Because of what he said ay medyo napaisip siya. Ano nga ba ang gusto niyang gawin? Gusto niya sana na sulitin ang gabi at mag-dinner na lang with a candle. Kaso sayang naman dahil common na 'yun at puwedeng gawin sa totoong mundo. She wanted to do something magical and impossible.
Ever since she was a child, one of her wildest dreams is to go to outer space to go stargazing up in front of the stars. She knows that stars aren't the five-cornered figure na tinuturo sa school. Alam niya na walang definite shape ito at 'yun ang mas nagustuhan niya dahil sa likod ng karaniwang nakikita sa mga stars ay ang kakaiba ngunit magandang hitsura nito.
At syempre, growing up ay naniwala siya na may mga pot of golds nga na makikita sa bawat dulo ng rainbows. And she loved that idea. A rainbow is a sign of hope sa kanya. Kasi after ng mga unos na darating ay ang kaginhawaan after nito.
"Huy, ano ba? Ang tagal naman, Babe."
Ngumiti siya dahil sa ideya na naisip niya. Why not combine the idea of stars and rainbows in one event?
"Let's go stalking rainbow stars!" sigaw niya at hinila naman ang binata.
Nagpatianod lamang ito sa kanya.
Marahan siyang pumikit at kinalma ang sarili.
Habang tumatakbo sila ay nagmulat siya ng mata at nakita na nasa ibabaw na sila ng bahaghari at tumatakbo papunta sa dulo nito.
Nilingon niya ang binata at nakita na ito rin ay amused na amused sa mga nangyayari.
"This. Is. Awesome!" hiyaw ng binata nang nakangiti.
Parehas lang sila nito. Parang ang hirap paniwalaan na nagagawa nila ang mga imposibleng bagay nang magkasama.
Takbo lang sila nang takbo at napansin nila ang malaking banga sa may dulo ng bahaghari.
"Is that what I think it is?" nakangiting untag nito sa kanya.
"Yup! The pot of gold at the end of the rainbow!"
Nagmadali silang lumapit dito at sabay na hinawakan ang takip ng banga.
"One... two... three!"
Pagkabilang niya ng hanggang tatlo ay sabay nilang iniangat ang takip ng banga.
Na-deform naman ang rainbow at tila hinigop ito ng malakas na hangin papasok sa banga.
Nanlalaki ang mga mata na tiningnan ng dalawa ang mabilis na pagpasok ng bahaghari sa loob ng banga.
Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang nawala ang rainbow na kanina lang ay tinatakbuhan lang nila.
Nagdilim ang paligid at automatic na napahawak sa bewang niya si Charles, parang ready to fight in case na may masamang mangyari.
But she knows better, all of this ay na-visualize niya na kanina sa kanyang imagination.
Amidst the dark ay biglang umilaw ang loob ng banga na humigop sa rainbow kanina. The light was that of the colors of the rainbow.
"What's happening?" mahinang tanong ng binata sa kanya.
"Just wait and see, Charles."
Umilaw nang napakaliwanag ang bunganga ng banga. At dahan-dahan na may mga lumalabas na mga bilog mula sa bunganga nito.
The light balls were colored. Red, orange, yellow, green, blue, indigo at violet light balls came out of the jar.
"Wow," manghang-manghang sabi ng binata. "This is amazing."
They were both all smiles habang pinapanood ang unti-unting pagbalot at pagpaligid sa kanila ng mga umiilaw na bola. Their eyes were reflecting the colors that came from the balls. It was indeed a sight to see.
Ang paligid ay punong-puno ng ilaw. Madilim man ngunit para silang nakatayo sa outer space at napapaligiran ng mga bituin na may kulay. Just like how she imagined all of this to happen.
Hindi kasi siya makapili ng gusto niyang mangyari. She was torn between stars and rainbows, so she decided to just combine it. At gustong-gusto niya ng kinalabasan nito.
"Let's go stargazing now," sabi niya sa lalaki at tumingala sila.
Magkaharap sila at magkawak ang kamay habang nakatingala. They were both smiling as if wala silang iniisip saa kanilang buhay.
Parehas nilang alam na hindi permanente ito. Mawala lang ang epekto ng crystal ay mawawala na rin ang pansamantalang mundo na ginawa nila pareho.
Napawi ang ngiti niya nang maramdaman na parang bumilis ang tibok ng puso niya at parang pumintig-pintig ang sentido niya.
The suddenly, nakita niya ang kanyang papa na nakasakay sa isang stretcher at ipinapasok sa emergency room. The image was just a spare of the moment pero sobrang vivid nito at parang totoo talaga.
Napansin ng binata na parang natigilan siya kaya tinanong siya nito kung okay lang ba siya, kung may sakit daw ba sa kanya or kung napapagod na ba siya na siyang sinagot niya ng tango at iling lamang.
Tumigil na ang binata sa pagtatanong sa kanya pero ramdam niya na hindi kumbinsido ang binata na ayos lang siya. Bothered siya sa nakita niyang image.
Ayaw man niyang maniwala sa nakita niya pero parang totoo talaga ito.
"Jade, 'yung totoo lang. Okay ka lang ba? Kinakabahan ako sa mga pinaggagawa mo at sa mga kilos mo. Sabihin mo naman kung ano talagang nararamdaman mo. Nagaalala na ako, please."
Medyo natamaan nang bahagya ang konsensya niya dahil sa sinabi nito. Concerned lang ito sa kanya pero ito siya ngayon at tinatago ang mga bagay na gumugulo sa kanya.
She just don't want to spoil the moment. Ang saya nila magmula pa kanina at ayaw na sana niyang mabago ang atmosphere. Kasi nga, hindi 'to permanent. Maya maya lang ay manghihina at mapapagod na siya. And then afterwards, gigising na siya at wala na si Charles sa paligid niya. Wala na ito sa tabi niya. Hindi niya na makakapiling. Hindi na niya makakasama. Hindi na makakausap. At ang idea na 'yun ang siyang nagiging sanhi ng pagiging down niya sa sarili. Sumabay pa ang nakita niyang image kanina.
Natatakot siya. Natatakot siya na matapos ang lahat ng ito. What if after this ay hindi na talaga magising si Charles mula sa pagiging comatose nito. Kakayanin ba niya?
Napailing siya sa sarili niyang tanong. No she cannot live without him. All her life, kasangga na niya ito. Maski noong hindi pa sila mag-on ay napakabait na nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ephemeral
FantasyJade, Charles and Prince's story, what if the only way to continue to write your story is by living in a make-believe world? Ephemeral - Completed © JoshLozada stories - 2016 All rights reserved. Say no to plagiarism. Cover by @zofeyahn_kems