MABILIS ang mga pangyayari. Mabilis na takbo ng sasakyan. Tunog ng busina. Pagtama ng sasakyan sa isang poste ng kuryente. Sirena ng ambulansya. Pagbubuhat sa kanila. At ngayon namalayan na lang ni Jade na nakahiga na siya sa stretcher na pinapagulong ng mga nurses ng hospital papasok sa operating room. Paglingon ni Jade sa gawin kanan niya ay nakita niya si Charles na duguan. Nababalot ang mukha nito ng dugo. May mga pasa rin ang binata sa mukha natin.
"C-Charles..."
Even though she is weak, sinubukan pa rin niyang tawagin ito but she gained no response. Unconscious na ang binata.
Hindi niya napigilan na maiyak dahil sa kinahinatnan nila. Masaya lang sila kanina tapos ngayon ay nauwi lahat sa isang trahedya.
Naipasok na siya loob ng operating room at naramdam niya na binuhat siya mula sa stretcher papunta sa surgical tables. Bago siya tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman niya ang pagkabit sa kanya ng iba't ibang wires. And after that, everything went black.
HINDI mapakali si Francisco. Kanina na sinundo siya ni Prince sa kanilang bahay ay kalmado pa siya pero nang sinabi na ng binata na may nangyari sa anak niya ay biglang gumulo ang utak niya.
"Malayo pa ba tayo, hijo?" tanong nito sa binata na kasalukuyang minamaneho ang sasakyan nito papunta sa ospital.
"Tito Isko, kalma lang po. Kung bibilisan ko po ay baka tayo naman ang maaksidente," kalmadong sabi ng binata sa kanya. "Heto po, uminom muna kayo nitong dala kong tsaa niyo."
Inabot ng binata sa kanya ang isang tumbler na naglalaman ng bigay nitong tsaa. Sumimsim siya at naramdaman na naman niya ang init na dinudulot ng tsaa sa kanyang lalaumanan whenever he drinks it.
Naramdaman naman niya na medyo kumalma siya, "Salamat, Prince."
Ilang saglit pa ay nasa harap na siya ng operating room. Papasok sana siya sa loob kung hindi lang siya pinigilan ng mga nurses.
"Sorry talaga, sir. Hindi po pwedeng pumasok. Ongoing po ang operation," magalang na sabi ng babaeng nurse.
"Pero anak ko ang nasa loob, parang awa niyo na papasu—"
Naputol ang pakikipag-usap niya sa nurse nang tapikin ni Prince ang balikat niya. "Stay calm, tito. It won't help kung mas-stress ka," ani Prince habang pinapaupo siya nito sa isa sa mga benches na nandoon.
Lord, sana po walang masamang mangyari sa anak ko. Tahimik lamang na nagdadasal si Isko nang muling abutan siya ni Prince ng tsaa na siyang tinanggap naman niya.
PAGMULAT pa lang ng mga mata ni Jade ay namataan agad niya ang puting kisame. Ramdam niya ang sakit sa buong katawan niya. Kumikirot ang mga kalamnan niya at pakiramdam niya'y nagugutom at nauuhaw niya.
Sinubukan niya umupo but she failed. Sakto naman na paghiga niya ulit ay may pumasok na nurse sa kanyang private room.
"Ay, Ms. Jade. Higa ka lang po. Tatawagin ko lang si Doc," sabi nito at lumabas ng kwarto.
Pagbalik ng nurse ay kasama na niya ang isang doctor, si Prince at ang kanyang tatay.
The doctor placed his stethoscope on her left chest. "Stable na ang pasyente," anito.
Hindi pa nakakalayo ang doctor ng lumapit sa kanya ang tatay niya at niyakap siya nang sobrang higpit. Napangiwi siya dahil pakiramdam niya ay natamaan nito ang ilang pasa niya.
BINABASA MO ANG
Ephemeral
FantasyJade, Charles and Prince's story, what if the only way to continue to write your story is by living in a make-believe world? Ephemeral - Completed © JoshLozada stories - 2016 All rights reserved. Say no to plagiarism. Cover by @zofeyahn_kems