Seventh

227 13 0
                                    

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Jade. Ramdam man niya ang panunuyo ng lalamunan at pagkalam ng sikmura dahil sa pagka-uhaw at gutom, hindi niya pa rin mapigilan ang maiyak.

Tapos na. Wala na. Tapos na ang mga oras na magkasama sila ni Charles na maaring huli na.

But she decided that she'll never lose hope. As long as humihinga pa si Charles, hindi siya mawawalan ng pag-asa na babalik sila sa dati.

With a heavy heart ay pinilit niyang tumayo. Namamanhid ang buong katawan niya. Tiningnan niya ang digital clock sa may bedside table niya, halos limang araw rin pala siyang wala sa ulirat. Hapon na rin kaya pagtingin niya sa bintana ay nagaagaw na ang dilim at liwanag. No wonder she feels like her head is like being hit by a sledgehammer.

Napansin niya na wala na ang crystal na nakalagay sa kanyang kwintas bago siya matulog, so she presumed na kapag nawala na ang bisa ng kristal ay mawawala na rin ang physical appearance nito.

Tumayo na siya at nag-stretching para mawala ang pangangalay ng katawan niya.

Agad siyang pumunta sa kanyang tokador kung saan niya iniwan ang dalawa pang kristal. Nanlaki ang mata niya nang makita na wala na roon ang mga kristal. Hinanap niya ito, tiningnan sa ilalim ng tokador, pero wala talaga.

"'Tay! Nakita niyo ho ba 'yung mga batong magaganda na nakapatong sa tokador ko?" sigaw niya.

Naghintay siya ng ilang mga segundo para sa sagot ng kanyang tatay, pero walang tumugon sa kanyang tawag.

Tumayo siya sa pagkakadapa sa sahig at lumabas ng kwarto niya.

Ngunit halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang hitsura ng kanilang bahay.

Sobrang gulo, basag ang mga salamin ng bintana, nalaglag ang mga gamit na nakapatong sa wooden shelves nila.

Nagkalat din ang mga piraso ng mga punit na papel at mga bubog na galing sa bumagsak nilang TV.

Agad siyang tumakbo sa kusina para tingnan kung naroroon ang kanyang tatay pero ang sumalubong sa kanya ay ang parang dinaanan ng bagyong kusina nila. Parehas lang ng kalagayan ng living room nila.

Napaluha siya. Parang may bikig sa kanyang lalamunan na pinipigilan siyang makahinga. Wala ang tatay niya. May nangyaring masama rito. Maaring habang tulog siya ay nilooban ng masasamang loob ang kanilang bahay. Pero parang napakaimposible naman noon sa kanyang palagay dahil kung papasukin man sila ng mga magnanakaw, ay dapat pati ang kwarto niya ay pinasok na rin.

Sa kabila ng pag-iyak ay may nahagip siyang isang papel na naka-magnet sa refrigerator nila. Dahan-dahan siyang lumapit doon at binasa ang nakasulat. Nakutuban niya na kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito dahil sa penmanship ng nagsulat dito...

So you're awake? I've got your Dad and the crystals. Did you enjoyed your leisure time with Charles? I hope you did because that will be the last time you'll ever see him awake again. Want to see your Dad? Let's meet. Where everything started. See you.

Parang dinukot mula sa dibdib niya, itinapon sa sahig at inapakan nang paulit-ulit ang kanyang puso dahil sa kanyang nabasa.

She didn't need to think that much to know who did that. It was no other than Prince, no doubt about it. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit gagawa ng ganoon ang binata, e halos magkaibigan na ang turing nito at ng tatay niya.

She shook her head to dismiss the thought. Binasa niya ulit ang sulat... Where everything started? Paulit-ulit na tanong niya sa kanyang isipan. Saan nga ba nagsimula ang lahat? Alin ang nagsimula?

Umupo muna siya sa sahig at hinilot ang sentido.

