Both Prince and Charles ay mabait sa kanya. Mas nauna nga niyang naging kakilala si Prince dahil boss niya ito sa kanyang department. Ang bait bait nito sa kanya. Dinadalhan siya ng flowers nito dati. Coffee every morning. Kung ilusyonada at assuming na babae lang siya ay iisipin niya na may balak itong ligawan siya. Madalas na kasi silang lumalabas for dinners, magka-text, magkatawagan at magka-chat pa sa facebook. Lagi rin siyang hinahatid nito pauwi galing trabaho at palagi rin siya nitong sinusundo mula sa bahay nila papunta sa kanilang opisina. Kaya madalas ay sa bahay nila ito kumakain ng breakfast kasabay siya at ang tatay niya. Close na nga ang tatay niya at ang binata e. Halos laging bukambibig ng tatay niya si Prince. Tinantanong kung nanliligaw daw ba ito sa kanya at kung may pag-asa ito na sagutin niya. Kaso bigla-bigla na lang siya nitong hindi pinansin at hindi kinibo. Nawala lahat ng effort na pinapakita nito sa kanya. Hindi rin niya alam kung bakit at kung ano ang totoong reason kung bakit nagkaganun sila ng lalaki. Wala lahat pwera sa pagiging close nila ng tatay niya, hindi na 'yun nawala. Kaya hanggang ngayon ay lagi pa rin siya sa bahay nila pero ang tatay na niya ang sadya niya. May sakit kasi ang tatay niya sa lungs. Parang tubercolosis pero mas mahirap gamutin. Ito namang si Prince ay binigyan si Papa ng herbal tea na makakagamot daw sa sakit niya kapag ininom in a regular basis. Dahil sa paglayo ni Prince ay inisip niyang ginawa lang siya nitong pampalipas oras. Days after kasi ng biglaan nilang hindi pagpapansinan, parating may pumupunta sa office nito na mga babae at paglabas ay parang mga pusang nabigyan ng isda ang mga muka. Alam niya kung anong ginagawa ng mga ito sa loob ng opisina niya pero hinahayaan na lang niya kasi wala naman siyang say sa mga gagawin ng binata.
After din mawala ng kung anumang ugnayan na mayroon sa kanila nito ay pumasok sa eksena si Charles. Noong una ay hindi niya alam na magkapatid ang dalawa. Ang akala niya ay naga-apply rin lang ito sa pinagtatrabahuhan niya.
Si Charles ang pumalit sa lahat ng ginagawa ni Prince noong okay pa sila nito at mayroon pa silang unlabeled relationship na more than friends but less than lovers. Mismong mismo ang ginagawa ni Charles. Roses. Coffee. Hatid. Sundo. Dinner. Pero mas naging close talaga ng tatay niya ang kuya nito kasi mas responsableng tao si Prince. Charles kasi is more of the happy go lucky type. Outgoing and fun.
Napansin niya na simula nang lumapit at niligawan siya ni Charles ay lagi nang nakaismid ang kuya nito sa kanya. Mas maraming babae na rin ang nakikita niya na pumapasok sa opisina nito o 'di kaya'y nakikita niya na sumasakay sa kotse niya tuwing oras ng uwian.
Isiniwalang bahala niya ang lahat kasi para sa kanya ay naging libangan lamang siya ni Prince. And maybe he feels defeated knowing na wala na rito ang atensyon niya at nasa kapatid niya na. But he couldn't blame her, parang ang labas ay pinaglaruan siya nito at masakit 'yun para sa dalaga.
"Hey, hindi ka na nagsalita. Ayos ka lang ba talaga?" he asked her which drove her out her reverie.
Tumango lang siya, "Okay ako."
Narinig niya na parang huminga nang malalim ang binata. Marahil ay hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
"Ano na ang gusto mong gawin?" nakangiti niya tanong dito. She tried her best to make that smile look genuine and real para kahit paano ay ma-lessen na ang pagaalala nito sa kanya. Kahit kasi sabihin niya na okay lang siya ay parang nakikita pa rin nito kung anong tunay na nararamdaman niya based sa ngiti na pinapakita niya.
Nagkibit-balikat ito, "I don't know. Nag-dinner na tayo under the sea, naglaro na tayo sa ibabaw ng rainbow. Wala na akong maisip na iba," aniya at dinugtungan ng tawa nito.
He's right. Halos lahat na ng impossible things na gusto niyang gawin ay nagawa na nila nang magkasama. Well actually, the fact na magkasama sila ngayon ay sobrang napapasaya na siya. Kahit pa isa lamang ilusyon ang lahat ng 'to.
BINABASA MO ANG
Ephemeral
FantasyJade, Charles and Prince's story, what if the only way to continue to write your story is by living in a make-believe world? Ephemeral - Completed © JoshLozada stories - 2016 All rights reserved. Say no to plagiarism. Cover by @zofeyahn_kems