Habang papalapit siya sa warehouse ay lumalakas din ang ulan. Habang lumalakas naman ang ulan ay buumibilis ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba.
Kanina pa naiisip ni Jade na baka wala sa warehouse na 'yun ang tatay niya at baka this is only one of Prince's games.
Pero pinaghawakan niya ang katiting na pag-asa.
Hingal na hingal siya nang makarating sa harap ng warehouse. Gabi na kaya sarado na ang warehouse. Pero kapag umaga ay functional ito. Isa ito sa mga pagawaan nila ng jewelries. Madilim sa paligid nito pero bukas pa halos lahat ng ilaw sa loob ng gusali.
May may mga malalaking lalaki na nagbabantay sa harap ng entrance ng building. Isang palapag lang ito kaya napakalawak ng sakop na space.
Lumapit siya sa dalawang lalaki bagama't ramdam niya ang takot para sa mga ito.
"Mga sir, nandiyan po ba si Prince sa loob?" magalang na tanong niya sa mga ito.
Tiningnan muna siya nang mataman ng mga lalaki bago siya tinanguan at iginiya papasok sa warehouse.
Nginitian niya ang mga ito at pumasok na sa loob.
Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay may humatak sa kanya at tinakpan ng panyo ang kanyang bibig at ilong.
A muffled scream came out of her throat at sinubukan niyang pumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ng kung sinuman.
Pero nang maamoy niya ang nakakasulasok na amoy mula sa panyo na nakatakip sa kanyang muka ay unti-unti siyang nahilo.
Slowly her consciousness was succumed into darkness. Then everything went black.
DAHAN-DAHANG iminulat ni Jade ang kanyang mata. Nasilaw siya sa liwanag ng silid na kinaroroonan niya. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan pero nabigo siya dahil nakagapos ang kanyang mga kamay sa likod ng upuan at ang kanyang mga paa naman ay nakatali sa paa ng upuan.
"Oh, gising ka na pala."
Inangat niya ang kanyang paningin at nakita ang nakangising mukha ni Prince. But unlike before, his grin was different. Before it was a boyish grin but now all she can see is a nerve-wracking dangerous smile.
"Nasaan si Tatay?" ang naging unang tanong niya.
"Too excited, huh?" aniya at may sinenyasan. Pumasok sa kwarto ang dalawang lalaki kanina sa may entrance habang may tinutulak na wheel chair.
Halos maluha siya nang makitang ang tatay niya ang nakaupo rito na gaya niya ay nakagapos din ang kamay at paa.
"'Tay!" tawag niya rito pero nanatili lamang ang paningin nito sa kawalan. Parang hindi siya naririnig.
Tinawag pa niya nang ilang ulit ang kanyang tatay pero katulad kanina ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito.
Tatawagin pa sana niya ng isa pang beses ang kanyang tatay pero narinig niya na humalakhak si Prince.
Doon na halos sumabog ang ulo niya sa sobrang galit. "Anong ginawa mo sa Tatay ko!?"
Nagkibit-balikat lamang ito. "Hindi ko alam, siguro kailangan niya nang uminom ng kanyang tsaa?"
She gave him a questioning look.
Naglakad palapit sa kanya ang binata.
"Poor, Jade. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Sobrang nag-enjoy ka ba sa panaginip na gawa ng kristal at nakalimutan mo nang may mundo kong iniwang pansamantala?"
BINABASA MO ANG
Ephemeral
FantasyJade, Charles and Prince's story, what if the only way to continue to write your story is by living in a make-believe world? Ephemeral - Completed © JoshLozada stories - 2016 All rights reserved. Say no to plagiarism. Cover by @zofeyahn_kems