reflection. Wala ang kwintas, pero nagkaroon siya ng tatoo sa bandang gitna ng dibdib niya malapit sa collarbone niya. It was a circle at parang may mga tribal designs sa palibot nito. Sa loob naman ng bilog ay mayroong dalawang mas maliit pa na bilog. Naisip niya na baka sa dimensyon na ito, walang physical form ang necklace. Tumingin muli siya sa kalangitan at nakitang dalawa pa rin ang buwan katulad ng kanina.

Narating niya na ang pampang. Kailangan niya nang mahanap si Charles, she needs to see him quickly para mas masulit pa nila ang oras nilang dalawa sa realm na ito.

Naglakad papasok ng gubat si Jade, maliwanag dahil sa liwanag ng mga buwan kaya kitang kita niya ang kanyang nilalakaran at ang marahang paggalaw ng mga dahon ng puno dahil sa hangin. Kanina pa siya nagiisip ng paraan para makita si Charles pero she can't think of a way to see him.

She tried to imagine his face in her mind pero hindi katulad ng sa lawa, hindi nag-materialize ang imagination niya. Maybe hindi gumagana ang method na 'yun sa mga tao.

So she guessed na kailangan niyang hanapin si Charles ng mano-mano.

"This place is kinda boring," sabi niya habang tinitignan ang mga puno sa paligid niya.

Pumikit siya at nag-imagine. Siguro kung magiging isang straight line lang lalakarin, mas mabilis silang magkikita ni Charles. So she thought of a straight road at since kaya niyang baliin ang katotohanan dito maybe she'll make the most out of it. Aside from the straight road ay nag-imagine siya ng isang bagay na pareho nilang gusto ni Charles – Cherry blossom trees.

Pagmulat niya ay napangiti siya nang napakalawak. Naging parang Japan ang setting ng mundo niya. Isang mahabang kalsada lang ang dinadaanan niya. May mga streetlights sa magkabilang gilid ng kalsada at napakaraming Cherry blossom trees. She never went to Japan dahil hindi kaya ng budget niya, unlike Charles na ilang beses nang nakapunta sa iba't ibang bansa, pero nakikita niya sa mga anime at japanese movies na napakaganda ng mga cherry blossom trees.

The pink leaves of the trees were like cotton candy sa paningin ni Jade. Hindi maalis sa mga labi niya ang napakatamis na ngiti habang naglalakad.

After minutes ay wala pa rin siyang nakikitang Charles, ni anino nito ay wala. So she decided to sit on a bench, which is also a product of her imagination, sa tabi ng daan. Magpapahinga muna siya.

AFTER a while ay medyo umayos na ang pakiramdam niya, hindi na masyadong masakit ang mga paa niya and her breathing is back to normal. She stood up and was about start walking again when she heard a familiar voice calling her name.

"Jade," narinig niya mula sa likuran niya.

Nakilala ni Jade ang boses ng tumawag sa kanya kaya kahit hindi pa siya tumitingin sa likod niya ay napaluha na siya. It was him.

She felt him hug her from behind. This is him. His warmth. His scent.

"Jade, I missed you."

Humarap siya sa binata at ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga palad. Umiiyak na sila parehas. Tears of joy, she guessed.

"Charles," sabi ni Jade nang nakangiti. It was ironic, she was smiling while crying. Ang sarap ng pakiramdam ni Jade na natatawag niya nang muli ang pangalan ng boyfriend. She's happy that she was able to see his eyes.

"Jade," ani Charles at ginaya ang ginagawa ni Jade.

And she thought that kissing him on the lips is the right thing to do in this moments. So she did.

Pinaglapat niya ang labi nilang dalawa. They kissed each other passionately and filled with love. Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya habang lumalalim ang halik na pinagsasaluhan nila.

Matapos ng halik ay pinaglapat naman nila ang kanilang noo habang nakatingin sa mata ng isa't isa nang nakangiti.

"I love you, Jade."

Hindi sumagot si Jade, bagkus ay muli niyang pinaglapat ang kanilang mga labi para sa isang halik ulit. And then they hugged and kissed each other again. Under the light of the two moons, at the center of a straight road surrounded by cherry blossom trees.

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon