Nang makalabas siya ng warehouse ay mas malakas na ang ulan kaysa kanina. Malalim na rin ang gabi. Pero wala siyang pakialam kung mukha siyang tanga sa hitsura niya ngayon. Basa sa ulan, pawis, luha at dugo. May bandana pa sa ulo. Tumakbo pa rin siya. Bahala na kahit magmukha siyang takas sa mental. Basta dapat ay makarating siya sa ospital nang mabilis.
Hinawakan niya nang maigi ang mga kristal sa kanyang kanang kamay at kumaripas na ng takbo.
Ang dami niyang nakabanggang tao dahil sa pagmamadali niya. Ilang beses din siyang minura ng mga nakakasalubong niya dahil pagewang-gewang na siya sa kanyang pagtakbo pero binalewala niya ang lahat. Wala na siyang pakialam sa tao sa paligid niya. Basta pupuntahan niya ang tatay niya at si Charles.
Alam niya na pagpunta niya roon ay mahihirapan siyang gumawa ng choice kung sino ang bubuhayin gamit ang crystal of resurgence.
Ang tatay ba niya na sinakripisyo ang buhay para sa kanya. Ang tumayong ama't ina para sa kanya, o si Charles na walang ginawa kung hindi ang mahalin siya ng buong-buo. Alam niya na para sa iba ang sasabihin ay family first kaya dapat ang tatay niya ang iligtas niya. Pero iba ang sitwasyon na kinalalagyan ni Jade. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may mangyayaring masama sa isa sa kanila.
Sa lalim ng pag-iisip niya ay hindi niya napansin ang baldeng nakasahod sa alulod ng isang bahay at natisod siya roon.
Nadapa siya at ramdam niya ang hapdi ng sugat na dinulot ng pagkakasubsob niya sa kanyang tuhod.
Makirot at mahapdi ito at halos mapaiyak siya sa sobrang sakit pero kahit pagewang-gewang at paika-ika na ang lakad at takbo niya ay pinilit pa rin niyang umusad.
"Kaya mo 'yan, Jade. Para 'to sa mga mahal mo sa buhay," bulong niya sa sarili niya at nagpatuloy sa pagtakbo.
Nang may tumigil na taxi sa harap niya ay medyo guminhawa ang pakiramdam niya. Pero nang ibaba ng driver nito ang bintana ng sasakyan at nakita ang lagay ni Jade ay agad nitong pinaharurot ang taxi nito.
Sino nga ba ang magsasakay sa kanya kung mukha siyang pulubi.
Huminga na lang siya nang malalim at pinapatuloy ang paglalakad at pagtakbo niya.
Makaipas ng ilang saglit ay narating na rin niya sa wakas ang ospital. Ngunit hinarang siya ng mga gwardya dito. Gaya ng mga tao kanina sa dinaanan niya at ng mga driver ng taxi na pinara niya ay napagkamalan siyang baliw.
"Kuya, please. Papasukin niyo naman na po ako. Kailangan kong makita 'yung tatay ko tsaka 'yung boyfriend ko."
"Sorry, miss. Hindi talaga pwede e. Trabaho lang po namin ang ginagawa namin," sabi nung isang guard.
Luminga-linga sa paligid si Jade at nakita naman niya 'yung nurse ni Charles.
"Nurse!" sigaw niya at napalingon naman ang nurse sa kanya.
Tiningnan siya ng nurse mula ulo hanggang paa at napangiwi dahil sa kanyang kalagayan.
"Ako po ito, si Jade."
"Ay, Ms. Jade. Ano pong nangyari sa inyo? Bakit nagkaganyan ang mga damit mo, tsaka ang dami mong sugat?" tanong nito sa kanya in a concerned tone.
Nagkibit-balikat na lang siya rito at tinanong kung pwede raw ba siyang pumasok sa ICU at nandoon si Charles. Pumayag naman ang nurse pero dapat daw ay maligo muna siya dahil baka ma-infect ang pasyente kung marumi siyang papasok sa kwarto niyo.

BINABASA MO ANG
Ephemeral
FantasyJade, Charles and Prince's story, what if the only way to continue to write your story is by living in a make-believe world? Ephemeral - Completed © JoshLozada stories - 2016 All rights reserved. Say no to plagiarism. Cover by @zofeyahn_kems