"Ano bang ibig mong sabihin, Prince?!" sigaw niya sa kawalan. Sobrang frustration ang nararamdaman niya ngayon. Nasa bingit ng kamatayan ang nobyo niya habang hindi naman niya alam kung nasaan ang kanyang tatay.

Totoo nga ang kasabihan na when it rains, it pours. Sobrang saya niya kanina habang nasa loob pa siya ng mundong gawa niya. Halos umapaw ang kasayan sa kanya, pero ngayon naman na may masamang nangyayari, tuloy tuloy naman.

Napatayo mula sa pagkakaupo niya si Jade nang ma-realize ang ibig sabihin ng iniwan na clue ni Prince.

Siguro ay ang ibig niyang sabihin ay ang warehouse na dating pinagtatrabahuhan niya noon. Sa factory ng jewelry shop nila Charles.

Doon niya unang nakilala ang dalawang binata. Siguro 'yun din ang tinutukoy ni Prince sa kanyang sulat.

May pagmamadali na nagtungo siya sa kanyang silid para magpalit ng damit. Her usual shirt and jeans get-up plus pinatungan niya ng black leather jacket.

Tumakbo siya agad papalabas. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag pero wala siyang pakialam. Kahit bahagyang umaambon ay hindi 'yun naging hadlang para takbuhin niya ang distansya mula sa bahay nila papunta sa warehouse kung saan maaring naroroon ang kanyang tatay.

Hindi naman gaanong kalayo ang distansya ng warehouse mula sa bahay nila. Halos dalawang kilometro lang ang layo nito. Dahil sa pagmamadali ay hindi na pinili ni Jade na sumakay sa taxi. Matatagalan lamang siya sa paghihintay at paniguradong maiipit lang siya sa mabigat na daloy ng trapiko.

Nagsimula na siyang tumakbo. Kasabay ng pagtakbo niya ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Napamura na lang siya sa kanyang isip dahil sa ulan. This is just like a scene from a movie and she hates it.

Nasa kahabaan na siya ng highway tumatakbo nang naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nakalagay sa inner pocket ng kanyang leather jacket. Sumilong muna siya sa nadaanan na waiting shed at sinagot ang tumatawag.

"Hello Ms. Jade, mula po ito sa Emilio Aginaldo General Hospital. Nurse po ako ni Mr. Charles at nakalagay rito na kayo po ang contact person in case of emergeny," sabi ng boses ng isang babae sa kabilang linya.

Emergency. Napalunok siya ng laway pagkarinig ng salitang iyon.

"Ah, ako nga ito. Ano pong nangyari?" tanong niya. Pinipilit patunugin na maayos ang boses niya.

"Medyo unstable na po kasi ang lagay ng pasyente ngayon. Gusto po sana namin kayong papuntahin dito para malaman niyo ang mga procedures na gagawin namin sa kanya."

"Ah... ganoon ba? Sige, pupunta ako. Sandali lang."

Hindi niya na binigyan ng pagkakataon na makasagot pa ang kausap sa kabilang linya. Dahil hindi niya na napigilan pa ang malakas na pag-agos ng kanyang mga luha kasabay na pagtulo ng ulan.

Nagpatuloy na siya sa pagtakbo padiretso. Habang umuulan ay parang bumabagyo naman sa kanyang isip at damdamin.

Tumigil siya sa tapat ng isang intersection. Kapag lumiko siya sa kaliwa ay mapupuntahan niya si Charles na nagaagaw-buhay sa hospital ngayon. Kapag tinahak naman niya ang kalsada sa kanan ay makikita na niya ang tatay niya. Anong gagawin ko? Pipeng tanong niya sa kanyang sarili.

Ilang minuto na at naroroon pa rin siya. Nababangga na siya ng mga taong nakakasalubong niya. Pinalis niya ang kanyang luha.

Sorry, Charles. Sabi niya sa kanyang isipan at lumiko sa kanan, Papunta sa kinaroroonan ng kanyang tatay.

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon